Chapter 5

9K 174 4
                                    

I WOKE up with a swollen eyes. Buong magdamag na yata akong mulat, kakaiyak. Hilam sa luha ang mga mata ko at hindi ko alam kung kailan ito hihinto.

“Claude, please? Buksan mo ‘to. Pakawalan mo na ako rito.” Pagmamakaawa ko habang paulit-ulit na kinakalampag ang pinto.

Claude locked me up inside his room. Nauna siyang bumangon sa akin kanina at namalayan ko na lang na naka-lock na ito mula sa labas ang pinto. Hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong kumakatok dito, nagmamakaawang palabasin na niya ako.

I didn’t get any response from him. Ni walang kahit na anong ingay mula sa labas ang makakapagbigay-senyales sa akin kung narito pa ba siya sa loob ng bahay.

Dahan-dahan akong napaluhod sa harapan ng pinto; pakiramdam ko ay wala nang kahit na kaunting lakas na natitira sa katawan ko. Magkahalong gutom at pagod ang tanging nararamdaman ko. Kaya sa sandaling ‘yon ay hindi na ako nakakilos, anuman ang gawin ko.

I have to think of some other ways. I can’t stay here anymore.

Saglit ko na lamang pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng kuwarto.

Pakiramdam ko ay nagdiwang ang loob ko nang makakita ng malaking bintana sa ‘di kalayuan. Isang bintana lamang ang nasa kuwarto ngunit may kalakihan ito at tiyak na magkakasya ako kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. Without any hesitation, tinungo ko ang bintanang ‘yon. I’m not that certain kung magkakasya ba ako rito, but I’ll do everything to get away in this place.

Dala ng panghihina ay bahagya pa akong nahirapan sa pag-angat ng jalousie window para mabuksan. Ngunit ilang segundo lamang ay nagtagumpay ako sa pagtatangkang iangat ito.

Napasinghap ako nang bumungad sa paningin ko ang nakakalulang tanawin nang mabuksan ang babasaging bintana. Nawala ang kaliit-liitang pag-asa na makakaalis ako sa kuwartong kinalalagyan ko. Nasa seventeenth floor nga pala kami. Ano pa ba ang aasahan ko? Na makakatalon ako at makakatakas mula sa ganito kataas na lugar? Gusto ko na lamang tawanan ang sarili. I’m so fucking hopeless, at the same time, I feel so helpless. I don’t have my phone with me, tiyak na wasak na ‘yon sa pagkakabato niya kagabi kaya walang-wala na talaga akong magagawa.

“What are you doing?” Isang baritonong tinig ang nagpabalik sa akin sa huwisyo.

Nagitla ako nang sa wakas ay pumasok si Claude sa kuwarto. May bitbit itong tray, naglalaman ng mga pagkain na sa tingin ko ay siya ang nagluto.

“Claude,” I smiled at him.

Madali akong nagtungo sa kinaroroonan ng nakabukas nang pinto ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit ay marahas na niya itong nasipa pasara.

“Didn’t I tell you? No matter how hard you try, you can’t escape from me, Belle.” Inilapag niya sa kalapit na lamesita ang dalang pagkain ‘tsaka ako hinarap. “Now, eat.”

Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko. “Wala kang karapatang angkinin ako dahil hindi mo ako pag-aari, Claude.” Panunumbat ko rito.

“Pag-aari kita.” Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. “At wala ka nang magagawa kundi ang sumunod sa akin.” Lumapit siya sa kinaroroonan ko.

He doesn’t have the right to put me under his possession, God knows how I wanted to leave, how I wanted to complain but why can’t I do anything?

“Pakawalan mo na lang ako.” Namamaos kong pagmamakaawa, pakiramdam ko ay ngayon lamang ako napagod nang ganito kalala kahit wala akong mabigat na ginawa. “Parang awa mo na, Claude.” Bumalong ang makapal na luha sa mga mata ko, dahilan para manlabo ito. But I reached for his hand, trying to beg him. “I’m really sorry for hurting you. Pero Claude, hindi naman siguro sapat na dahilan ‘yon para—”

Heartless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon