Chapter 17

13.3K 171 13
                                    

LUMIPAD ang palad ko sa pisngi niya. Paano niya nagagawang magsalita ng ganito? Alam kong malaki na ang ipinagbago niya, pero hindi ko inaasahang ganito kalala.

I can’t believe I turned him this toxic. I know, I deserve these kinds of treatments. Pero sobrang sakit. Gusto ko lang namang makipag-ayos kay mama. Why does he treat me as the worst and dirtiest woman if he could just throw me away out of his life?

Napamura si Claude dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kaniya. Akma ako nitong babalyahin, kung hindi lamang siya napigilan ni Athena.

Ilang segundo nitong pinakalma si Claude, animo’y may mahika ang mga kamay at pananalita niya dahil unti-unti ay nahimasmasan si Claude. Napaiwas ako ng tingin sa hitsura nilang ‘yon, hindi ko na sila kayang panoorin.

After a long silence, he looked at me. Rage was still visible across his eyes. “If you want to leave, then okay. You’re free to go now.” His cold voice sent shivers down to my spine.

My eyes widened but I didn’t utter a word. For a long time, I’ve been waiting for this moment. I’ve been aiming for my freedom. My heart should be pounding because of happiness—that at last, I can finally be free. But why did it shatter like a broken glass? Wala akong ibang hiniling buong pagsasama namin kundi ang pakawalan na niya ako, pero bakit ngayon ay nasasaktan ako? Tila’y nagkaroon ako ng punyal sa puso, doon pa lamang ay hindi ko na napigil ang mga paghikbi ko.

Why, Belle? Hindi ba’t ito naman talaga ang gusto mo matagal na?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit dinaig ko pa ang sinaksak nang paulit-ulit dala ng huling katagang binitiwan ni Claude.

But before the whole thing could even sink in my mind, he talked. “What the fuck are you waiting for? Umalis ka na!” Bulyaw nito na nakapagpagising sa buo kong pagkatao.

Hindi ko na nagawang mag-react. I was too stunned to speak. Nagawa kong ibuka ang bibig, ngunit ni isang salita ay walang lumalabas dito.

“’Tang-ina! ‘Di ba dati mo pa gustong kumawala?! Sige, umalis ka na!” Hindi ko inaasahan ang pagkaladkad nito sa akin palabas ng kuwarto.

“Claude, ano ba? Nasasaktan ako!” Pagpupumiglas ko. “Hindi mo ako kailangang kaladkarin dahil kusa akong aalis!” Sigaw ko pabalik dito.

Ngunit nagmistula na siyang bingi sa pakiusap ko. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko ay pakiramdam ko, magkakapasa ito. But he’s already careless whether he hurt me or not.

“Claude, I said calm down! You don’t have to send her away at this hour, gabing-gabi na!” Pag-awat ni Athena, ngunit kahit siya ay hindi nito pinakinggan.

“I don’t care kung saan siya pupulutin. Wala akong pakialam kahit mapaano pa siya sa labas!” He thundered while cruelly grabbing my hand.

His words hit me big time. Wala siyang pakialam kung mapaano man ako, really? Ganito na ba siya kawalang-puso?

Oo, naiintindihan ko kung hindi na niya ako mahal—o kung hindi na ako ang mahal niya. Naiintindihan ko rin ang pinanggagalingan ng matinding galit niya. Pero sapat ba talaga ang lahat ng ‘yon para itapon ako na para bang naliligaw na pusa?

Nasasaktan man ngunit hindi na lamang ako umalma pa. Hinayaan ko siyang kaladkarin ako hanggang sa labas ng building ng condo unit. Pinagtitinginan kami ng ilan ngunit wala na siyang pakialam.

“Putang-ina, ‘wag na ‘wag ka nang babalik o magpapakita rito!” Iyan ang huling narinig ko sa kaniya bago ako pabalyang binitiwan. Pagkasabi no’n ay tumalikod na siya at diri-diretsong bumalik sa pinanggalingang unit.

Heartless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon