CHAPTER 16

44K 1.4K 364
                                    

Chapter 16

Debie Pov

"Hello po, Dad!" Medyo may pagka-awkward kong bati sa daddy ni Aziel na si Senior Fabre.  Kumaway pa ako sa kanya ng konti. Nagvideo call kami habang binabaybay na namin ni Aziel ang daan patungo sa school ko. Ngayon ang first day ko sa school at may konting kaba at excitement sa akin. Namiss ko rin ang pumasok sa school. Sana lang may maging kaibigan ako.

Pinakita ko kay Senior Fabre si Aziel na nagmamaneho. Saglit naman na tingnan ni Aziel ang ama niya at bumati.

"Morning dad!"

"Morning too, son. Debie," tinawag ako ni Senior Fabre kaya naman hinarap ko ang camera sa akin at ngumiti kay Senior kahit na nanginginig ang labi ko. Ewan ko ba kung bakit ganito. Siguro ay di lang ako sanay kay Senior Fabre at masyado ring kasi siyang intimidating na tao. Strikto kasi ang mukha niya at mukhang di nagbibiro. Pero ayos naman kausap si Senior at napaka-calm magsalita. No wonder kay Senior nagmana si Aziel sa pagiging strikto nito kaso lang nasobrahan yata itong si Aziel. Napaka bugnutin!

"Dad," ani ko.

"Good luck on your first day of school. Pasensya na at di ako nakakabisita sa bahay ninyo Debie anak. Dad was just a busy old man." May pagbibiro sa tono ng pananalita ni Senior at umangat naman ang gilid ng labi ko doon.

"S-salamat po, dad. Ayos lang po."

Nagpaalam kami ni Senior Fabre sa isa't isa bago ko binaba ang telepono ko sa aking hita. Tumingin ako sa labas at tinitingnan ko ang magandang tanawin. Gusto ko mang sabihin sa mama Sarah ko na makakapag-aral na ako nang culinary kaso alam ko namang di iyon maiintindihan ni Mama Sarah. Nakakalungkot nga na ang tagal na niya sa mental hospital kaso parang walang improvements sa kanyang condition. Nananalangin ako na sana balang araw. Gagaling din si Mama Sarah; na balang araw ay makasama ko na siya at may kakampi na ako; na sana balang araw magiging maayos na si Mama Sarah at makakakwento na ako sa kanya—may kakwentuhan na ako. Iyon bang walang sawa na nakikinig sayo kahit na wala namang patutunguhan ang mga pinagsasabi. Iyong kahit na presensya niya lang okay na. Ayos na.

Napatingin ako sa harap partikular sa daan bago napako ang mga mata ko kay Aziel na nagmamaneho. Parang tumigil ang mundo ko nang titigan ko siya. Parang nagliwanag ang piligid ko at parang bumukas ang langit at may nagkantahang mga anghel. Sunod ay ang pagkabog ng puso ko. Literal na dumudugdog ang dibdib ko.

Aaminin kong dati na akong humanga kay Aziel. Humanga ako sa taglay niyang kakisigan at kagwapuhan. Pero parang natabunan iyon nang makasama ko siya sa iisang bubong. Sa tingin ko nga ay mabait pa si Gage sa kanya. Si Theo kasi parang mapagbiro ang pinsang iyon ni Aziel.

Akala ko naman mabilis kong mapapalis ang paghanga ko kay Aziel kaso... nagkamali ako. Napakalaking mali na inaakala ko na wala na akong paghanga sa kanya dahil ngayon muli na namang bumukas ang puso ko at lumundag-lundag na. Ang swerte ko siguro sa part na ang dating celebrity crush ko lang... naging asawa ko at magkasama pa kami ngayon. Siguro kaya rin ako nahulog kay Aziel kasi... may bait din pala siyang tinatago. May pag-aalala sa tao at masayang kasama. Ang gaan nga nang pakiramdam ko kay Aziel ngayon.

Hindi ko namalayan na napatagal na pala ako sa pagtitig sa kanya. Kung di lang siya tumingin sa akin at tumikhim ay di siguro mapuputol ang tingin ko sa kanya.

"Are you nervous?" He asked, turning his head on the road.

Umiwas agad ako ng tingin. Tinuon ko ang mata ko sa daan at napakagat sa labi. Ano ba 'yan! Ultimo boses nang lalaki ay nagpapabaliw na rin sa puso ko! Konting kibot ng mga labi niya naalala ko ang halikan namin. Dios ko tulungan niyo naman ako dito. Para na akong nababaliw dito e. Lutang ang isip ko sa halikan namin noong nakaraang gabi! Iba kasi iyon... kasi... kasi may kasama ng dilaan at sipsipan.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon