CHAPTER 34

39.1K 1.3K 716
                                    

Chapter 34

Debie Pov

Sa kabila ng di pagkakaunawaan namin ni Aziel ay nasabi niya sa akin na matagal na palang nakalabas ang mama Sarah ko sa mental hospital.

"M-mama!" Napahagulhol ako nang magyakapan kami ni Mama.

"Ang laki mo na anak. Patawarin mo sana ako Deb, anak. Patawarin mo ako nang dahil sa akin sinapit mo ang mga pangmamaltrato sayo ng ama mo."

Inilingan ko si Mama Sarah.

Hindi ako humiwalay kay Mama at sumandal ako sa dibdib niya. May sariling bahay na si Mama Sarah, bunga ng pagtatrabaho niya sa kompanya nila Aziel. Ngayon nga ay nandidito ako sa bahay ni Mama, dinaan ako ni Aziel dito bago sila pumunta sa mall kasama ang anak namin.

I was so happy for mama Sarah. Finally, nagagawa na niya ang mga gusto niya.

Sinabi ni Mama Sarah na magkaibigan sila ni Daddy Azrael. Ito daw ang tumulong sa kanya upang makabangon—ang mga Fabre ang tumulong sa kanya.

"No, mama. Hindi mo naman iyon ginusto. Walang may gusto sa nangyari sayo, ma. Kaya wala po kayong dapat ikahingi ng tawad."

Sinuklay ni Mama ang buhok ko. I miss this. Yumakap ako sa baywang ni Mama Sarah.

Kinuwento ni Mama Sarah kung bakit siya nabaliw. Mama Sarah was under too much stress and was also fighting her anxiety at the same time. Sunod-sunod iyon kaya at di nakayanan ng mental health ni Mama. Pero hindi siya gumaling doon sa ospital kung saan siya pinagamot ni Papa Gideon dati dahil iba pala ang gamot na tinuturok sa kanya doon. Nalaman din ni Mama ang lahat ng ito mula sa mga Fabre dahil inimbestigahan nila ang kaso ni Mama.

Sa totoo lang ay natatakot ako. Natatakot ako na baka... magaya ako kay Mama Sarah. Baka mabaliw din ako. Dios ko huwag naman sana...

"Mama... n-natatakot pa rin po ako kay Tita Mikee, ma." pag-amin ko kay Mama.

"Sshh," mama Sarah hushed. "Di ka na masasaktan ni Mikee anak. Dahil nakakulong na siya. Ang papa mo naman... namatay na years ago. Kaya wala nang mananakit sayo."

Doon ako napa-ahon.

"T-talaga ma. Wala na si Papa at nakakulong na si Tita Mikee?"

Ngumiti si Mama Sarah sa akin. "Oo anak. Pinagbabayaran na ni Mikee ang mga kasalanan niya sayo sa kulungan. At habang-buhay iyon."

Naluluha ako pero nakangiti ang mga labi ko sa sinabi ni Mama Sarah sa akin. Masama bang sabihin kong masaya ako na namatay ang papa ko? Masama na ba ako na masaya ako dahil hindi na makakalabas ng kulungan si Tita Mikee? Masama ba na sobrang saya ng puso ko dahil iyong nga taong nagmaltrato sa akin pinagbabayad na ng Diyos sa mga kasalanan nila? May parte sa puso ko na parang nakahinga ng maluwag doon. Parang may bigat sa dibdib ko na naalis sa balitang sinabi ni Mama sa akin.

Niyakap ako ni Mama at hinalkan ang sintedo ko.  Umunan ako sa hita ni Mama.

Matanda na ako pero nagpalambing ako kay Mama. Ang sarap-sarap dito sa tabi ni Mama Sarah.

"Anak maayos na ba kayo ni Aziel?"

My body stiffened at Mama Sarah's out of the topic question.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon