“SA tingin mo, tama lang na binigyan ko siya ng pagkakataong bumawi?” Mahinang tanong ko kay Marion matapos ikuwento sa kaniya ang patungkol kay Claude.
Napabuntong-hininga naman siya. “Sa akin lang ‘to, Belle, ha? Pero dipende ‘yan kung talagang deserve niya.” Tugon nito habang dinadampian ng yelo ang panga niya.
Napaisip naman ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin nabubura ang pangamba sa dibdib ko. Na paano kapag pinatawad ko siya at ulitin lang niya ang mga ginawa niya?
“Pero nakita mo ‘yong reaksyon niya no’ng nakita tayong magkasama, ‘di ba? Pati ba naman ako napagkamalan niya? Gano’n ba talaga siya kaseloso?” Napailing na lamang ako sa ipinuna niya.
Sa ngayon ay umalis saglit si Claude para ihatid si Athena sa airport—luluwas na raw ito pabalik ng Maynila, babalik din daw siya pagkatapos. Mabuti naman at marunong siyang makiramdam. Ni hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang dalhin ang babaeng ‘yon dito.
We’ll see how long you can take it all, Claude. Kung talagang desidido man siyang patawarin ko, gusto kong iparamdam niya ‘yon sa gawa, hindi puro salita. Magpapakipot na lang din ako, hindi ko pa lubos-lubusin, ‘di ba? Kung hindi rin naman dahil sa mga kagagawan niya, hindi ako magkakaganito.
“Napaano ka, Marion?” Napalingon kami ni Marion kay mama nang pumasok ito sa salas.
Nakaramdam naman ako ng pagkataranta. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang sinundan ako ni Claude rito.
“Eh. . .” tumingin pa muna si Marion sa akin, mukhang nanghihingi ng permiso kung papayagan ko ba siyang sabihin kay mama ang nangyari. Tinanguan ko lamang siya. “Bigla na lang po kasing dumating ‘yong magaling niyang nobyo, mukhang binabawi na siya.” Nagtaas naman ng kilay si mama, hudyat na hinihintay nito ang sunod na detalye. “‘Ayon, napagkamalan pa akong. . .” napangiwi si Marion dahil ayaw niya halos bigkasin ang salitang ‘yon. “‘Tapos sinuntok na lang po ako bigla.”
“Totoo ba ‘yon, Belle?” Nakaramdam ako ng kaba sa pananalita ni mama.
“Opo,” nakayuko kong tugon.
Bumuntong-hininga ito at saka tumayo. “Matulog ka na. Bawal sa ‘yo ang mapuyat.” Paalala nito kaya kaagad akong tumalima. “Kung totoo mang nandito siya, hayaan niyong iharap niya sa akin ang sarili niya.” Nagpukol ito ng isang makahulugang ngiti. Ano kaya ang iniisip ni mama?
Gano’n pa man ay sinunod ko na siya. Akma na akong papasok sa kuwarto nang muli siyang magsalita.
“‘Nga pala,” untag nito na kaagad kong nilingon. “Ipinapasabi ng auntie Badette niyo mula sa Canada na nangangailangan sila ng mas maraming care givers doon. Malaki ang suweldo at ang balita ko, anim na buwan lamang ang training.” Tukoy ni mama sa pinsan niyang naninirahan sa abroad. “Malaki-laking oportunidad din ang naro’n para makaipon.” Patuloy niya. “Kung gusto mo, Belle, p’wede ka naming ipasok pagkatapos mong manganak.”
Napamaang naman ako sa sinabi niyang iyon. “Pero paano po ang anak ko? Ayaw ko siyang iwan dito.” Iyon kaagad ang naitugon ko.
Umiling naman si mama. “Hindi mo siya iiwan dito, Belle. Mabait ang tita Badette mo at dahil hindi na siya biniyayaan ng anak sa edad na ‘yon ay sabik siya sa pag-aalaga ng mga bata. P’wede niyang bantayan ang anak mo habang nasa trabaho ka.” Paliwanag ni mama. “Isa pa, kakailanganin mo pa naman ng higit anim na buwan para sa training at paghahanda. Sapat na siguro ang panahong ‘yon para sa inyo ng anak mo kung sakali.”
Sandali naman akong napaisip. Magandang oportunidad ang inaalok sa ‘kin ni mama. Bukod pa ro’n, hindi ko kakailanganing iwan ang baby ko. Pero hindi naman basta-basta ang pagluwas sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...