UNTI-UNTI kong iminulat ang mga paningin, bagaman dama ko ang mabibigat na talukap ng mga mata. Unang bumungad sa akin ang puting ceiling, at nang marahang luminga sa paligid ay napagtanto kong hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan ko. Pinipilit kong pagtagpi-tagpiin ang lahat ng nangyari, ngunit hindi ko yata masikmura.
“‘Ayon po sa nakuha naming impormasyon, ang babaeng ‘yan ay si Arabelle Fontanilla, dalawampung-taong gulang at nakatira sa kabilang village.” Umugong sa tainga ko ang mahihinang usapan mula sa hindi kalayuan. “Kamuntik na siyang mapagsamantalaan ng tatlong lasing kagabi, masuwerteng naabutan sila ng mga nagrorondang tanod kaya hindi naituloy ang panggagahasa. Ngunit nagtamo siya ng ilang mga galos sa katawan na siyang dahilan kung bakit nandito siya sa Ospital.”
I felt my cheeks being welled by my own tears. Images suddenly flashed out inside my mind like a thunder. Ang malalakas at mala-demonyong tawanan ng tatlong lalaki habang pinagbabantaan ako, ang paghipo sa maseselang parte ng katawan ko. . .
I tightly closed my eyes. Hindi ko napigilan ang sarili sa pagtili dala ng matinding frustration. Ayaw ko nang maalala, hindi ko kayang alalahanin.
Mabait pa rin ang Diyos sa akin, dahil hindi Niya niloob na mapagsamantalaan ako. Pero pakiramdam ko ay sukang-suka ako sa sarili ko, lalo na sa tuwing naaalala ang imahe ng akmang pambababoy sa akin.
Mariin ang pagpikit ng mga mata ko sa pagbabakasakaling mabura ang mga ‘yon sa balintataw ko. Ngunit kahit ano’ng gawin ay hindi na yata mawawala sa isipan ko. Tila’y dama ko pa rin ang mga haplos sa balat ko. Nakakasuka. Nakakadiri.
“Chief, gising na po ang biktima.” Nakarinig ko ang mga yapak papalapit sa kinaroroonan ko.
“Layuan niyo ako, parang awa niyo na!” Hiyaw ko habang humahagulgol, hindi ko alam kung alin ba ang tatakpan; kung ang mukha ko ba o ang dibdib.
“Hindi ito ang tamang oras para mangalap ng mas malawak pang impormasyon, na-trauma ang biktima.” Sambit ng hindi pamilyar na tinig.
“Sa ngayon po ay sinusubukan na naming i-contact ang asawa niya, ngunit hindi ito sumasagot ng mga tawag.” Rinig kong tugon ng kausap.
“May iba pa bang kamag-anak na maaaring matawagan?” Maya-maya ay muling nagtanong ang isa sa dalawang pulis.
“Tanging ang mga kapatid lamang ng asawa ni Ms. Arabelle, chief. Napag-alaman naming walang ibang kamag-anak sa Siyudad na ito ang biktima maliban sa pamilya ng asawa.” Bumuntong-hininga ito.
“O siya, sige. Sila na lamang ang tawagan mo. Sa kalagayan ngayon ng biktima ay kailangan niya ng makakasama.” May pinalidad na sambit ng chief. Pagkatapos no’n ay wala na akong narinig pang pag-uusap.
Nang marinig ang pagsara ng pinto ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko, hudyat na nakaalis na ang mga pulis at ako na lamang mag-isa ang naiwan sa kuwarto.
Muli ay naibuhos ko ang matinding emosyon. Last night was the worst nightmare of my life. I swear, I’ve never been scared like this. My mind cannot still process the entire thing—I don’t want to sink it in, rather. It’s traumatizing to the point I already feel so depressed. Hindi ko na makapa ang sariling ulirat. Hinihiling ko pa rin na sana nga ay masamang panaginip na lang ang lahat ng ’yon, pero hindi. Paano na lang kung hindi dumating ang mga tanod at naituloy ng mga lalaking ‘yon ang masamang balak sa akin? Siguro ay malamig na lang akong bangkay sa ngayon. O kung hindi man, ako mismo ang papatay sa sarili ko. The thought was just too much to bear.
Impit ang pag-iyak at hagulgol ko. Iniipit ko sa lalamunan ang malalakas na hikbi sa pangambang baka may makarinig sa akin. Nakakapanikip ng dibdib, nakakaubos ng lakas.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...