HALATA ang pagkagitla sa hitsura ni Claude, ngunit hindi ko na ‘yon nagawang intindihin pa. Sa lahat ng lalaking nambastos sa akin, siya ang higit na t-in-rato akong pokpok. Aaminin kong may mga pagkakataong ginusto ko ‘yong gawin kasama siya, pero mas maraming beses niya akong pinilit at pinuwersa. He made me feel so worthless despite of loving him with all of my heart; as if being his sex slave was my only purpose. Sanitizing my entire body won’t clean it anymore. Here’s the sudden thought na lahat sila, binastos at babastusin lang ulit ako.
“Belle. . .” nagtangka itong hawakan ang pisngi ko, ngunit sa ikalawang pagkakataon ay tumili ako.
“Sabing layuan mo ako!” Umiiyak kong sigaw sabay taboy ng kamay niya.
Sa ingay na nagawa ko ay dali-daling bumalik si Marion sa kuwarto. Sa pagkakataong ito ay kasama na niya sina mama at uncle Hector.
“Ano’ng nangyayari rito?” Matigas ang tinig ng tiyuhin ko nang magsalita.
Tumayo ako at kaagad na nilapitan si mama para yumakap. “Mama, please paalisin mo ang lalaking ‘yan dito. Babastusin lang niya ako. Parang-awa niyo na po.” Tukoy ko kay Claude, tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha.
Maliban kay Claude, walang nakakaalam sa kanila ng patungkol sa kamuntik ko nang pagkakagahasa. Naikuwento ko ang lahat ng karanasan ko kay Marion maliban dito. Dahil pakiramdam ko, babanggitin pa lamang ay sukang-suka na ako.
Niyakap ako ni mama pabalik, hinaplos nito ang likuran ko at saka niya pinagsalitaan si Claude. “Ano’ng ginawa mo sa anak ko?”
“Wala po, maniwala kayo—”
“Paulit-ulit niya akong binaboy, ma.” Nagsusumbong ako na para bang bata.
Nakatakip ang mga kamay ko sa mukha dahil hindi ko kayang tingnan ang kahit na sino, lalo na si Claude. Naipon na sa ‘kin ang lahat ng hinanakit na ginawa niya noon pa man. Nagkagulo ang lahat ng ‘yon sa utak ko, at hindi ko matukoy kung alin ang alin. Basta’t ang alam ko lang, ayaw ko siyang makita dahil lalo akong nandidiri sa sarili ko. Lalo pa sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako makaulit na inangkin nang walang respeto.
“Tarantado ka pala!” Sigaw ni uncle Hector at kaagad itong pinuruhan ng suntok. Dinampot nito ang dos por dos sa likod ng pintuan.
Bago ko pa man masaksihan ang mga susunod na pangyayari ay inalalayan na ako ni mama at ni Marion na lumabas mula sa silid na ‘yon at lumipat sa kabila. Bagaman ay naririnig ko pa rin kung paano siya bugbugin ng tiyuhin ko.
“Belle. . .” untag sa ‘kin ni mama. Bakas sa tono niya ang awa at galit. “Hindi ko alam kung ano’ng eksaktong nangyari. At hihintayin kita hanggang sa makayanan mo nang magsabi, magbabayad ang lalaking ‘yon kung totoo mang—”
“Nagsasabi po ako ng totoo! Wala kayong ideya sa pinagdaanan ko sa lalaking ‘yon.” Palahaw ko.
“Kaya siya nandito para pagsisihan ang lahat ng ginawa niya sa ‘yo, Belle.” Sabat ni Marion. Inabutan ako nito ng isang basong tubig, na kaagad ko namang ininom. “Pero kung hindi mo talaga siya kayang harapin, paaalisin namin siya.” Dagdag pa nito.
“Paalisin niyo na.” Halos magmakaawa kong sambit. “Ayaw ko nang ulitin niya sa amin ng anak ko ang mga kagaguhan niya.”
I don’t know what happened why I suddenly felt that. Akala ko, ayos na ako. Akala ko, limot ko na ang lahat ng ‘yon. Pero bakit bumalik sa alaala ko na parang kahapon lang nangyari ang lahat? I can’t handle the cringe feeling. Gustong-gusto kong pagbayarin ang tatlong lalaki na ‘yon. Gustong-gusto ko ring parusahan si Claude dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko mapagdaraanan ang lahat ng ‘to.
Binantayan ako nina mama at Marion hanggang sa mahimasmasan at makatulog. Hirap na akong burahin sa isipan ko ang lahat, pero pinilit ko pa ring ‘wag magpatinag.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Nadatnan ko si Marion sa kusina na nagkakape. “Good morning.” Nakangiting bati nito ‘tsaka nagpresintang ipagtimpla ako. “Kamusta ang pakiramdam mo?”
Pilit ko naman siyang nginitian pabalik. Hindi pa rin maayos. Pero ayaw ko nang pag-usapan dahil ayaw kong maungkat na naman ang mga bagay na pinipilit ko nang ibaon sa limot.
“Belle, ang sabi ng mama mo, ipakukulong daw niya si Claude.” Natigilan ako sa sinabing ‘yon ni Marion at hindi kaagad na nakaimik. “Paaabutin ba talaga natin sa gano’ng punto?”
“Ipakulong na nila.” Malamig kong usal. “Pero sa yaman ng lalaking ‘yon, mismong kulungan ay kaya niyang bil’hin.” Pagsasabi ko ng totoo.
Kung ipakulong ko man si Claude bilang kabayaran sa mga kagagawan niya, madali niya lang ‘yong masososlusyonan dahil sa pera. At ‘di ‘yon magiging makatarungan.
“Belle, ‘wag mo sana ‘tong mamasamahin, ha?” Muli ay nagsalita si Marion. “Pero sana naman, ‘wag mong patigasin nang ganiyan ang puso mo. Nakikita naman natin kung gaano siya kadesididong gawin ang lahat para—”
“Bakit, Marion? Alam mo ba kung ano’ng ginawa sa ‘kin ng lalaking ‘yon?” Sumbat ko. “Kung tuluyan mang manigas ang puso ko, dahil ‘yon sa mga kagagawan niya.”
Madali lang sabihing ‘wag magtanim ng galit, pero ang hirap palang panindigan kapag naipon na ang sama ng loob na kinimkim ko. Parang palagi na lang sasabog ang dibdib ko.
Nahihirapan man si Claude ngayon pero walang-wala pa ‘yon kumpara sa lahat ng sakit na ipinaranas niya sa akin.
Nilayasan ko si Marion sa kusina. Hindi ko alam pero para akong nainis sa lahat ng nasa paligid ko. Gusto ko lang munang mapag-isa kaya bumalik na lang ako sa kuwarto para magkulong.
Hindi ko alam kung kakayanin kong lumabas ngayon para tumulong sa pangingisda. Baka mamaya, nandoon din ang bastos na lalaki mula sa sayawan kahapon. Isa pa, papalapit na rin nang papalapit ang kabuwanan ko kaya babawas-bawasan ko na ang paglabas-labas.
Tila’y bumalik ako sa ulirat nang may kumatok sa pinto. Doon ko napagtantong kanina pa pala ako nakatulala.
Hinang-hina naman akong naglakad para buksan ‘yon.
“Belle. . .” mahina akong napasinghap nang makita si Claude na halos gapangin na ang sahig.
Kitang-kita sa mukha nito ang maraming pasa, ni hindi na rin siya makatayo dala ng pagkapilay.
Saglit akong nakaramdam ng pagkabahag habang sinusuri ang kabuoan niya. Ngunit kalaunan ay nangunot ang noo ko.
“Ano pang ginagawa mo rito?” Masama ko siyang tiningnan.
Pinipilit niyang tumayo ngunit hindi niya kaya dahil kusa siyang natutumba. Tadtad ng pasa ang mukha at mga braso niya, halos pumutok na rin ang labi niya pero wala akong pakialam. Hindi ko alam pero hindi na ako nakaramdam ng kahit na kaunting awa sa kalagayan niya.
“Mas malala pa riyan ang aabutin mo kapag hindi ka pa rin umalis dito.” Sambit ko.
“I don’t care, Belle. Even if it takes me arms and legs, hinding-hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama.” Hinang-hina niyang tugon. “Wala akong pakialam kahit ilang beses pa akong lumpuhin ng tito mo, I’ll do whatever it takes to win you back.” Hindi ko alam kung paano niya pa rin nagawang ngumiti sa kalagayan niyang ‘yon. “Mag-usap tayo, please?”
Sa halip na tumugon ay umiling na lang ako nang ilang ulit. “Umalis ka na rito, wala kang mapapala sa paggaganiyan mo.” Pagmamatigas ko at kaagad na isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...