Mula nang umakyat si Don Alejandro sa stage kanina para ibigay ang regalo niya sa akin ay hindi na mawala-wala ang mga tingin ko kay Aleixis dahil pakiramdam ko ay maaaring makilala niya ay Ama niya at mangyari ang nangyari sa nakaraan.
Napkurapkurap naman ako ng makitang nakatingin na din pala sa akin si Aleixis, walang emosyon sa mukha niya ngunit sa mata niya ay meron ang ang emosyon na iyon ay waring nagtatanong.
Ngingitian ko na dapat siya ng biglang naagaw ang pansin ko ng isang batang lalaki, mga kasing edad lang din namin siya at mukhang isa siya sa mga anak ng mga bisita pero hindi iyon ang napuna ko, kundi ang pamilyar na mga mata nito.
Iisipin ko palang dapat kung saan ko siya nakita ng tumakbo siya at yumakap sa isang lalaki at nang makita ko kung sino iyon ay nalaman ko na agad kung sino ang batang lalaki na iyon.
Aristotle…
Tama, bakit ko nga ba nakalimutan na ayon sa kwento mula ng makidnap si Aristotle ay hindi na ito iniiwan mag-isa ni Don Alejandro?
Kita ko naman kung paano ngitian at haplusin ni Don Alejandro si Aristotle ngunit napatingin agad ako kay Aleixis at kumabog ng malakas ang puso ko ng makitang nakatingin siya sa interaksyon ng mag-ama.
Namumukhaan na ba niya si Don Alejandro? O baka naman naiinggit lang siya sa interaksyon ng mag-ama?
Pagmamahal ng isang ama.
Pagmamahal na ipinagkait kay Aleixis na hindi naman dapat. Karapatan niya ang pag-ibig ng isang ama lalo na at sa kanya siya nanggaling ngunit itinuturing siyang basura ni Don Alejandro dahil sa isang pagkakamali lang na mabuo si Aleixis pero hindi ba siya ang may kasalanan?
Pinagsamantalahan niya ang ina ni Aleixis kaya siya ang may kasalanan kung bakit nabuo si Aleixis, kung hindi niya gusto na mabuhay si Aleixis sa mundo tingin niya ba ay gusto ni Aleixis na maisilang sa mundong ito kung puro pahirap at sakit lang naman ang pinaparanas nito sa kanya?
Hindi kasalanan ni Aleixis na maisilang sa mundo kaya naman hindi dapat niya sinisisi si Aleixis na wala naman sa kontrol ni Aleixis pero wala eh, wala ng magbabago pa dahil kahit namna anong gawin ni Aleixis ay hinding hindi siya kinilala ni Don Alejandro bilang dugo at laman niya.
Napabalik nalang ako mula sa pag-iisip ng makitang naglalakad papalapit sa akin si Aleixis at naramdaman ko na naman ang naramdaman ko kanina at iyon ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko maging ang pag-init ng mga pisngi ko habang nakatingin kay Aleixis na naglalakad at sa mga mata niya na kulay itim na gaya ng kalangitan sa oras na ito.
“ Are you okay? ” Tanong niya ng makalapit siya sa akin na agad ko namang ikinatango ngunit hindi ko pa din mabawi ang paningin ko sa mga mata niya, kita ko ang pagkislap ng mga iyon.
“ H-how about you? How are you? ” Tanong ko sa kanya.
“ I’m doing fine. ” Sagot niya.
“ You’re studying… ” Saad ko na ikinatango niya nalang.
Awkward…
“ I miss you. ” Madaliang saad ko at kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.
“ I miss you too. ” Malambing na saad niya na lalong ikinainit ng mukha ko.
“ D-don’t avoid me again okay? ” Tanong ko na ikinatango niya kaya naman napangiti nalang ako at tumayo saka yumakap sa kanya, niyakap din niya naman ako pabalik.
‘I’m glad…’
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...