LUMAPIT si Claudine sa akin nang may dalang lugaw. “Belle, please eat.” She softly uttered. “Kagabi pa walang laman ang sikmura mo. Please help yourself.” Malumanay pa nitong dagdag.
I didn’t answer, ni hindi ko ito nilingon. Nanatili ang paningin ko sa labas ng bintana kung saan kanina pa ako nakatunganga. But my attention isn’t really there. As usual ay para na naman akong nilulutang sa hangin.
Ilang araw ang makalipas mula nang ma-discharge ako sa Ospital. Inalok ni Claudine ang mans’yon nila, doon na raw muna ako tumuloy. Ngunit tinanggihan ko ‘yon. Lalong hindi ako pumayag na umuwi sa condo ni Claude—wala na akong intensyong makitira o makipagkita man lang sa lalaking ‘yon; mabuting hindi na rin siya nagpaparamdam mula nang ipagtabuyan ko siya paalis sa Ospital. So in the end, Claudine rented a small apartment for me. She really helped me a lot since the day I got discharged, hindi niya pa rin ako iniiwan mag-isa sa apartment na ‘to kahit pa alam kong marami siyang kailangang asikasuhin. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya.
“Lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo nito. Kumain ka na kahit kaunti, please?” Pakiusap niya ngunit hindi ko talaga kaya.
“Masama ang pakiramdam ko.” Usal ko. I’m not in the mood to eat.
Right now, I’m starting to feel discomfort. Tila’y nasu-suffocate ako sa suot na damit kahit na hindi naman ito masikip. Naiirita ako for some unknown reason—o maaaring dahil sa pangungulit ni Claudine. Hindi ako makahinga nang maayos.
“Just this one, sige na.” Akma niyang isusubo sa akin ang isang kutsara ng lugaw. Ngunit pakiramdam ko ay biglang bumaligtad ang sikmura ko.
There’s a sudden urge of vomiting; as if an intense and unfamiliar pressure that invaded my entire system was about to come off.
Napatakbo ako sa lababo dahil sa biglaang pagduduwal. Halos maisubsob ang mukha ko sa sink habang inilalabas ang laman ng sikmura ko. Palibhasa’y kaonti ang kinain kaya halos puro tubig at soup ang naisuka ko.
Hingal na hingal ako nang mailabas ang mga ‘yon sa bibig.
“Belle. . .” Claudine followed me. Naghilamos na muna ako nang maigi bago siya nilingon. “What’s the meaning of this?” Nauutal nitong tanong habang mataman akong sinusuri.
I shook my head to clear her thoughts. “Don’t conclude any ideas. It’s just I’m not feeling well.” Inunahan ko na siya wala pa man, nakita ko kasi ang kahulugan ng tingin na ipinupukol niya sa akin.
Claudine sighed. “I’m worried. Don’t you want to go for a check up?” She tapped my shoulder.
“No need, wala ‘to.” Ilag ang tinging tugon ko.
Ospital na naman ba? Ayaw ko nang magpunta ro’n. Isa pa, sigurado akong sintomas lang ‘to ng depression. Nakakapanindig-balahibo nga naman kasi talaga ang trahedyang naranasan ko. Sino bang hindi masusuka?
Ngunit sa kabilang banda ay hindi ko maiwasan ang kaba at pangamba. Hindi malabong buntis ako, lalo’t hindi ko mabilang kung ilang beses naming ginawa ni Claude ang bagay na ‘yon. We didn’t use any type of contraception but calendar method.
No, I’m not pregnant. I can’t be. Talagang masama lang ang pakiramdam ko dahil hindi maikakailang depressed pa rin ako hanggang ngayon. There are episodes of discomfort recently. Balisa, nanghihina at walang ganang kumain. Gano’n kalala ang impact sa akin ng pangyayaring ‘yon dahil sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat. Grabeng trauma ang natamo ko, tipong makakita lang ng mga bagay na makakapagpaalala sa akin ng insidenteng ‘yon ay kinikilabutan at nandidiri na ako. From that night onwards, bumaba ang tingin ko sa sarili ko. It feels like I’m a low-life wench who can everybody fuck. Kabastos-bastos at deserve babuyin.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...