CHAPTER 5

47.5K 1.6K 410
                                    

Chapter 5

Debie Pov

Gusto kong ibato sa mukha ni Aziel ang bolo na hawak ko. Gusto kong ibato sa kanya ang mga bulaklak na humihitik na sa bulaklak kaso pinahukay na sa akin ni Aziel dahil papalitan niya daw ng iba. Halos mangiyak-iyak na nga ako habang pinagbungkal ko ang lupa dahil naaawa ako sa mga bulaklak at nasasayangan ako. Pero si Aziel komportable lang sa likod ko na pinagmamasdan ako dito. May pa inom-inom na siya ng wine sa likod ko. Masama man pero ipagdasal ko na sana ay masamid siya doon sa ini-inom niya. Ang sama niya. Ang sama-sama niya. Wala namang ginagawang masama ang mga bulaklak pero pinagdidiskitaan niya talaga.

Kaninang umaga nagulat ako nang paggising ko ay wala na si Aziel sa kanyang kinahihigaan. Akala ko. Ako ang late na gumising 'yon pala maaga lang siyang nagising kaysa sa akin dahil may dumating na mga delivery ng bulaklak na gustong ipalit ni Aziel sa mga bulaklak na nasa hardin ng bahay namin.

Nung una ay akala ko bubungad sa umaga ko ang nakasingot na mukha ni Aziel. Pero gwapo pa rin. Ngunit ang bumungad sa akin habang nagluluto ako sa kusina namin ay ang mukha ni Aziel na may ngiti o siguro tama na sabihin kong ngisi iyon. Gumaan pa nga ang pakiramdam ko dahil nasa good mood siya kaso may hidden agenda pa la siya ngayong araw. Kaya naman pala hindi siya pumasok sa kanyang trabaho ay dahil gusto niyang maging supervisor ko ngayon dito sa garden.

"Damn it, Deb. Dalian mo ang kilos mo. Mabilis pa ang kamay ng matanda sayo d'yan  e." Reklamo niya doon sa likod ko.

Marahas kong binagsak ang bolo at naninigkit ang mata kong binalingan si Aziel na nakangisi sa akin.

Ako dito ay nagbibilad sa araw at pinagbubukal niya sa lupa. Tapos siya painom-inom lang noong wine at nakade-kuatro pa sa ilalim noong malaking payong. Feel na feel niya ang pang-aalipin sa akin. Akala siguro niya ay iiyakan ko itong pinapagawa niya sa akin. Akala niya siguro ay hindi ako sanay sa mga ito. Akala niya siguro hindi ako sanay na humawak ng lupa.

Napatingin ako sa mga bulaklak na binunot ko kanina. Unti-unti nang namamatay iyong mga bulaklak na kahapon ay dinidiligan ko pa. Naaawa ako sa mga bulaklak. Halos maiyak ako habang pinagmamadas sila.

"What now, Deb? Are you going to cry?"

Natikom ko ang bibig ko at napakuyom sa kamao ko. Nanginginig na ang kamao ko sa nararamdaman kong galit at inis kay Aziel. Para siyang bata. Isip bata ang isang Aziel-Rigg Fabre ang lalaking pinagkakaguluhan ng nga maraming babae sa bansa.

"Ano ngayon kung naiiyak ako?!"

"Tsk. Ano ayaw mo na? Pagod ka na ba?" aniya sa may pang-aasar na tono.

"Anong pagod pinagsasabi ko d'yan? Naaawa lang ako sa mga bulaklak kasi pinapatay mo!"

Napamaang siya sa akin. "W-what?"

"Wag mo akong wina-what d'yan Aziel!"

Sa inis ko kay Aziel ay mabilis kong pinulot ang puno ng bulaklak na binunot ko kanina na may makapal pang lupa sa mga ugat no'n at binato ko kay Aziel.

Hindi niya inaasahan ang ginawa kong iyon kaya nang tumama sa malapad niyang dibdib ang bulaklak na may maraming lupa ay agad na natapon niya ang wine glass na bitbit at mabilis na napatayo. Agad niyang pinagpag ang mga lupa na kumapit sa kanyang Balenciaga na tshirt at sa shorts niyang Hermes.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon