Chapter 7

7.8K 152 5
                                    

WE stayed in the mansion for more than a week. Nakiusap pa si Mrs. Fontanilla na manatili kami ro’n hanggang sa araw ng kasal but Claude already refused. Ang sabi nito ay may mga naiwan pa siyang trabaho na dapat asikasuhin.

Pero para sa akin, mas okay nang manatili ro’n, pakiramdam ko kasi ay mas malaya ako. Kumpara kapag nasa condo kami ni Claude.

Kauuwi lang namin halos dito sa unit niya at bakas sa kaniya ang pagod. Inihatid niya ako sa kuwarto.

“It’s getting late, sleep well.” He coldly said.

Lumabas siya ng kuwarto ‘tsaka akmang sasaraduhan na naman ako sa loob.

“Wait—uhm. . .” natigilan naman siya nang magsalita ako. “Ikaw, hindi pa ba matutulog?” Iwas ang tinging usal ko. Ikukulong na naman kasi niya ako.

“Not yet. I have some urgent matters to attend.” He replied.

Oo nga pala, hindi niya naharap ang mga business na ‘yon dahil nanatili kami sa mansyon ng pamilya niya. Kaya ngayon ay kailangan niyang mag-overtime para bumawi.

“Okay.” Ngiti ko na lamang ‘tsaka nahiga.

Pagod na rin ako galing sa ilang oras naming biyahe kaya wala na akong lakas para makipagtalo.

As I’ve expected. He locked the door then left. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta nang sandaling ‘yon. Pakiramdam ko naman ay nawalan na rin ako ng karapatan pang magtanong.

Nagpahinga na lamang ako at sinamantala ang pagkakataon para makakuha ng mahabang tulog.

———

Kinabukasan ay naabutan kong bukas ang pinto ng kuwarto. It just means nakauwi na siya ng bahay.

“Good morning, how’s your sleep?” Bungad niya sa akin nang pumasok ako sa kusina.

He really look so damn hot everytime he cooks while topless.

Mukhang good mood siya ngayon, unlike sa pakikitungo niya nitong mga nakaraan. Magmula kasi nang lumabas ang issue sa amin ni Pierre, naging brusko na siya. Pero iba yata ngayong araw. Ano kayang mayro’n?

“Morning. Pasensiya na, late na akong nagising. Napagod kasi ako sa biyahe kagabi.” Mahina kong tugon. Mag-a-alas diyes na pala ng tanghali.

“No problem, malapit na rin ‘tong maluto. We’ll be having a breakfast in a few.” He replied.

I’m not in the right place to ask, but. . . “ano’ng oras ka palang nakauwi kagabi?” Out of curiousity kaya ko ‘yon naitanong.

He smirked before answering. “I just got home. Why do you mind?”

Napamaang naman ako sa itinugon niya. Hindi na lang sana ako nagtanong. Pero ano naman kayang urgent matters ang tinutukoy niya kagabi at inabot pa siya ng tanghali sa pag-uwi?

Ipinilig ko ang ulo. Nevermind. Bahala siya sa buhay niya. Ayaw ko nang isipin niyang concern pa rin ako sa personal stuffs niya. Totoo man ‘yon pero dapat ay hindi ko na ipakitang may pakialam pa rin ako.

“Mukhang paubos na ang groceries, mind if I buy some?” Pag-iiba ko na lamang ng usapan. Pinuna ko na lamang ang mga stock sa kusina na malapit naman na talagang maubos.

Heartless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon