CHAPTER 37

44.4K 1.1K 260
                                    

Chapter 37

Debie Pov

"Gaga!" Napangiwi ako nang tumama ang palad ni Vicente sa balikat ko. Kaagad niya akong niyakap matapos tama-an at saka nagtatalon sa gitna ng yakapan namin. "Bwesit ka! Bwesit! Bigla-bigla ka nalang nawawala." Malungkot akong napangiti doon at niyakap ko si Vicente.

I didn't expect this to happen. Maliit lang na panahon na nakilala ko si Vicente at Caroll. Sobrang ikli lang ng panahon na nakilala ko silang dalawa. Pero di ko aakalain na ganito na pala kalalim ang aming pagkakaibigan. Sa halos apat na taon kong pagkalayo sa kanila ay akala ko malilimutan na nila ako. Akala ko di na rin kami magkaka-reunion tatlo.

Matapos ang yakapan namin ni Vicente ay si Caroll na naman ngayon ang yumakap sa akin.

"Grabe ka, Deb. Sobra kaming nag-alala sayo. At namiss ka namin." anito sa akin.

Hindi talaga sukatan ang haba ng panahon sa inyong pagkakaibigan. Wala sa haba ng taon o panahon na magka-kilala kayo ang tunay na sukatan ng pagka-kaibigan. Wala rin sa tagal ng pinagsamahan ninyo. May iba nga dyan na magka-kaibigan na matagal ng magkakilala at mahaba na ang taon na pinagsamahan pero nagkaka-away at nagkaka-tiklupan pa sa kilay nila. May mga magka-kaibigan na matagal nang magka-kilala pero nagsasak-sakan naman patalikod.

I am so grateful and blessed to have met these kind people. I am so glad right now that I am surrounded by people who truly love me, who truly care for me, and who truly treat me like their soul sister/ brother.  

Ang pagkakaibigan naming tatlo ang di ko inaasahan na sa buhay ko ay darating at nag-stay talaga sa akin. They're the kind of friends you'll have for the rest of your life.

"Nakakainis ka! Hindi mo lang talaga alam kung gaano kami nataranta, nag-alala, at parang nabaliw sa kakahanap sayo." untag ni Vicente.

Naupo na kami dito sa loob ng Bizu Patisserie And Cafe sa Greenbelt.

"Sorry. Hindi ko talaga sadya na madamay kayo Vicente, Caroll. It was an impulsive decision, but I was also partly thankful for it. Kaya sorry talaga sa inyo."

Dumating ang order namin na coffee at cake mayamaya pa.

"No, Debie. Ayos lang. May mga desisyon naman talaga tayo na tayo lang din ang nakaka-intindi. Pero gusto lang di namin na malaman mo na talagang hinanap ka namin sa araw na iyon."

Tumango doon si Vicente.

"At alam mo ba girl? Si Aziel. Jusko, para na siyang nababaliw nang balikan ka niya sa school."

"At ang swerte mo sa kanya Deb. Ang ganoong klaseng asawa na tulad na Aziel ay sobrang hirap nang hanapin." Dagdag ni Caroll kay Vicente.

"Alam ko. Alam ko kung gaano ako ka bless sa asawa ko. Pero nagawa ko na at pinagsisihan ko naman iyon kaya nga tinanggap ko ang galit ni Aziel sa akin."

"Hmm, hindi biro ang halos apat na taon na MIA ka Deb. Hindi biro ang maghintay ng ganoong kahabang panahon. Iyong naghihintay ka sa taong wala namang kasiguraduhan na uuwi pa. Pero si Aziel naghintay talaga kahit walang kasiguraduhan at di naghanap ng iba. Tinigil pa ang showbiz career."

I am really, really blessed with my husband. Simple lang naman ang hiniling ko sa Dios, e. Pero ang binigay niya sa akin ay sobra-sobra. Sagad sa langit ang pasasalamat ko na si Aziel ang naging asawa ko at minahal ko.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon