Buong byahe ay nasa kandungan lang ako ni Daddy at hinahaplos ang buhok ko paminsan minsan ay hinahalikan din niya ang buhok ko.
Paunti-unti din siyang nagtatanong at ginagawa ko naman ang lahat para masagot siya ng ayos dahil kahit nakainom na ako ng tubig ay talagang makati pa din ang lalamunan ko.
Mahaba ang naging byahe at napansin kong malayong malayo ang pinagdalahan namin sa syudad at para banag isang abandonadong maliit na bahay lang ang kinalagyan namin pero underground talaga ito.
Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang ng maramdaman kong tumigil ang sasakyang kinalalagyan namin at mukhang hindi naman ako nagkamali dahil bumungad sa akin ang isang malaking Mansion na ayon sa ala-ala ko ay bahay namin.
Binuhat na ako ni Daddy hanggang sa makapasok kami sa loob at agad naman na dumapo ang paningin ko kay Aleixis, nakaupo sa siya sa single seater na sofa, magulo ang buhok, walang emosyon ang mukha at nakadekwatrong upo pero ang mas mahalaga ay nasa akin ang mga mata niya.
Maiigi siyang nakatingin sa akin at hindi ko din naman iniwasan ang mga mata niya.
Sa loob loob ko ay nakaramdam ako ng tuwa lalo na at hindi natuloy ang nakalagay sa libro kung saan gagawin lahat ni Aleixis para mapansin siya ng ama niya.
Mukha namang napansin ni Daddy na nakatingin ako kay Aleixis kaya ibinaba niya ako.
Pagkababa niya sa akin ay dahan dahan akong lumapit kay Aleixis at umupo sa tabi niya dahil parehas naman kaming bata at maliit ay nagkasya kami.
Hindi naman niya ako pinagtabuyan o kung ano man dahil tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
Napatingin naman ako kay Daddy nang lumuhod siya sa harapan namin at hinawakan ang kamay ko.
Pinagmasdan niyang mabuti si Aleixis at tinignan din naman siya ni Aleixis hanggang sa napabuntong hininga nallang si Daddy.
“ You, kid… ” Tawag ni Daddy kay Aleixis.
“ Do you know my daughter? ” Tanong niya na para bang maiintindihan siya ni Aleixis pero…
Napalingon naman ako kay Aleixis ng maalalang nag-english siya kanina ng pigilan ko siyang umalis.
“ No. ” Sagot ni Aleixis at tumingin sa akin na ikinakurap-kurap ko naman.
“ I-I, h-h-him. F-f-friends. ” Saad ko at napaubo ng unti kaya naman dali da
ling nag-utos si Daddy ng tubig.“ Baby? But he didn’t know you. ” Saad ni Daddy at alam ko na ang ibig sabihin noon, mukhang labag talaga sa loob niya na isama si Aleixis.
Napatingin naman ako kay Aleixis at kinuha ang kamay niya na mainit bago determinadong humarap kay Daddy.
“ H-h-he s-stay. I-I-I, h-h-him b-be f-friends. ” Saad ko at napahilot nalang siya sa ulo.
“ I think he doesn't want to. ” Sagot niya at napayuko naman ako pero maya-maya pa ay muli siyang nagsalita.
“ Do you have a family? A place to stay? ” Tanong niya kay Aleixis at kinabahan naman ako sa isasagot nito.
“ None. ” Sagot niya habang nakatingin sa kamay kong nakakapit ng mahigpit sa mga kamay niya.
“ Fine, we’ll keep you. Are you okay with that? ” Saad ni Daddy na ikinaning ning naman ng mga mata ko.
“ Okay. ” Sagot ni Aleixis at hindi na napigilan ang ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasiWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...