“ARE YOU OKAY?” Ang tanong na ‘yon ang nagpabalik sa akin sa huwisyo.
Tipid ko siyang nginitian ‘tsaka ako pumasok sa loob ng unit niya.
“You can take a nap for a while, ipagluluto lang muna kita ng soup.” Claude locked the door, ‘tsaka niya ako inihatid sa kuwarto niya. “I only have one room, Belle.” He stated as a matter of fact.
Ibig-sabihin ba nito. . . magtatabi kami sa pagtulog?
Mukhang nabasa ni Claude ang laman ng isipan ko. He raised the side of his lips.
Hindi ko na nagawang magprotesta; it’s his place, wala akong karapatang magreklamo. Besides, pagod ako at sumasakit na rin ang ulo ko—mukhang nagkakaro’n na ng epekto ang pagpapaulan ko.
“Okay,” I replied. “Makikigamit na lang muna ako ng shower, basang-basa kasi ako.”
Claude inched closer to give me a smack kiss. “Baby, you don’t have to ask for my permission. From now on, you own everything I have.” He winked.
Napailing na lamang ako. “Pansamantala lang naman akong makikitira, Claude.” Tugon ko.
Ngumiti lang siya sa akin ‘tsaka nagpaalam na magluluto. “You can use my shirt if you don’t have anything to wear.” Tumango na lamang ako bilang pagtugon. Akma na akong papasok sa banyo nang bigla siyang magpahabol. “Or you can just be naked, that’ll be much better.” Pumorma ang nakakaloko niyang ngisi bago ako iwan sa loob ng kuwarto.
Napakapilyo.
Namumula tuloy ako nang pumasok sa banyo. Dali-dali kong ini-on ang shower ‘tsaka hindi mapakaling sinimulan ang pagligo. Pakiramdam ko ay tumataas ang mga balahibo ko, hindi lang dahil sa ginaw kundi sa isiping personal soap ni Claude ang ipinapahid ko sa katawan.
Oh, damn. I shook my head to release unwanted thoughts. Pakiramdam ko, mula no’ng inangkin ako ni Claude, hinahanap-hanap na rin siya ng katawan ko. Ayaw ko sa pakiramdam na ‘yan, puro kahalayan.
Madali akong natapos sa pagligo. Nakahanap din ako kaagad ng t-shirt ni Claude sa dresser—isang oversized shirt ang napili ko. Umabot ito mga five inch above the knee kaya puwede na rin akong hindi magsuot ng shorts pambaba. Ang tanging pinoproblema ko lang ay underwear.
Nabasa ang lahat ng gamit na dala ko kanina sa ulan kaya kahit ang mga panty at bra ay hindi ko na maaaring isuot.
I bit my lower lip out of frustration. Ano’ng gagawin ko?
Labag man sa loob ay nagtungo ako sa kusina. Unang hinanap ng mga mata ko si Claude at natagpuan ko itong naka-apron habang abala sa pagluluto, bahagya siyang nakatalikod sa gawi ko.
“Uhm. . . Claude?” Batid kong nakakahiya ang sunod kong sasabihin pero kailangan ko ‘yong gawin dahil hindi ako komportable.
“Yeah?” Masuyo naman niya akong nilingon. He brushed his hair using his fingers while intently looking at me—he’s so damn hot.
“Puwedeng pahiram ako ng. . .” pigil ang hininga ko at hindi ko halos masabi kung ano’ng pakay ko. “Underwear?” Pabulong kong tuloy.
Dala ng sinabi ko ay nangunot ang noo niya. “What?” He then smirked, seems like he’s trying to suppress his laughter.
“Can I borrow your underwear?” I repeated, almost a whisper. I have no choice but to endure the embarrassment and shame I’m feeling right now. “Wala kasi akong maisuot na underwear. Kung meron ka pang hindi nagagamit, hihiramin ko lang sana.”
Buhat doon ay saglit niya akong tinitigan; hindi siya makapaniwala sa huli kong sinabi. Ngunit maya-maya lamang ay hindi na niya napigilan pa ang malakas na paghalakhak. Ano’ng nakakatawa?
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...