EVERYTHING still gone well for that lunch. Kahit pa sumama ang pakiramdam ko. Right after we finished discussing some of the details about the marriage, Claude’s parents, including Deus decided to go home. It’s almost one o’clock when we finished.
“Like I said, maiiwan muna ako rito, mommy. I want to treat Belle.” Pamamaalam ni Claudine. Napag-usapan namin na magsa-shopping at gagala kami, pumayag naman ang mga magulang nito, pati si Claude.
“No problem, sweetheart. But consider Athena, too. Okay? Isama niyo siya if she wants to go.” Muli ay ini-bring up ni Mrs. Fontanilla iyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil wala siyang ideya ‘tungkol kay Athena. Halata kasing gusto niya rin ito dahil nga anak ng kumare niya. Ano kaya ang sasabihin niya once na nalaman niyang si Athena ang girlfriend ni Claude at hindi ako?
“But mommy, gusto ko sanang for sister-in-law date lang ‘to. I wanted to talk some things with Belle privately.” Claudine answered. Mukhang kabaligtaran ng sa mommy niya ang impression niya kay Athena. Halata kasi ‘yon sa pamamaraan niya ng pananalita.
“Uhm. . . tita, it’s fine. Besides, may kailangan na rin po kasi kaming i-discuss ni Claude about sa next project namin sa company. It’s more than enough for me to know that you’re doing well po.” Athena mumbled.
Marunong pala siyang mahiya? Nakaramdam yata siya na ayaw sa kaniya ni Claudine. At ano raw, company na naman? Ganiyan din ang sinabi niya no’ng araw na makita ko sila ni Claude na naglalandian sa sala, e.
Come to think of it, dalawa na lang silang maiiwan dito kapag nakaalis na sina Mr. and Mrs. Fontanilla with Deus. Lalabas din kami ni Claudine.
“If that’s the case, then, okay! Just send my regards to your mommy. Pakisabi, we will hang out some other time, bago kami umuwi ng Germany. Okay?” Bumeso si Mrs. Fontanilla kay Athena, bago bumalin sa akin. “And both of you, take care sa paglabas. Don’t stay too late, bibiyahe pa tayo nang maaga for tomorrow.” Tukoy nito sa pagluwas namin sa Ilocos Norte.
Three days from now ang kasal pero napag-usapan na magpupunta na kami ro’n bukas for the preparations. Susunod na lamang ang mga bisita gamit ang private chopper nina Claude. Athena and her family were invited, too.
“I know, mommy. Take care, too.” Niyakap ni Claudine ang mommy nito ‘tsaka tuluyang nagpaalam.
Nang makaalis sila ay napagdesisyunan na rin namin ni Claudine na lumarga. Nag-alok ang mommy niya kanina na iwan ang kotse at driver nila para may masakyan kami. Pero tumanggi na si Claudine dahil ayaw daw niya ng nakasunod habang gumagala kami.
“Magpupunta na kami, kuya. Maiwan muna namin kayo rito, Athena.” Ngiti nito sa dalawa na nakaupo na sa salas, may mga laptop na ring nakaayos sa harapan ng mga ito.
Gusto kong umirap pero pinigilan ko na lamang ang sarili. Bahala sila sa gusto nilang gawin.
“Bye.” Malamig na paalam ni Claude, hindi man lang kami nilingon. Mukhang wala na naman siya sa mood. Pero ganiyan naman siya palagi.
“Keep safe!” Malapad naman ang ngiti ni Athena. She looks happy. Bakit hindi? Masosolo na naman niya si Claude.
Hindi na ako nagsalita at nagpatianod na lamang ako kay Claudine.
“Isn’t it obvious that I don’t like her, Belle?” Claudine asked while we’re walking towards the exit of the village.
Kahit hindi niya sabihin sa akin ay kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. “It is.” Tumawa ako nang mahina. “But mind if I ask why?”
Kumunot ang noo nito sabay irap sa kawalan. “Duh! Ang clingy niya kaya kay kuya! And I’ve known her a lot, Belle. That woman is a flirt.”
“Hm? Paano mo naman nasabi, Claudine? Malay mo, close lang talaga sila, ‘di ba?”
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...