CHAPTER 33

37.4K 1.3K 623
                                    

Chapter 33


Debie Pov

"It would be a long ride kaya magdadala ako ng pagkain... n-natin." mahinang saad ko habang nagp-pack ng pagkain nang pumasok si Aziel sa kitchen.

Malamig lang niya akong tiningnan saka ako tinalikuran. I gasped for air to fill my suffocating little heart.

Hindi ko pa nasasabi kay Denziel kung sino ba talaga si Mister, si Aziel. Hindi ko pa nasasabi na ito ang ama niya.

"Are you excited?" Ang naabutan kong tanong ni Aziel kay Denziel na nasa backseat.

"Oo po. It's my first time to go for a long ride."

"Mimi!" Ang tawag sa akin ng anak ko at kumaway pa.

"Sit still, baby. Malayo ang byahe. Tell me if you're hungry, okay?"

Masiglang tumango sa akin si Denziel. Napatingin naman ako kay Aziel pero agad ko ring binawi ang tingin ko dahil sa talim noon.

I didn't have a proper goodbye for Roswell. Thru phone ko lang siya tinawagan kanina at nagpaalam na aalis muna ako saglit dito dahil sasama kami kay Aziel sa Manila.

Roswell knows my story—my history, I guess. And he understands why we're suddenly leaving Monti Alegri. Roswell is a very, very good friend of mine. He takes care of Denziel. He loves Denziel, and he treats Denziel as his little princess. 

Nakapagpaalam na rin ako kay Renna at muli ay sa tawag lang. She was surprised that everything happened in just one night. At ngayon ay aalis kami sa Monti Alegri. She was happy that Denziel had finally met her father. Kaso pinaliwanag ko kay Renna na hindi ko pa nasasabi kay Denziel ang totoo, about Aziel.

Sinabi ko kay Aziel na kung pwede ay sa Manila nalang namin ipaliwanag ang lahat kay Denziel. Hindi naman siya umimik sa akin kaya kinuha ko nang go signal iyon.

Throughout our ride, Aziel was just acting cold, no, treating me cold. His treatment of me is even colder than the Antarctic. Si Denziel lang ang kinakausap niya at kinukumusta kung okay lang ba ito.

Kagabi matapos kong lumuhod sa harap niya saglit lang kaming nakapag-usap at natulog. Hindi na ako nakipag-agrumento sa kanya na huwag dalhin si Denziel sa Manila. May karapatan siya. Anak niya rin ito. And I deserve his cold and dark stares. I understand his treatment towards me right now. I deserve this.

Hilaw akong napangiti sa mga naisip at tumingin nalang ako sa tanawin sa labas. Sa apat na taon muli kong tatahakin ang lugar na nilisan. Ang lugar na nilayuan. Ang lugar na ayaw ko na sanang balikan. Ang lugar na nagpasakit sa akin noon at magpahanggang ngayon.

Tinago ako ang nanginginig kong kamay sa suot kong hoodie na jacket at kinagat ko ang labi ko saka ako pumikit ng mariin. I from count one to ten and start a breathing exercise to ease my discomfort about going back to Manila again after four years.

"S-saan pala t-tayo tutuloy? Ahm, ako. Saan ako tutuloy?" wika ko kay Aziel habang nasa byahe pa kami.

"To our old house." plain niyang sagot.

"P-pwede bang... huwag ako doon. Okay lang sa akin na maghotel ak--"

"I have a penthouse doon nalang tayo." Mabilis niyang bawi.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon