Chapter 23

15.4K 223 3
                                    

I'VE been stupid enough for a long time to realize he never loved me at all. Ilang beses na niyang ipinamukhang kailangan niya lang ako pero kailanman ay hindi mamahalin, hindi pahahalagahan. I thought I'm no longer expecting anything from him. But again, I betrayed myself. Bakit ba ang tanga ko? Bakit mahal ko pa rin siya pagkatapos ng lahat ng pagdurusa na dinanas ko sa piling niya? Hindi na talaga ako natuto. Ang akala ko pa naman ay kaya ko na. Niloko ko lang pala ang sarili ko. Dahil kahit ano'ng gawin ko, hindi na mabubura ang katotohanan na siya pa rin ang nilalaman ng puso ko. Despite of the painful situations he let me through. Even if he treated me worst, why do I still settle for the bare minimum? Tipong ipinagpalit ko pa ang pinakamamahal kong ina para sa pagsasama namin. Nagpakawalang kuwenta akong anak. Itinapon ko ang lahat ng mayro'n ako kapalit lang ng mga pagdurusang 'to.

Tuloy-tuloy sa pagtulo ang luha habang nakatulala sa magandang tanawin ng isla. Kasabay ng kalmadong mga alon ay ang rumaragasa ko namang kalooban. Hindi ko na inintindi pa kung nagtataka man si kuya at bahagyang napapatigil sa pagsagwan. Ilang beses na nitong tinanong kung ayos lang ba ako, na siyang paulit-ulit ko lang ding tinugon ng pagtango. Kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka, papalapit na rin ako nang papalapit sa lugar kung saan naro'n si mama. Bago kasi tuluyang makarating doon ay kinakailangan munang sumakay ng bangka.

Blessing in disguise ang perang ibinigay ni Claudine sa akin dahil sumapat lamang iyon sa mga nagastos ko pagluwas ng Zamboanga. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kaniya, alam ko kasing hindi niya ako papayagang umalis kapag nagkataon. Kaya pinili ko na lamang na mag-iwan ng note sa silid ng apartment niya. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya, at tatanawin ko 'yon habang buhay.

I breathed slowly to ease the heaviness. Siguro naman ay tama na ang desisyon ko sa pagkakataong 'to. Matagal na akong naging makasarili, ngunit wala akong ibang napala kundi ang pagsisisi. Claude never made me feel important. Walang ibang mahalaga sa kaniya kundi si Athena. Masakit mang aminin, lalo pa't magkakaanak na kami ay kailangan ko na talaga siyang pakawalan. Kung ako lang ang tatanungin ay kakayanin ko pa rin siyang ipaglaban, kahit pa ubos na ubos na ako. Pero hindi naman puwedeng habang buhay kong pairalin ang katangahan. Hindi na lamang para sa sarili ko ang lahat ng desisyon ko, kailangan ko ring isaalang-alang ang nararamdaman ni Claude-at 'yon ay ang katotohanan na kailanman ay hindi na niya ako mamahalin. Most importantly, dapat lang na isipin ko ang kapakanan ng batang dinadala ko.

Hopefully, this decision will finally set us all free, and make me happy. Ito na lang ang nakikita kong paraan para maayos ang lahat. Ayaw ko nang maging hadlang sa pagsasama nilang dalawa ni Athena-kung ang babaeng 'yon talaga ang gusto niyang makasama, wala na akong rason para manatili pa. Ayaw ko ring makalakihan ng anak ko kung gaano kagulo ang bubuoin naming pamilya.

"Ma'am? Nandito na po tayo." Bumalik ako sa ulirat nang magsalita si kuya.

Ngumiti ako rito at nagpasalamat. Hindi ko na namalayan ang oras, nandito na pala ako.

Magalang akong nagpaalam dito at saka napagpasiyahang maglakad-lakad na sa tabing dagat. Hindi na kasi ako sigurado kung saan ang eksaktong lokasyon ng tinitirahan ng mga kamag-anak ko sa probinsyang ito. Sa tagal ba naman nang huli akong makaapak sa islang ito. Ipagtatanong ko na lamang siguro.

I frantically twitched out of shock when something from my pockets rang. How stupid, nakalimutan kong iwan ang pahiram na phone ni Claudine.

Kinuha ko ang phone mula sa bulsa. At nang makita ang pangalan ng caller ay napabuntong-hininga ako. Why do I felt disappointment when I've seen Claudine's name? Ano bang inaasahan ko? Na tatawagan at hahanapin ako ni Claude? Napailing na lamang ako.

Nagtalo pa muna ang loob ko kung sasagutin ba ang tawag na 'yon o hindi. Ngunit sa huli ay pinili ko na lamang sagutin dahil hindi naman maganda kung iignorahin ko siya, lalo't malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Isa pa, hindi rin ako nakapagpaalam nang maayos.

Heartless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon