PAIN and shock flashed across his eyes. Tila’y hindi siya makapaniwala sa nakikita.
“Let’s go?” Sa kabilang banda ay pinilit ko namang ngumiti kay Pierre; umangkla ako sa braso niya na para bang wala sa harapan namin si Claude.
I’m really sorry, you don’t deserve this; you don’t deserve me. Ito lang ang naisip kong paraan para kalimutan mo na ako nang tuluyan.
Takang-taka naman si Pierre ngunit wala na siyang ibang magawa kundi ang sumunod sa akin.
Subalit bago pa man kami tuluyang makalabas ng bar. . .
“Belle,” at last, Claude managed to talk, yet he didn’t attempt to make a single move.
Ramdam na ramdam ko ang pagdagundong ng kaba at kirot sa dibdib ko. I’ve never seen him so serious like this before. Para niyang pilit na pinapakalma ang sarili, kahit nababakasan sa boses niya ang matinding galit.
“What’s the meaning of this?” Kalmado niya pa ring usal.
Damn, ramdam na ramdam kong nasasaktan ko siya at dobleng sakit ang impact no’n sa akin.
I filled my lungs with some fresh air before I mumbled. “As you can see.” Hinarap ko siya para ngitian; doon ko naapuhap ang matinding sakit sa mga mata niya. Hindi pa rin siya makagalaw sa kinatatayuan, nagmistula siyang estatuwa. “Pierre and I have been dating few months ago, Claude. Nagtangka akong makipaghiwalay sa ‘yo dahil siya ang mahal ko.” Pagtukoy ko sa eksena noong araw na palayasin ako ni mama.
But God knows what I’ve said was a lie. Ginagawa ko lang ang lahat ng ito para sumunod kay mama. Bakit ko gugustuhing saktan si Claude to begin with? Damn. Buong buhay ko, siya ang tanging lalaki na minahal at pinahalagahan ko nang ganito. Pero mas mahalaga sa akin si mama, hindi ko siya maipagpapalit sa kahit na sino o kahit pa ano sa mundong ito; nanay ko na lang ang kayamanan na mayro’n ako. Utang ko sa kaniya ang buhay ko at mahal na mahal ko siya higit sa sarili ko. Kaya masakit man sa akin na isakripisyo si Claude, gagawin ko.
“What?” He then asked, almost a whisper.
“I cheated on you, Claude.” Mariin kong usal. I didn’t mean to hurt him but I have to. Kung kinakailangang kamuhian niya ako, gagawin ko para lang makamit ang kalayaan mula sa kaniya. Kalayaan na siya ring susi sa pakikipag-ayos ko kay mama.
“What did you say?” Mahina niyang ulit, tila’y umaasa na bawiin ko ang nauna kong sinabi.
“I cheated on you!” Hindi ko napigilan ang sarili sa pagtaas ng boses. I panted, trying to stop my own sobs.
Sa sandaling ‘yon ay para bang huminto ang mundo. Para bang nawala ang mga taong nagkakatuwaan sa paligid; para bang tumigil ang malakas na tugtugan. Tanging si Claude at ako lamang.
For a few seconds, he stared at me. As if he’s looking for something across my eyes. As if he’s waiting for something that will never exist, not anymore. Kitang-kita ko mula sa kinaroroonan na para bang wala na siya sa sarili.
“Pierre, let’s go.” Bago pa man din ako tuluyang umiyak at mawala sa huwisyo ay tinawag ko na ang lalaking nasa tabi ko.
Hindi puwedeng masira ang plano dahil lang sa pinangungunahan ako ng emosyon.
Nagsimula na sa paghakbang si Pierre kaya sumunod ako sa kaniya. Nang makatalikod kay Claude ay doon ko naibuhos ang lahat ng emosyon, hindi ko na napigilan ang pagluha.
“Wait!” Claude called me.
I wouldn’t want to face him in this state. Nagtuloy-tuloy ako sa paghakbang ngunit nahila niya ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...