Chapter 21

15.5K 227 15
                                    

AYAW kong lumaki ang magiging anak namin sa isang uri ng pamilya kung saan walang pagmamahalan. I don’t want our child to see how Claude disrespects me, how he treats me. Hindi bale, anak. Pipilitin ko na lang punan ng nag-uumapaw na pagmamahal ang puso mo, para hindi mo na kailanganing maghangad pa ng kahit na ano mula sa tatay mo.

My last sentence stunned him for a few seconds. I don’t know how long, but he remained staring at me with his speechless and unbelievable expression, as if he’s waiting for me to take it back.

“No, Belle.” Claude smiled while shaking his head continuously. “Hurt me as you please, but not this way.” He pleaded. “Sampalin mo na ‘ko, o kaya ipabugbog, kung ‘yon ang gusto mo, gawin mo hanggang sa makuntento ka. I’m willing to endure it all, Belle. Pero please, ‘wag naman ganito.”

Tears suddenly fell down from his eyes. Ikinagitla ko naman iyon. Bakit siya umiiyak? He doesn’t have to go this far for a slut like me. Maraming ibang babae riyan na mas worth it iyakan. Unlike me, who has lesser value than a trash.

“Give me one last chance, Belle. Just one more chance to prove it’s still worth fighting for.” Bakit parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood siyang umiyak at magmakaawa na ‘wag ko siyang iwan?

I want to curse myself for being weak as hell. Isang suyo niya lang, unti-unti ko na namang nalilimutan ang lahat ng sakit na ipinaramdam niya. Pero hindi ako puwedeng magpatalo.

“I’ve already given you countless chances, Claude. Wala nang natira sa ‘kin kaya wala na rin akong maibibigay pa. Leave.” I sternly replied. ‘Wag na ‘wag ka nang magpapakita, parang awa mo na.

“I won’t. Belle, you can push me away as much as you want. But I’m not leaving you, never in this entire life. ‘Tang-ina, hindi ko kakayanin.” Masuyo nitong hinuli ang mga kamay ko, at saka dinampian ng halik ang likod ng mga palad ko. “I won’t force you to forgive me if you really can’t. I’ll be patient, you’re worth the wait.” Claude whispered beneath my ears. “Maghihintay ako gaano man katagal ang abutin. Just please don’t give me up.” Humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. “At least take time to think about it. I know you still love me, I can feel it, Belle.” He pleaded.

But I already thought about it. Sa makailang beses na sinaktan niya ako, unti-unti na akong nakabuo ng desisyon.

I won’t deny the fact, I still love him. Pero wala nang lugar ang pagmamahal na ‘yon sa puso ko dahil pinuno na niya ng pasakit at panlulumo. Nasa punto na ako ng pagkakataon na mahal ko pa siya, pero hindi na ako muling susugal para ipaglaban ang pagmamahal na ‘yon.

“Tama na, Claude. Ayaw ko na.” I withdrew my hands from him. “Maghintay ka hangga’t gusto mo. Pero wala ka nang aasahan sa akin na kahit ano.” Paglilinaw ko. “Doon ka na lang kay Athena. Alam kong siya ang gusto mong makasama.” I tried to hide my own bitterness but it remained still.

Umiling ito nang ilang ulit. “You’re the only woman whom I want to spend the rest of my  life with.” He replied. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang intensidad ng mga titig niya, tila ba’y binibigyan ako nito ng assurance. “Lalayuan ko na si Athena if that’s what you want. I’ll even kick her out inside the company para tuluyan na siyang mawala sa landas natin. Just please, ‘wag ka lang mawawala sa akin.”

No. I won’t expect things from him anymore. Alam ko namang sarili ko lang din ang sasaktan ko. Sa ngayon, wala na akong ibang hangad kundi ang umuwi kay mama at magsimulang muli, kasama ang mumunting buhay na nabubuo sa sinapupunan ko.

———

Claude didn’t listen to me. Talagang pinanindigan nitong mabawi ako. Pero hinding-hindi na ako muling bibigay pa. Gawin niya kung ano’ng gusto niya, tutal siya naman ang walang mapapala—tingnan ko na lang kung hanggang saan ang kakayanin niya. If he wants to waste his time then I have no problem with that, desisyon niya ‘yan. Basta’t ako, buo na ang loob ko. Kakayanin ko na siyang burahin bilang parte ng buhay ko.

Heartless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon