MAINGAY na ringtone ng cellphone ang gumising mula sa malalim na pagtulog ko. Paano ba naman kasi, hindi ako tinigilan ni Claude buong magdamag. He insisted to do that for a countless of times kahit pa alam niyang hapong-hapo na ako. That’s not the first time he ever touched me, pero pakiramdam ko ay hindi na ako makalakad nang maayos dahil sumasakit pa rin ito hanggang ngayon. Pagkatapos niya akong hindi pagpahingahin? Dinaig ko pa yata ang babaeng kaka-devirginized lang sa sobrang sakit. He never treated me with gentle anyways.
I rubbed my eyes to wake myself completely. Bago ko pa man makalimutan ang tumutunog na phone ay kinapa ko na ito mula sa side table ng king size bed na tinutulugan ko. But before I could even answer the phone call, it became a missed call.
I groaned. Akmang babalik sa pagtulog dahil antok na antok pa rin ang diwa ko. Ngunit nagulantang ang diwa ko nang makita ang oras mula sa phone screen. It’s already four PM for Pete’s sake!
Doon ko lamang din napansin na naka-twelve missed calls na pala ang caller. Siyam na messages din ang laman ng notification nito mula sa sender na naka-phone book bilang Mr. Angeles. It was Claude’s phone. Mukhang urgent at sa pagkakaalam ko ay isa ito sa pinakaimportanteng investors niya.
Wala na si Claude sa tabi ko, hindi ko namalayan kung ano’ng oras itong umalis. Kaya napagdesisyonan kong hanapin na lamang siya dahil mukhang importanteng-importante ang tawag na natanggap niya, otherwise, hindi ito mag-i-spam ng calls and text messages.
Lumuwas na pabalik ng Maynila ang lahat ng bisita kaninang umaga pa, gano’n na rin ang pamilya ni Claude. Tanging kaming dalawa na lamang ang ipinaiwan dito para sa honeymoon. I don’t know what's the sense, it’s just a fake marriage in the first place. Gano’n pa man ay hinayaan ko na lamang silang magdesisyon.
Sa ilang minuto ng paglalakad sa tabing-dagat ay namataan ko sa hindi kalayuan ang dalawang pigurang nag-uusap. It’s not my thing to pry about anyone else’s life, ngunit umakyat ang kyuryosidad ko nang makitang si Claude ang isa ro’n.
“Ano pang ginagawa ng babaeng ‘yan dito?” Hindi ko na napigilan ang sarili sa mahinang pag-usal nang makitang kasama niya si Athena. Ang akala ko ba ay umuwi na rin siya kasama ang mga bisita? Ano’ng sadya niya at nagpaiwan pa?
Nakatambay ang dalawa sa isang maliit na villa. Abala sila sa pag-uusap at pagtatawanan. Claude looked so happy, bagay na kailanman ay hindi ko nakikita tuwing ako ang kasama niya. I can’t help but to smile bitterly while looking at them. Medyo malayo ang kinaroroonan nila, naka-side view din ang mga ito mula sa gawi ko kaya siguradong hindi nila ako napapansin.
I wonder why my heart just throbbed. For the moment, the excruciating pain makes me want to cry. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng pagkakataon na nasaksihan ko ang ganitong tagpo, ngayon ko pa gustong umiyak. Siguro ay dahil punong-puno na ako. Just their image laughing together cuts my heart. Paano mo ba ‘to nagagawa?
I don’t know how long I stood at that place. Ngunit bago pa man makalimutan ang pakay ko ay humugot ako ng isang malalim na hininga, at saka tuluyang lumapit sa villa na kinaroroonan nila.
“I can still remember what you’ve done to that guy for me. Binugbog mo talaga, e. Nagkandabungi-bungi pa nga, wala kang patawad!” Rinig kong kuwento ni Athena ‘tsaka sila nagtawanang muli.
Nang tuluyang makalapit sa kanila ay bahagya akong tumikhim. “I didn’t mean to interrupt, but here’s your phone.” Baling ko kay Claude. “Mukhang emergency kasi, naiwan mo sa room.” I added.
Claude arched a brow while looking at the phone. Inabot niya iyon sa akin nang hindi man lang ako tinitingnan. “Okay, thanks.” Kasuwal niyang tugon bago initsa na lamang ‘yon sa bulsa, binale-wala ang sinabi kong emergency at muli ay ibinalik ang atensyon kay Athena.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...