CHAPTER 9

44.6K 1.4K 183
                                    

Dedicated to: JenniferAsentista
________________________________


Chapter 9

Debie Pov


Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang tinitingnan si Mama. Kung di lang ganito si Mama Sarah. Maniniwala na talaga ako na bagay kami ni Aziel. Pero alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa amin ni Aziel. Alam ko na kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Ang turing niya sa akin. Isa pa kahit na ganyan, di rin kami bagay ni Aziel. Siya may pinag-aralan. Ako wala. Si Aziel mayaman. Ako hindi. Si Aziel marami ng narating. Ako wala pa. Si Aziel sikat. Ako nakatago. Si Aziel may maayos na pamilya kahit na wala na ang ina niya. At ako anak sa labas at anak ng baliw. Pero kahit na baliw si Mama mahal na mahal ko siya. Di ko kailanman ikakahiya ang sitwasyon ng Mama Sarah ko.

Tumayo si Mama kaya inalalayan ko siya.

"Gusto ko maupo doon sa kama." si Mama at tinuro ang kama.

Inalalayan ko si Mama tungo doon at umupo siya. Ako naman ay nanatiling nakatingin lang sa kanya.

Kung titingnan lang naman si Mama ay parang wala siyang kapansanan kaso lang. Ako na nakasama si Mama at kung ang doctor nag pasusuriin may sakit talaga sa utak ang Mama Sarah ko. Minsan nga ay nagiging wild si Mama at nanakit ng kung sino ang nasa tabi niya. Noon nga ay nasaktan ako ni Mama. Nasakal niya ako at akala ko talaga noon ay mamamatay ako. Noon din ay sinasaktan ni Mama ang sarili niya kaya nga sa takot ko na ay humingi ako ng tulong sa ama ko. Akala ko naman ay maayos ang tatanggapin ni Papa Gideon pero nagkamali ako.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang mag-hum si Mama sa lullaby na kinakanta niya sa akin noon. Mahilig akong kantahan ni Mama noon at gustong-gusto ko na nakahiga ako sa braso o kung hindi naman ay sa hita ni Mama. Hinahaplos pa nga niya ang buhok ko noon habang kinakantahan ng lullaby.

Nang tumulo ang luha ko ay pinalis ko iyon. Suminghot ako. Umakto si Mama na parang may hinahaplos siya doon sa kanyang hita habang kumakanta ng lullaby.

"Bakit ka umiiyak?" mabilis kong pinunasan ang luha ko nang magtaning si mama sa akin.

Umiling ako.

"Hindi po ako umiiyak. Napuwing lang."

Ngumiti si Mama Sarah.

"Ssshh! Wag kang maingay pinapatulog ko ang anak ko." ani Mama.

Di ko na mapigilan ang sarili ko at niyakap ko na si Mama. Miss na miss ko na talaga siya. Miss na miss ko na ang mga kanta niya sa akin. Miss na miss ko na ang mga luto ni mama. Ang alaga niya.

"Mama." ako nang kumalas ako pero di tumingin sa akin si Mama. Naka-focus lang ang atensyon niya sa kanyang hita at patuloy sa pag-hum.

"Ma, alam mo ba na wala na ako kina Papa Gideon 'ma. Wala na pong na nanakit sa akin 'ma. Wala na akong sugat na natatamo araw-araw 'ma. Hindi na po ako takot na gumising araw-araw 'ma dahil wala na ako sa bahay ni Papa." litanya ko kahit na parang wala lang naririnig si Mama. Panay pa rin ang haplos niya doon sa hita niya na parang may tinutulog siyang bata sa kandungan.

Ganito ako kapag bumibisita ako kay Mama Sarah. Minsan nakakapuslit kasi ako kapag may lakad ang buong pamilya ni Papa Gideon. Si Kuya Damian, ang anak ni Papa at Tita Mikee. Siya lang ang pumapayag na umalis ako ng bahay at binibigyan niya ako ng pera pamasahe upang madalaw ko ang Mama. Pero mahigpit din ang bilin niya sa akin na magmadali at dapat umuwi sa kanila.

Lahat ng mga pasakit at paghihirap ko habang nasa bahay ako ni Papa Gideon ay dito ko kay Mama nilalabas lahat. Kahit na di nagsasalita si Mama sa akin at may sarili siyang mundo. Siya pa rin ang takbuhan ko. Ang sumbungan ko. Dito pa rin ako kay Mama Sarah umiiyak. Sa kanya ko sinasabi lahat ng mga hirap at pagtitiis ko.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon