NO matter how hard my past is, I can always restart with a new life. The important thing is; I’ve learned from my own mistakes—and these mistakes have strengthen me.
“Uy, blooming si buntis! Ano’ng skin care ang gamit natin, ha?” Mapanuksong puna ni Marion na siyang inilingan ko na lamang. “You glow differently when you are happy, girl!” Dagdag pa nito habang nagsasalang ng mga paninda sa ihawan.
Healing is a process, it doesn’t happen overnight. But from the past few months, I’m starting to learn how to live with the wounds of the past.
Manager si mama ng isang malaking fish dealer na pag-aari ni uncle Hector. Iyon pala ang magandang oportunidad na tinutukoy ni mama rito sa Zamboanga. Ako naman ay sumasama kay Marion sa paghuli ng mga isda tuwing umaga. At tuwing hapon ay tumutulong ako kay Marion sa paglalako ng mga inihaw sa tabing-dagat, para naman kahit papaano ay hindi ako palaging nakaluklok sa bahay. Sa ilang buwang pananatili sa isla ay natagpuan ko ang isang simple ngunit magandang buhay. Tila’y hindi na ako naghahangad ng higit pa. I’m six months pregnant now.
“Tumabi ka riyan, buntis. At baka mausukan ang makinis mong kutis.” Biro ni Marion, at saka ko lamang napansin na sa akin pala papunta ang direksyon ng usok.
Tinawanan ko na lamang siya at saka tumulong para sa preparations ng paninda. Makulit si Marion, kahit siya lang ang malapit na kaedaran ko rito ay hindi ko naramdaman ang pagkukulang ng kaibigan. Na-miss ko tuloy si Claudine. Kamusta na kaya ang babaeng ‘yon? Mula kasi nang araw na manirahan ako rito ay wala na akong balita sa kaniya. Hindi ko na kinakalikot ang phone na pahiram niya, kaya wala na rin kaming komunikasyon.
“Teka, ang init naman ng panahon ngayon.” Reklamo ko maya-maya. Magdadapit-hapon na naman ngunit pakiramdam ko ay sobrang init pa rin sa pakiramdam, naaalibalbaran ako. “Mar, pakisuyo naman ako nitong bimpo sa likod ko.” Inabot ko sa kaniya ang towel dahil basang-basa na naman ng pawis ang likuran ko.
“Kapag jontis talaga ay mainit ang katawan. Tiisin mo ‘yan, ginusto mo, e.” Inirapan ako nito ngunit kaagad din namang sumunod sa pakiusap ko.
“Inggit ka lang, e. Palibhasa, wala kang bahay-bata.” Pang-aasar ko pabalik at saka kami nagtawanan.
“Belle. . .” natigilan ako sa mahinang pagbungisngis nang marinig ang isang malamig at baritonong boses mula sa kung saan.
It’s way too familiar to forget. Pangalan ko lamang ang isinambit niya ngunit gano’n na lamang kalaki ang epekto nito sa buo kong sistema.
My eyes literally widened as I shift my gaze to the man standing in front of me.
“Claude. . .” my heart skipped its beat for a few seconds—I thought I forget how to breath. Ano’ng ginagawa niya rito?
“At last, we found her!” Nakangiting anunsyo ng babaeng katabi nito. Wow. Hanggang sa islang ito ba naman ay naligaw pa silang dalawa ni Athena?
My lips parted, I couldn’t react out of shock.
Gano’n din ang reaksyon ni Claude, yumuko pa ito nang bahagya at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtitig niya sa tiyan kong malaki na ang umbok. Ilang segundo niyang pinagmasdan ‘yon, ‘tsaka siya unti-unting nag-angat ng tingin kay Marion na kasalukuyan pa ring nasa likod ko ang mga kamay, palibhasa’y natigilan din sa pagpupunas sa akin ng bimpo dala ng gulat. I flinched by the way Claude looked at him. I guess I know what he’s thinking.
“What the fuck does it means?” His jaw clenched while intently looking at my cousin.
But still, I’m too shocked by his presence that I couldn’t utter a word.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...