Chapter 24

15.3K 223 7
                                    

MAGKAHALONG kaba at pananabik ang naramdaman ko nang sandaling ‘yon. Just the thought of seeing her again melts my heart. Handa na akong tanggapin ang lahat ng ibabato niyang parusa sa akin. If that’s what it takes for her to forgive me, gagawin ko.

“Dito ang kuwarto niya. Panigurado ay tulog na ‘yon sa ganitong oras, pagod kasi madalas sa trabaho, e.” Bulong ni Marion nang huminto kami sa tapat ng kahoy na pintuan.

“Salamat, Mar.” Malawak ko itong nginitian.

“You’re welcome.” Tugon nito. “O, siya. Babalik na ako sa labas, alam mo naman at mahirap ang buhay kaya kailangang kumayod ng pera.” Paalam nito at saka muling lumabas.

Hinintay ko naman muna siyang makaalis nang tuluyan bago muling bumalin sa katapat na kuwarto. Ilang beses pa muna akong bumuntong-hininga sa pagbabakasakaling mabawasan ang pagdagundong ng dibdib. ‘Tsaka ko napagpasiyahang kumatok ng ilang ulit.

“Ma?” May pangamba kong untag.

Sa pagkakataong ito, gugustuhin na kaya niya akong makita? Handa na ba siyang patawarin ako? Siguro naman ay sapat na ang mahabang panahon na hindi namin pagkikita, hindi ba? Matagal na rin niya akong tinitiis.

Naputol ang samu’t-saring kaisipan ko nang bumukas ang pintuan.

Pareho kaming nagulat nang makita ang isa’t-isa. “Mama. . .” sa sandaling ‘yon ay hindi ko na napigilan ang sarili.

Kaagad akong lumapit sa kaniya para mahigpit na yumakap.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na humagulgol habang yakap siya. Sa tagal naming hindi nagkita ay ngayon lang ako nanabik nang ganito sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik. This is the most comfortable hug I ever felt. My mom's embrace was my safest comfort. Sana ay puwede ko siyang yakapin habang buhay.

I can feel her caressing my back. There are no words left to speak. I missed her so much. Walang sali-salita, basta’t para lang akong batang umiyak sa kaniya. Gusto kong isumbong sa kaniya ang lahat ng napagdaanan ko habang wala siya.

Doon ko nareyalisa na gaano man siya kaistrikta, gaano man niya ipinagkait ang mga bagay na gusto ko ay para lang ‘yon sa kapakanan ko. Buong buhay ko, minsan ko lang siyang sinuway, at ang isang beses na ‘yon ang nagdulot sa akin ng labis-labis na hinanakit—ang akala ko kasi, kaligayahan ang matatamo ko, pero sa huli ay napagtanto kong tama siya. Sana noong una pa lamang ay nakinig na ako sa kaniya.

“Mama, mahal na mahal ko po kayo.” Palahaw ko rito at hinigpitan pa ang yakap.

“Mahal na mahal din kita, anak ko.” Pag-aalo nito sa likod ko, tila’y pinapatahan ako.

We’ve never been this close. Mula pagkabata ay halos hindi ko malambing si mama. Ngunit ngayon ay gustong-gusto kong sulitin ang pagkakataon na animo’y huli na.

“Mama, patawarin niyo po ako.” Bulong ko, doon pa lamang ako humiwalay sa pagkakayakap para tingnan ang reaksyon niya.

Ilang segundo niya akong pinagkatitigan, sinusuri ang kabuoan ko. At saka niya ako inalalayan na maglakad patungo sa maliit na balkonahe ng kuwarto niya.

Her gestures made me feel lighter. Tahimik kong ipinanalangin na sana nga ay humupa na ang galit niya sa akin.

Pero sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang kabahan. Paano na lang kapag nalaman niyang buntis ako?

“Mama, naiintindihan ko kung galit pa rin po kayo.” Panimula ko. Hindi ko napaghandaan ang sandaling ito. I let my heart speak on the spot. Sana lang ay wala akong masabi na ikadaragdag ng sama ng loob niya. “At maniwala sana kayo kung gaano ako nagsisisi na sinuway ko kayo.” Mahina kong usal.

Heartless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon