Isang linggo na mula ng matapos ang buhay ni Aleixis sa libro pero mukhang ako lang ata ang nakakaramdam ng hindi patas sa pangyayari.
Sa panahon na sinubay-bayan ko ang buhay niya ay alam kong karapatan niyang mabuhay ng masaya pero pinatay siya ng author ng libro.
Kung bibigyan man ako ng pagkakataon sisiguraduhin kong ililigtas ko siya sa dilim at ibibigay ang pagmamahal na karapat dapat lang sa kanya kahit na isa lang siyang fictional character.
“ Tulala ka na naman Stella. ” Biglang singit ni Gabriella.
“ Hindi ka pa din ba makaget-over sa nangyari sa paborito mong character? ” Tanong niya.
“ Alam mo hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nangyayari sayo o hindi. Masaya ako kasi kahit kaunti nakakaramdam ka ng emosyon para kay Aleixis pero feeling ko sobra-sobrang emosyon na yan para maranasan mo. ” Komento niya.
Hindi na ako sumagot dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko.
“ Hay nako, sumama ka nalang sakin. Bibili ako ng Milk Tea sa labas. ” Saad niya at hinila na ako palabas ng Bookshop na tinatambayan namin tuwing sabado.
Naglalakad na kami papuntang Milk Tea Shop at huminto para intayin na mag green ang traffic light ng may makita akong libro. Walang pagdadalawang isip na pinulot ito at nagulat ng makita ang pamagat.
Hindi ko alam na may napublished ng ‘Love Me’ pero bakit may ganitong nakakalat dito? Hindi kaya nahulog ito?
“ Stella! Halika na! ” Narinig kong tawag ni Gabriella na tumatawid na sa pedestrian lane.
Tumakbo na ako para habulin siya pero natuod ako sa kinatatayuan ko ng may mabilis na sasakyan na papalapit sa kinalalagyan ko.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako kaba at hindi inaasahan na mararamdaman ko ito ngayon na nanganganib na ang buhay ko.
Hanggang sa naramdaman kong tumilapon ang katawan ko pero dahil may sakit ako, wala akong sakit na naramdaman, para bang inihagis lang ako sa isang kama pero hindi nga lang malambot, kundi matigas ang binagsakan ko.
Nanlalabo kong iminulat ang mata at nakita kong nagkakagulo na. Kita ko din si Gabriella na niyuyugyog ako at mukhang sumisigaw siya pero sa kasamaang palad hindi ko siya nararamdaman miski hindi ko din siya naririnig.
Inilibot ko ang mata ko at nakita ko ang librong kanina lang ay hawak hawak ko. Basa ito ng pulang likido at siguradong ang pulang likidong iyon ay dugo na nagmula sa akin.
Hindi ko alam kung malakas lang ba talaga ang hangin o kung ano dahil bumukas ang libro at nagsilipatan ang mga pahina nito.
Unti-unti ng binabalot ng kadiliman ang paningin ko pero bago mangyari yon ay may nakita akong itim na paru-parong dumapo sa libro at tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.
Wala akong maramdaman o naririnig pero pakiramdam ko ay nakalutang ako. Sinubukan kong gumalaw o magsalita pero parang may humaharang sa akin.
Hindi kaya ay nakabenda ang buong katawan ko at may oxygen mask ang mukha ko kaya hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang?
Unti-unti ay bumabalik ang pandama ko at hindi nakalutang kundi ay buhat buhat ako ng kung sino hanggang sa maibukas ko ang mga mata ko pero…
Bakit ako nakatali at ang taong bumubuhat sa akin ay parang may masamang binabalak?
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...