INILUGMOK ko ang sarili sa kama. Ilang oras na ang nakakaraan ngunit nakatatak pa rin sa isipan ko ang larawan ng positibong resulta na ‘yon ng pregnancy test.
Ano pang mukha ang maihaharap ko kay mama? Paano ko ‘to sasabihin kay Claude?
Binaha ako ng maraming tanong at pangamba. Gusto ko na lamang maiyak sa naging kinahinatnan ng lahat.
I don’t want to make the baby feel unwanted. But I can’t stop overthinking about my future, about my relationship with my own mother. My tears constanly flowing. Ano na lang ang mangyayari? Paniguradong hindi na ako mapapatawad ng mama ko.
Nanatili akong gising hanggang sa makarinig ng mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko, marahil ay nakauwi na ng apartment si Claudine.
Itinalukbong ko ang kumot sa sarili. Ayaw kong madatnan niyang umiiyak ako.
“Kuya, I told you. She needs more time. Bakit ba dinaraan mo ang lahat sa puwersahan?” I can hear Claudine’s soft voice.
“I’ve waited long enough, Claudine. I need my wife for fuck’s sake!” Claude desperately replied.
Lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang baritonong boses niya.
Dala ng taranta ay ipinikit ko ang mga mata at nagkunwari na lamang akong natutulog. Hindi ko pa rin siya kayang harapin, lalo pa ngayon at may nalaman akong ikinagimbal ng buo kong pagkatao.
“Hindi pa rin siya okay, kuya. Sana lang ay nakikita mo kung gaano siya naapektuhan sa insidenteng ‘yon. She’s been depressed and traumatized to the point na nagkakasakit at nangangayayat na siya.” Galit na usal ni Claudine. “Kuya, she was almost raped because of you!” Dagdag pa nito. “Sino ba sa tingin mo ang puno’t dulo, hindi ba’t ikaw? Kaya please! Umalis ka na muna dahil hindi ka niya gugustuhing makita. Suffer from the consequences you made.”
I heard him hissed, obviously getting impatient. “Nauubusan na ako ng oras, Claudine. It feels like I’m about to lose her—and damn, I can’t!” Bulyaw nito. “I miss her every fucking second. Don’t make me lose my chances.” He retorted as if it was Claudine’s fault. Wala siyang karapatang manisi at mainis dahil tama si Claudine, siya ang puno’t dulo ng lahat ng ‘to.
“Fine. She’s your responsibility afterall.” Pagsuko ng kapatid na siyang ikinaalarma ko. “Pagbibigyan kita, pero saglit lang. Kung ayaw niya talaga, huling dalaw mo na ‘to.”
“Sure,” he replied.
“Okay, lalabas na lang muna ako para balikan ang iniwan ko sa office. Make sure not to do something reckless. Kapag nalaman ko kay Belle na may ginawa ka na namang kagaguhan—”
“Alright, alright. I won’t.” Claude cuts her off. “Now, leave us for a while.”
Claudine tsked, maya-maya pa’y narinig ko ang padabog na pagsara ng main door, hudyat na nakalabas na ito.
Sa kabilang banda ay damang-dama ko ang pagwawala ng sariling puso habang papalapit nang papalapit ang mga yabag ni Claude sa kinaroroonan ko.
Ipinagpatuloy ko ang pagtutulog-tulugan, bagaman may nag-uudyok sa akin na imulat ko ang mga mata upang tingnan siya. I hugged the pillow beside me.
“Belle,” I felt his warm hand caressing my cheeks, he tucked some strands of my hair behind my ears. “I missed you.” He whispered.
Hindi pa rin ako nagmulat ng mga mata. Takot akong kapag nakita ko siya ay kaagad na naman akong bumigay sa kaniya.
“You have no idea how much I suffer every single day without you. . .” marahan nitong idinampi ang mga labi sa noo ko bago nagpatuloy. “How much I regret everything I’ve done to you.”
It’s too late for regrets, Claude.
His gentleness made me feel comfortable. Tila’y bumalik ang Claude na una kong minahal. Umamo siyang bigla na animo’y takot na takot akong masaktan.
“Please, baby? Come back to me. Let’s go home.” Muli itong humalik sa noo ko. “I can’t last another day without you.”
His words pinched my heart. Bakit ba ganito na lamang kalaki ang impact niya sa buo kong sistema? It feels like he has the power to manipulate my feelings in a snap.
Ayaw kong magpadaig muli sa karupukan. Because everytime I surrender myself to him, I only get hurt. Sa tuwing hinahayaan ko ang sarili na magpadala sa labis na emosyong nararamdaman ko sa kaniya, ako lang din ang nagdurusa.
Iisipin ko na lang na nananaginip ako. Of course I won’t forget the fact that he’s madly in love with Athena. Paulit-ulit ko ring isasaksak sa sariling isipan na ako lang ang parausan niya—ang laruan na handa niyang itapon kung kailan niya mapagsawaan. Ayaw ko nang umasa. Pigang-piga na ako, ubos na ubos na ang lahat ng mayro’n sa akin.
“I’ll wait ‘til the day you forgive me, Belle. I will never give you up.” Ang sarap sanang pakinggan ng mga sinasabi niya kung totoo.
But I’m sure he just wants his slave back. Maybe he’s just bored enough for not having his doll whom he can fuck with whenever he wants to. That’s right, it’s not you whom he misses, Belle. What he wants back was his slut.
Claude’s arms wrapped around me. Sinasabi ko na nga ba. Nang mamgmulat ako ay una kong napagmasdan ang maaamo at nakakadarang niyang mga mata.
He’s only an inch close to me, nakaupo siya sa katabing silya ng hinihigaan ko habang ang kahalating katawan niya ay nakasandal sa akin. Sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa ay damang-dama ko ang maiinit at malalalim niyang paghinga, gano’n na rin ang malalakas na tibok ng puso niya.
Doon na ako tuluyang kumilos. I tend to push him away, but he just tightened the hug.
“What the fuck are you doing here?” I coldly uttered, still attempting to withdraw from his arms.
“I’m here to take you back, Belle.” Nagtama ang mga paningin namin, sincerity was clearly flashed across his face. He utter every words as if he mean it. “Ayusin natin ‘to.”
But I won’t let him hypnotize me this time. “Stop it, Claude. I’ve had enough.”
“No, baby. I know how unforgivable I am. But please? I’m willing to wait for it.” His teary eyes touched my heart.
“Wait for nothing, Claude. Leave me alone.” I looked away. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang tingnan ang hitsura niya.
Animo’y nasasaktan siya sa mga naririnig na tugon mula sa akin. I don’t have an idea how long I can bear hurting him. Pero nakakasawang maging mahina. Lalo’t wala siyang ibang ginawa kundi ang saktan ako nang paulit-ulit. Ayaw ko nang samantalahin pa niyang muli ang kahinaan ko. To be honest with myself, ayaw ko muna siyang patawarin sa ngayon—hindi pa kaya ng puso ko. At dumating man ang panahon na mapatawad ko siya ngunit hindi na mabubuo ang pagmamahal na dating ibinuhos ko sa kaniya. Inubos ko na lahat, e.
“It’s okay, baby. You can hurt me as you please.” He then again kissed my forehead.
It’s never been okay, Claude. Palibhasa kasi sa ‘yo, madali lang ang lahat. Hindi naman ikaw ang nasaktan, hindi ikaw ang trinato na mas masahol pa sa basahan, hindi ikaw ang muntik nang mapagsamantalahan. Ikaw ang nanakit kaya ang daling sabihin para sa ‘yo na okay lang.
Gusto ko siyang sumbatan, pero pinigil ko ang sarili. I’m no longer willing to have an argument and fix everything about us. I’ll fix myself, rather than fixing our ruined relationship.
For my baby’s sake. . .
“Claude, let’s just end it here.”
BINABASA MO ANG
Heartless Romance
RomanceArabelle Torres' mother isn't in favor of her own happiness to begin with, which was a man named Claude Fontanilla. She urged to break up with him for her mother's sake yet the man of her dreams was just too good to be true, that he promised to love...