Nakarating na kami sa Mansion at nakita ko ang mga nakahilera na mga katulong maging ang mga guard sa bahay.
Lahat sila ay nakatayo ng tuwid habang nakatingin sa sasakyang kinalalagyan namin.
Nang makarating kami sa harap ay naunang bumaba si Daddy saka niya ako inalalayang bumaba.
‘Nandito kaya si Aleixis? Hinihintay din niya kaya agad ako?’
Pumasok kami sa loob at sabay sabay na bumati ang lahat sa amin at kita kong masaya din sila na nakabalik na ako lalo na at may mga ngiti sa labi nila ngunit may iilan na nanggigilid ang mga luha sa mga mata nila.
Inilibot ko ang tingin ngunit kahit anino ni Aleixis ay hindi ko makita kahit saan. Tahimik ko nalang ibinalik ang tingin sa kanila saka maliit na ngumiti saka nagpasalamat.
Sinabi nilang may inihandang munting party para sa pagbabalik ko kaya naman pinauna nila muna ako sa kwarto upang magpahinga ng kaunti at makapaghanda para sa party mamaya.
Sa loob ng limang taon walang nagbago sa kwarto ko, ganoon pa din gaya ng dati ngunit nagbago na ang ilang gamit sa damitan ko lalo na at madaming bagong damit dahil sigurado namang hindi na kasya sa akin ang dating damit na nakalagay dito.
Napatingin ako sa bintana at naisip si Aleixis.
Wala siya dito at sabi ni Daddy ay pumasok siya sa school, alam ko namang mas mahalaga ang school kesa sa akin pero hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot.
Akala ko pa naman ay madadatnan ko si Aleixis dito at nag-iintay sa pagdating ko pero mukhang malaki nga talaga ang epekto ng pagkalaglag ko ng hagdan kay Aleixis.
Pero hindi naman ibig sabihin na susuko na ako lalo na at naniniwala akong kaya lang naman ako nandito ay dahil kay Aleixis.
Naniniwala ako na kaya ako nandito ay para baguhin ang itikdang tadhan kay Aleixis at kahit anong mangyari, isasakatuparan ko iyon.
Babaguhin ko ang hinaharap ni Aleixis sa kahit anong paraan.
Dilim na at hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa kwarto.
Hindi muna ako pinapalabas kaya naman hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa labas gayon din kung nakauwi na ba si Aleixis.
Ang alam ko lang ay madaming dumadating na bisita at mukhang sa likod ng Mansion ang pinakalugar ng event, sound proof ang kwarto ko kaya hindi ko din alam kung gaano kalakas ang party na nasa baba.
Nakasuot ako ng isang puting bestida kahit na hindi pa man ako ganoon kalakas ay hindi naman ako mahina.
Nakasuot ako ng puting bestida at ang dulo nito ay mag burdang bulaklak gamit ang gintong kulay, may suot din akong simpleng mga alahas at tiara, lahat sila puti maging ang flat shoes kong suot at nagmumukha akong isang angel kulang nalang ay pakpak.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng katok at bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang babae na siyang isa sa coordinator ng party sa baba.
Ngumiti siya sa akin at alam kong oras na para bumaba ako, hindi man ako mahilig sa party ay wala akong magagawa lalo na at para sa akin ang party na ginaganap kasalukuyan ngayon.
Lumabas na kami ng kwarto at medyo rinig ko ang ingay sa baba. Walang tao sa dinadaanan namin kaya naman paniguradong lahat sila ay nasa baba.
Bumaba na kami ng hagdanan at tinungo na ang daan patungo sa pinakavenue ng party.
Mula sa dinadaanan namin ay kita ko kung gaano kadami ang tao ngunit hindi nila ako kita dahil one-way lang ang salamin kaya naman ako lang ang nakakakita kung ano ang nasa kabilang part ng salamin.
Hanggang sa narating na namin ang malaking pintuan at ayon sa coordinator, sa oras na tinawag ang pangalan ko ay magbubukas ang malaking pinto, sinabi din niyang may nakatutok na ilaw kaya naman daw maghanda ako.
“ Let’s now welcome, the star of the night. My daughter, Stella Mae Hararia. ” Saad ni Daddy at nagbukas ang pintuan.
Tumama ang ilaw sa akin ngunit hindi iyon ang umagaw ng atensyon ko, kundi ang lalaking nasa gilid ko.
Nakasuot ng formal attire at magulo ang ayos ng buhok pero tamang tama lang ang itsura para sa kanya.
Aleixis.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...