Prologue

12.8K 408 9
                                    

Nakahandusay na si Aleixis mula sa pagkakaupo sa upuang itinuturing niyang trono, sa upuang pinaghirapan niyang maabot gamit ang makasalanan niyang kaluluwa at madugong kamay. Ang upuang hindi niya akalaing baliwala din pala kung pag-ibig ang pag uusapan.

Nakatanaw siya sa entablado kung saan kasalukuyang nagyayakapan ang dalawang taong naging parte ng buhay niya, ang isa ay ang pinakamamahal niya at ang isa ay karibal niya sa lahat ng bagay. Kitang kita niya ang pagmamahal na nagniningning sa mata ng dalawa na akala mo ay sila lang ang tao sa mundo.

Napalipat ang tingin niya sa malaking pintuan na kulay ginto at doon pumasok ang isa pang tao ngunit hindi man lang naging parte ng buhay niya kahit gustuhin pa niya dahil para lamang siyang basura sa mata ng taong ito.

At ito ay ang kanyang ama na si Don Alejandro ang amang tinakwil siya at ang ama ng karibal niya sa mundo. Kita niya kung paano yakapin ni Don Alejandro ang karibal niya, kita niya ang bawat pagmamahal at pag-aalala na pinapangarap niyang makuha.

Sa unang pagkakataon isang patak ng luha ang nanggaling sa sarili niyang mata, isang luha ng pait, sakit at lungkot na pilit niyang itinatanggi simula pa noon.

Naging malupit sa kanya ang mundo, siguro isa siyang makasalanang tao noong nakaraang buhay niya kaya naman naririto siya sa ganitong kalagayan kung saan kaaway niya ang mundo at ang pinakaaasam niyang pagmamahal ay ipinagkakait sa kanya.

Kasabay ng unti-unting pamimigat ng mga mata niya ang isang hiling na kahit sa panaginip ay hindi mapapasakanya….

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon