HINDI ko maiwasang mainggit sa mga kap’wa ko buntis habang nakapila sa clinic. Paano ba kasi? Ang karamihan sa kanila ay kasama ang mga asawa. Halos ako lang yata ang walang kapareha. Gano’n pa man ay hindi ko na lamang ‘yon inintindi. Kasalanan ko rin naman kung bakit nag-iisa ako ngayon. ‘Yon ay ang dahil desisyon kong itago kay Claude ang katotohanan.
Pero sa kabilang banda ay hindi ko naiwasang mapaisip. Kapag ba sinabi ko sa kaniya ay matutuwa siya? Wala ‘yong kasiguraduhan. Pero mas lamang ang rason na hindi, dahil nunkang gugustuhin niyang magkaanak sa isang mababang babae na katulad ko.
“Ms. Arabelle Fontanilla?” Naputol ang pag-o-overthink ko nang tawagin ang pangalan ko. Kaagad naman akong tumayo para tumalima. “Pasok po kayo sa kuwartong ito.” Inalalayan ako ng sa tingin ko ay secretary ng OB-GYNE.
Kaagad ko naman itong sinunod, at pagkapasok ay binati ako ng OB.
Nagsagawa ito ng kung anu-ano’ng mga examination sa akin, nagpa-ultrasound na rin ako upang mas ma-monitor ang totoong kalagayan ng sinapupunan ko; kung totoo mang buntis ako o baka nagkamali lang ang pregnancy test dahil may mga gano’ng pagkakataon. Sa mga tests lang ‘yon makukumpirma. Medyo mahaba ang proseso at ilang oras din ang itinagal.
“Based on your ultrasound, you’re seven weeks and two days pregnant.” Pormal na anunsyo sa akin ang OB.
Sa sandaling ‘yon ay tuluyan kong nakumpirma ang pagbubuntis. Hindi nga nagkamali ang pregnancy test na ginamit ko noong nakaraan. Umapaw ang magkahalong saya at pangamba sa buo kong sistema.
Ipinaliwanag ng OB ang mga resulta ng tests at ultrasound interpretation. “It’s a singleton pregnancy. Meaning, wala siyang kakambal.” Panimula nito. “Good thing we didn’t find any tumor and subchorionic hemorrhage—o ‘yong pagdurugo. Our scan also shows good cardiac contractility of your baby.” Bagaman hindi ko naintindihan ang lahat ng ginamit na termino ay pinili kong makinig nang mas maigi. “In short, wala tayong nakitang anumang abnormality. The baby is completely safe and healthy.” Thank God. “Pero hindi ibig-sabihin ay puwede na tayong magpakakampante. Hangga’t maaari sana ay bawasan natin ang ma-stress at ma-strain. At dahil nasa stage ka pa lang ng paglilihi, you’ll be needing more time to take a rest.” Paliwanag nito at saka naglista ng kung ano sa prescription note. “These are the vitamins you and your baby will be needing. Drink it after meals regularly, make sure na kakain ka sa oras at hinding-hindi magpapalipas ng gutom.” Marami pang ibinilin ang OB.
I kept everything in mind. Nag-take note pa ako upang masiguro na wala akong makakaligtaan na kahit na ano.
Pinayuhan ako nito na bumalik after a month upang patuloy na ma-monitor ang kalagayan ng baby.
Baon ko ang ngiti nang lumabas sa clinic na ‘yon. Thankfully, my baby is healthy. Ipinangako ko sa sarili na aalagaan at mamahalin ko siya nang higit pa sa sarili ko.
I wonder what’s the baby’s gender? Ano kaya ang magiging hitsura niya? Sana naman ay hindi niya makuha ang lahat kay Claude. Excited na akong makita siya. Nang sandaling ‘yon ay nawala ang lahat ng pangamba, purong kaligayahan at excitement lamang ang natira.
Napagpasiyahan kong huminto muna sa isang shake stand, dahil nakaramdam ako ng init at bahagyang pagod mula sa paglalakad-lakad—tuloy ay bigla akong nag-crave ng malamig.
Akma na akong mag-o-order nang mamataan sa tapat ang isang Italian Restaurant. Sa labas pa lamang ay halata na ang pagiging classy at elegante nito, halos gawa sa salamin, ngunit hindi iyon ang una kong napansin.
It’s Claude, eating together with Athena.
Sininghalan ko na lamang ang sarili habang pinanonood sila. They really looked happy together. Kitang-kita sa dalawa kung gaano sila ka-in love sa isa’t-isa. Hindi man itanong pero halatado na ‘yon sa kung paano nila pakitunguhan ang isa’t-isa.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...