AFTER that day, Claude became more distant and heartless; everything got worsened. He treats me as one of his properties, halos hindi ko na nga siya makilala. Sobrang layo na niya sa Claude na minahal ko. Hindi ko naman siya masisisi, dahil ako ang pumili ng desisyon na ‘to. So I have no one to blame but myself.
Palagi niya akong ikinukulong ng kuwarto, masuwerte ako kung mag-iiwan siya ng pagkain. Madalas kasi ay hindi. Hindi niya rin ako gaanong kinikibo, at kung papansinin man niya ako, ‘tsaka lang tuwing inaatake siya ng libido. He always come home late, madalas pa nga ay lasing, it ends up na maghapon din akong walang kain dahil nga naka-lock ako sa kuwarto. I don’t have the right to ask about it, ako rin mismo ang nagtanggal ng mga karapatan namin sa isa’t-isa. Pero ibang-iba na talaga siya mula nang araw na makita namin si Pierre sa grocery store, at mula rin nang araw na magsinungaling ako ‘tungkol sa bagay na may nangyayari na sa amin ni Pierre. Of course that wasn’t true. Never in this entire life would I give myself to other man but Claude.
On the other hand, I always acted like usual, parang wala lang. Kahit ramdam ko ang malamig na pakikitungo niya sa akin, patay-malisya at hindi pa rin ako apektado. Gusto ko na lang talagang iparamdam sa kaniya na kahit ano pang gawin niya, wala na siyang mapapala sa ganitong set-up, wala na rin siyang mapapala sa akin.
Umuwi na naman siyang lasing kinagabihan. It’s past eleven in the evening.
“Have you eaten your dinner?” I asked the moment he enter our room. Ako kasi, hindi pa rin kumakain.
Paano ako makakakain kung ni-lock niya ang pinto ng kuwarto bago siya umalis? Maaga pa lang ay bihis na bihis na siya, ‘tapos ay ganitong oras na siya kung umuwi. Wala talaga siyang pakialam sa akin kung mamatay man ako sa gutom, ‘no? Sana sinaksak niya na lang ako.
“Mind your own business.” Pabalang ang tugon niya. Pinagsisihan ko tuloy na nagtanong pa ako.
“Let me just cook, okay?” Kahit naiinis ay ‘yon na lang ang inusal ko.
I insisted to cook, good thing hindi na siya tumanggi. I’m not that heartless. Kahit naman hiwalay na kami ay may pakialam pa rin ako sa health niya. Mukhang siya, walang pakialam sa akin but that’s completely fine. Ito naman ang matagal ko nang hinihintay. Next in line, siya na mismo ang magpapaalis sa akin the moment na magsawa siya. So yup, willing akong pag-effort-an siya bago ko man lang siya iwan.
Nagluto ako ng heavy dinner dahil gutom na gutom na talaga ako. Pagkatapos lutuin ang adobo, inilagay ko ‘yon sa tray at dinala sa kuwarto.
“Claude, eat now, habang mainit pa ang pagkain.” I’m about to spoon feed him.
Ngunit nabigla ako nang marahas niyang tabigin ang hawak kong plato, dahilan para kumalat ang laman nitong pagkain sa bed sheet, bumagsak din ang plato sa sahig, mabuti na lang at hindi ‘yon babasagin.
“Claude?”
“Fuck, can’t you see I’m sleeping?!” Bulyaw nito habang galit na galit na nakatingin sa akin.
“Fine. I’m sorry.” Sa halip na makipagsagutan ay humingi na lang ako ng paumanhin. I don’t want to cause him a deeper anger. “Sige na, matulog ka na ulit. Ililigpit ko na lang mga ‘to.”
Hindi na siya tumugon pa. Instead, he turned to the other side against my direction.
Nilinis ko na ang mga nagkalat na kanin at ulam, pagkatapos ay iniligpit ko na lang din ang mga ‘yon. Nawalan na ako ng ganang kumain.
———
Hindi ko alam kung nakalimutan ni Claude na i-lock ang pinto para sa araw na ‘to. But fortunately, I found it open. Iyon nga lang, pagkalabas ko ng kuwarto ay bumungad kaagad siya sa living area, umiinom.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...