Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas ngunit ramdam ko lang ang malamig na lugar na kinalalagyan ko maging ang mainit na kamay na humahaplos sa pisngi ko.
Gusto ko mang imulat ang mga mata ko ay hindi ko magawa dahil parang ang bigat bigat ng mga talukap ng mata ko.
Muli na naman akong dinadalaw ng antok ngunit bago ako tuluyang madala nito ay naramdaman ko ang isang malambot at mamasa masang bagay na dumampi sa noo ko.
Hindi ko alam kung ilang araw, linggo o buwan na ang lumipas ngunit nahihirapan pa rin akong imulat ang mga mata ko, tanging nakikita ko lang ay dilim.
Tuwing magigising ang diwa ko ay wala akong ibang nararamdaman kundi ang mainit na kamay na bumabalot sa kamay ko ngunit kung minsan ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin.
Noong isang beses ay narinig ko si Daddy ngunit hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya ngunit ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
Gusto ko nang imulat ang mga mata ko na wari ay narinig ang hiling ko at tuluyan ko nang naimulat ang mga mata ko.
Unang sumalubong sa akin ay ang malabong kisame ng Hospital hanggang sa tuluyang luminaw iyon ay iginala ko na ang mata ko.
Nalaman kong mag-isa lang pala ako at nandito pala ako sa ICU.
Maraming nakakabit sa akin at mukhang matagal akong nanatili dito at mukhang malaki ang epekto nang pagkakahulog ko sa hagdanan lalo na at dama ko ang hina ng katawan ko.
‘What happened to that bitch?’
Napatigin ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok ang isang nurse. Hindi niya ata ako napapansin dahil abala siya.
Tinignan niya ang katawan ko hanggang sa magtama ang mga mata namin at biglang nalang siyang hinimatay.
Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi pa din siya nagigising.
Nagulat ko ba siya? Pero kanina pa ako mulat at hindi lang niya pansin.
Napatingin naman ako bigla sa gilid ko nang makita ang kamay na humawak dito at nakita ang unti-unting pagtaas noong nurse hanggang sa muling magtama ang mga mata namin at akmang hihimatayin na naman siya nang hawakan ko na ang kamay niya.
“ Don’t. ” Saad ko ngunit ramdam ko ang pagkati ng lalamunan ko.
“ Doctor! Doctor! ” Sigaw niya at biglang nagtatakbo palabas.
Masyado naman siyang magugulatin at hindi ko alam kung magtatagal ba siya sa trabaho niya.
Hindi ko nalang iyon pinansin at kinuha ang hawak hawak na board kanina nung nurse at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang petsa na nakasulat sa gilid.
Mukhang hindi lang araw, linggo o buwan akong nandito kundi taon pero hindi lang isang taon o dalawa kundi limang taon akong nandidito.
Limang taon ang naging kinalabasan nang pagkakahulog ko sa hagdanan.
Alam kong magtatagal ako sa hospital lalo na sa sobrang taas ng pinanggalingan ko ngunit hindi ko akalain na limang tao ang naging resulta.
Napabuntong hininga nalang ako at kasabay noon ay pagbukas ng pintuan ng kwarto.
Sumalubong sa akin ang mga mukha nang mga Doctor at nakapaskil doon na hindi nila inaakalang magigising pa ako.
Ngunit ang mga paningin ko ay lumagpas sa kanila at nakasalubong noon ang mga itim na matang limang taon ko ng hindi nakikita.
Limang taon na ang nakakalipas ngunit wala pa ring kahit anong emosyon ang nakapaskil sa mga mukha niya ngnunit marunong ako tumingin sa mga mata at kita ko ang lahat ng emosyong naglalaro sa mga mata niya.
Naputol ang titigan namin ng maharangan iyon ng mga nagkakagulong doctor.
Halatang hindi sila makapaniwala at kung hawaakan nila ako ay para ba akong isang babasaging dyamante na matagal ng nakatago.
Napatigil naman sila bigla ng muling magbukas ang pintuan at hindi na ako nakaalma ng bigla ako nitong yakapin kasabay ng mga halik at mumuting iyak mula sa nakapayakap sa akin.
Tinignan ko naman kung sino ito at niyakap din pabalik ng malamang si Daddy pala.
Muli kaming nagkatitigan ni Aleixis na nasa likudan ni Daddy kaya naman binigyan ko siya ng isang ngiti ngunit hindi niya iyon sinuklian at napakurap kurap nalang ako ng bigla siyang tumalikod at umalis.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...