CHAPTER 11

44.7K 1.4K 455
                                    

Chapter 11

Debie Pov

"Hello, po." Kinikilig kong bati kay Xavier. Hindi ko mapigilang di mapatulala sa ka-matchuhan at sa hitsura ni Xavier. Para akong nanaginip na nandito na sa harapan ko ang lalaking pinapanood ko lang noon sa television. Mga nakaw kong sandali na nasisilayan ang ka-gwapuhan ni Xavier noon. Basta  mulat na ang isip ko nang una kong makita si Xavier sa television namin noon. Isa kasi siya sa bumida n'ong teleserye na 'yon at doon na ko unang humanga sa kagalingan niyang umarte at tingnan mo ngayon nandidito pa rin siya sa industriya ng mga artista kahit na nagsusulputan na ang mga bago ngayon. Di pa rin naluluma ang kasikatan ni Xavier.

Mahaba ang pilik-mata niya, kulay blue ang mata at matangkad halos magkasing-tangkad sila ni Aziel. Ang tangos din ng ilong niya at ang kapal ng kilay niyang hulmado. Di ko nga lang alam kung dahil ba sa lipstick kaya kulay rosas ang labi niya.

Gulat nga ako nang nilapitan niya ako ilang saglit bago umalis si Aziel upang magpalit. Itong si Xavier kahit na sa TV seryoso rin ang mukha niya kaso mas istrikto at masungit nga lang tingnan si Aziel. Sa mga palabas na nakikita ko ay laging leading man si Xavier o kung hindi naman ay siya iyong second lead.


"It's my first time seeing you in the team. Bagong hire ka?" tanong ni Xavier sa akin.

Winiwasiwas ko ang kamay ko at umiling.

"Hindi po. S-sumama lang po ako sa kaibigan ko."

"Oh! Sorry." hingi niya nang tawad at napakamot sa kanyang batok.

"Ayos lang po."

"Sinong friend mo dito?"

"Si..." nagdadalawang isip ako kung pwede ko bang sabihin na si Aziel ang kasama ko dito o ano. "S-si--"

"Ako." lumingon si Xavier kay Aziel.

Sinilip ko naman si Aziel na nagtatagpo na naman ang kilay. Naitago ko ang kamay oo sa likod ko at kinakalikot ng kamay ko ang telepono ni Aziel.

Humampas ng malakas na kabog ang puso ko sa nandidilim na mukha ni Aziel. Ano ba naman ito? Pati sa ka-trabaho ay mainitin din ang ulo. Walang pinapalampas kahit na sino. Lagi na namang galit ito.

"Aziel."

"I just approach your friend since he is alone and--"

"Hmm. Nagbihis lang ako di ko naman siya iniwan. Alis na." pagtataboy ni Aziel kay Xavier.

"A-ano..." nakagat ko ang labi ko nang makita kong pinandilatan ako ng mata ni Aziel.

"Hmm?" Lumingon sa akin si Xavier.

Yumuko ako dahil nahihiya akong sabihin na gusto kong magpa-picture sa kanya. Syempre ang idol mo na ang nasa harapan mo. Kaso iba pala ang pakiramdam. Masaya na nakaka-kaba pag nasa harapan mo na ang iniidolo mo at sa TV mo lang nakikita. Minsan lang ito mangyari sa buhay ko kaya naman gusto kong magpa-picture kasama si Xavier.

"P-pwede bang magpa-picture... k-kasama ka?"

"Of course. After the shoot, okay?"

Lumiwanag ang mukha ko at nawalan ng konting bigat ang dibdib ko sa sinabi ni Xavier.

Inangat ko ang ulo ko at tiningnan si Xavier.

"Sige po. Salamat po. Salamat."

Umalis si Xavier. At ako naman ay ngiti-ngiting sinundan siya ng tingin kaya naman di ko napansin si Aziel na nasa harapan ko na.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon