CHAPTER 32

34.3K 1.2K 402
                                    

Chapter 32

Aziel Pov

"Sir may delivery po para sa inyo." Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang secretary ni Daddy na naka-dungaw pintuan ko.

"Come in."

Kumunot ang noo ko nang makita kong may dala siyang paper bag. Nilagay niya iyon sa table ko at napasilip ako sa laman noon. Isang box na kulay brown at may logo iyon. It was Angel's Restaurare. Pareho iyon sa ni-recommend ni Nana sa akin na kainan doon sa Monti Algeri.

"Sinong nagpadala nito?"

"Walang nakalagay na name sir, e. Iniwan daw iyan sa baba ng isang babae at sinabi na ibigay daw sa inyo."

"Okay, thank you. You may now go."

Hindi ko lang pinansin iyong pagkain since may minamadali akong trabaho. I planned to half-day since gusto kong bumalik sa Monti Alegri. Ewan ko. Para akong nakokonsensya kung hindi ako makakadalo sa birthday ni Denziel.

Napangiti ako nang maalala ko ang mukha ng bata. Her chubby cheeks, red little lips, her small but pointed nose, iyong mata niya. Nakaka kalma talaga sa akin ang mukha ng batang iyon.

Simula noong nakaraang araw ay di na talaga siya mawala sa isip ko. Sa byahe ko n'on siya lang talaga ang laman ng isip ko.

I was too engrossed with my work till I forgot the time. Kung hindi lang tumunog ang tiyan ko ay di ko pa titingnan ang oras. Napamura ako nang makita kong alas dos na nang hapon.

Nagmamadali akong linisin ang table ko. Lalabas na sana ako nang makita ko ang paper bag na may lamang pagkain.

Umiling ako saka bumalik. Dinala ko ang paper bag paakyat sa floor ni Daddy. Matagal na sanang binigay sa akin ni Daddy ang kompanya pero hindi ko ito tinanggap. Ano pa ang saysay n'on? Anong saysay noon kung wala naman ang taong mahalaga sa akin?

Simula kasi noong minahal ko si Deb hindi ko na inintindi ang pera. Hindi ko na inisip ang yaman na mamanahin ko kay Daddy. All I think was his well-being and his happiness. But he leaves me in the midst of our sadness and problems. He chooses to leave me alone. He chooses to burden his loneliness and grievances alone. He didn't want to share his sufferings with me when all I could think about was him. When all I think was his welfare. 

"What are you doing here?" Daddy asked when I reached to his office.

"Magh-half day ako dad. May pupuntahan lang."

"May minamadali tayong trabaho--"

"Uuwi rin ako after nito dad. Don't worry babawi ako."

Bumuntong hininga si Daddy at walang nagawa kung hindi ang pumayag nalang sa gusto ko.

Dala-dala ang paper bag sa akin, sumakay na ako sa kotse ko at tiningnan ko ang oras. Tsk! Malapit ng mag-3pm.

On my way to Monti Alegri, my stomach grumbled, letting out an unnecessary sound. I groaned and my eyes focused on the paper bag on my side.  

I pulled over and reached for the paper bag. Binuksan ko iyon ay tiningnan ko ang laman. It was a chicken adobo. Pinunasan ko muna ang kamay ko ng wet wipes bago ko kinamay iyong manok.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon