“GUSTO ko ng langka.” Turan ko nang maabutan siya sa sala, nanonood ng TV. “Naglilihi ako.” I lied.
I’m already on my third trimester of pregnancy, tapos na ang stage ng paglilihi—that only happens during first trimester. Sadyang gusto ko lang siyang inisin. Though, somehow, I really crave for that fruit.
Mabilis pa sa alas k’watrong tumayo siya nang mapansin ako. “Sure, baby. Ibibili kita.” Nakangiti niyang tugon at saka ako nilapitan. “Sigurado naman akong marami no’n sa—”
“Ayaw ko ng binili.” I cut him off.
He looked at me with confusion, the smile on his lips slowly vanished. “Huh?” His forehead creased.
“Gusto ko ‘yong nakaw.” I sneered.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagya niyang pagkagitla. “What? You want me to steal?” He stuttered.
“Don’t make me repeat what I just said.” I replied. “Balita ko, mas matamis kapag nakaw, e.” My lips pouted. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang kaya mong gawin para sa ‘king gunggong ka.
His lips slightly parted in disbelief. The bastard seemed to be speechless.
“What, ipagnanakaw mo ‘ko o hindi?” I impatiently uttered.
“Belle, I can buy you a lot of that, kahit sandamakmak pa, but I can’t steal. Mapapahamak ako niyan, e.” He frantically explained. “Besides, what’s the difference?”
“Mas masarap kapag pinaghirapan, e.” I swear I wanted to burst in laughter, hindi kasi halos maipinta ang mukha niya dala ng pagkataranta. Nang hindi siya makatugon ay muli akong nagsalita. “So, are you willing to do it for me or not?” I smirked.
Napasapo na lamang niya sa sariling noo at saka bumuntong-hininga. “Fine, baby. If that’s what you want.” He responded in defeat. “You know I’ll do anything for you, right?”
I just rolled my eyes in response.
Kinahapunan, umuwi siyang may dalang langka at bukol sa noo. Aniya, pinagbabato raw siya ng mga batang may-ari sa inakyatan niyang puno.
———
Month of July, it’s already my due date. At hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis si Claude. Ilang buwan na niyang pinaninindigan ang panunuyo. He sleeps outside my room. Kung paano siyang nakakatiyaga at nakakatagal doon ay hindi ko alam. Sa tuwing kakain ay hindi rin namin siya kasabay, ayaw siyang kasabay ni mama. But I know he can handle himself. Marami naman siyang pera para sa mga mamahaling restaurant. Pinapansinin lamang siya nina mama sa tuwing may ipag-uutos o ipapagawa ang mga ito sa kaniya—na siya namang sinusunod niya nang walang pag-aalinlangan. Hindi lang tiwala ko ang sinubukan niyang kunin pabalik, kundi pati na rin ang kina mama.
As of now, nakikitulong siya sa pag-aasikaso ng fish dealer. Unti-unti naman na niyang napapatunayan sa ‘kin na deserving siya, e. Sana nga lang ay magtuloy-tuloy na.
“You’re already dilating 2 centimeters, Mrs. Fontanilla.” The midwife announced while smiling at me. “You can still do your mild activities. But at this phase, you have to get yourself ready. Malapit na ang paglabas ni baby.”
Nang lingunin si Claude ay nakangiti rin ito sa akin, bakas sa hitsura niya ang saya. Siya ang kasama ko sa pagpapa-check up.
Binilinan pa muna ako ng midwife bago kami pauwiin.
Habang naglalakad sa tabing-dagat ay nilingon ko si Claude na nananahimik sa tabi ko. “Bakit ka nagpapa-cute sa midwife?” Nakasimangot kong usal.
He confusely looked at me. “Huh?” Nangunot ang noo nito. “Mid—what the fuck?” Halos hindi niya makumpleto ang pagbigkas. “Baby, pati ba naman matandang hukluban, pagseselosan mo?” Nagpigil siya ng tawa.
Sa halip na matuwa ay lalo akong nainis. “Akala mo ba hindi ko nakita kung paano ka niya tingnan?” Singhal ko.
“Belle, I don’t have an idea what you’re talking about. And nope, hindi ko nakita dahil buong oras ay sa ‘yo lang nakatuon ang atensyon ko.” Claude replied. Hindi pa man ako nakakatugon ay muli siyang nagsalita. “I feel so fucking excited to see our baby. Sana, magmana sa ‘yo.” Pag-iiba nito ng usapan.
“Sana nga. Dahil kapag sa ‘yo siya nagmana, magiging malala.” I emphasized.
“Malala ang kagandahan?” He grinned.
“Hindi, malala ang kabulastugan.” Tugon ko at inunahan na siyang maglakad.
I don’t know since when, pero pakiramdam ko ay komportable na ulit akong makipagbuno at makipag-asaran sa kaniya. I secretly smiled with that thought. I can say he’s slowly regaining back what he’ve lost. Pero siyempre, hindi ko naman maibabalik ‘yon kasing-buo ng dati. Kung mamahalin ko man siya ulit, I’ll make sure magtitira na ako para sa sarili ko.
“Belle. . .” Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
“I know I’ve had hurt you a lot of times.” He stated as a matter of fact. Humugot pa ito ng malalim na hininga bago magpatuloy. “I admit how unforgivable and unforgettable it was.” My eyes literally widened when he got down on one knee in front of me.
I looked at him with confusion.
“I can’t imagine my life without you.” Sincerity flashed among his depths, then he pulled something out of his pockets. “Because I know, I cannot live a single day of my life without you being by my side.” I was too stunned to utter a word, so I breathed. “Will you marry me. . . again?” He nervously asked for my hand. Sa sandaling ‘yon ay nangusap ang mga mata namin na animo’y nagkakaunawaan kami nang walang sali-salita.
Pakiramdam ko ay naumid ang dila ko, hindi ako kaagad na nakatugon. I even wondered if I’m dreaming.
“I love you so damn much, Belle.” Nang hindi ko mahanap ang tamang mga kataga ay siya ang nagsalita. “Hayaan mo sana akong itama ang lahat ng nagawa kong pagkakamali.” My heart was pounding, sa lakas ng pagtibok nito ay para bang lalabas na sa dibdib ko. “I’m willing to do everything for you to forgive me.”
You’re already forgiven, Claude. I wanted to speak, but my lips can’t really cooperate.
Siguro naman, sapat na ang lahat ng panahon at paghihirap na ginugol niya para patunayan sa akin na kahit papaano ay deserve niya ng pagkakataon, hindi ba? He already proved my worth enough.
Hindi ko mabilang kung ilang ulit akong huminga nang malalim bago ko magawang makapagsalita. “I won’t do this for myself, Claude. I’ll do this for her.” I pertained my baby. “Pero ipinapangako ko rin sa ‘yo na minsan mo pa akong saktan, hinding-hindi mo na kami malalapitan.” Fine, let’s give it a last shot.
Claude drew a genuine smile, as his tears began to flow the moment he heard my answer. “No, baby. This time, I won’t miss this chance.” He gently inserted the ring on my finger. For a second, I was amazed how it perfectly fits there.
Dinampian ng halik ang likod ng palad ko, at saka siya tumayo para siilin ang mga labi ko.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...