Chapter 41

3.6K 164 13
                                    

Revenge Complete…

Sa loob ng isang buwan matapos tuluyang magising si Daddy at magsimula ang plano ng paghihiganti ay sa wakas, nakuha na namin ang lahat ng nararapat sa amin.

Nakuha na namin lahat ng kinuha sa amin at mas lumaki pa ito sa ilalim ng pamumuno ni Aleixis.

At ngayon ay naparusahan na lahat ng mga dapat maparusahan maging ang babaeng iyon.

Matapos ng lahat ng kaguluhan ay bumalik na kami dito sa England at nagpatuloy sa gamutan si Daddy.

Ngayon ay wala si Aleixis dahil siya muna ang umaayos ng lahat kaya naiwan kami ni Daddy dito sa Mansion at kasalukuyan akong nasa kwarto niya habang binabantayan siya ng bigla siyang nagsalita.

“ Stella… ” Tawag nito na agad ko namang ikinatuon ng atensyon sa kanila.

“ We don’t have a proper conversation so I want to ask my Princess, how are you? How are you for those 3 years? ”

Tanong nito at kita ko ang kaba sa mga mata niya, marahil ay iniisip niyang may galit ako sa kanya pero mukhang nakakalimutan ata niya na wala akong nararamdamang kahit anong emosyon ngunit nginitian ko siya at mukha namang umepekto iyon.

“ I’m fine Dad, I’m just wondering why you didn't visit me but I now understand. '' Saad ko at bahagya pang tumango tango.

“ Daddy is sorry, Princess. ” Saad niya na ikinangiti ko muli, wala man akong nararamdaman na emosyon ay masaya ako.

“ It’s okay Dad but as a compensation you need to be healthy all of your life alright? ” Saad ko na ikinatawa pa nito ng mahina at nailing iling.

“ Am I that weak in your eyes? ” Tanong nito na ikinatingin ko sa kanya na para bang sinasabing ‘seriously?’

Lalo pa siyang napatawa at tumango tango na para banag tinatanggap niya na mahina siya ngayon na halatang halata naman lalo na at hindi pa tuluyang magaling ang tama niya at kailangan pa din ng mausig na pag-aalaga.

Habang pinagmamasdan ko siya ay bigla nalang siyang sumeryeso at sinenyasan akong lumapit na ginawa ko naman.

Hinawakan naman niya ang mga kamay ko at tinignan ako sa mga mata saka nagsalita.

“ How are you? ” Tanong niyang muli at unti unting nawala sa labi ko ang mga ngiti kanina, napabuntong hininga naman ako saka napangiti muli ng tipid at sinagot siya.

“ I’m fine Dad. we’re fine. ” Saad ko sa kanya na ikinabuntong hininga niya saka ako niyakap ng mahigpit na sinuklian ko naman.

“ I’m here Princess, I’ll always be here. ” Saad niya at tinapik tapik ang likuran ko gaya dati.

Tinutukoy niya ang pangyayari sa amin ni Aleixis. Siguro ay iniisip pa din niya ang kalagayan ko pagdating kay Aleixis lalo na ang nangyari 3 years ago.

Naiintindihan ko naman si Daddy at masaya ako doon pero maayos naman kami parehas di ba? Wala naman kaming napapag-awayan o kung anong problema at ngayon na maayos na ang lahat ay maaari na naman siguro naming ayusin ang siya at ako di ba?

Wala ng Brielle na hahadlang sa amin at sigurado akong walang nakaharang sa daan ko para makuha siya kaya mukhang ayos na naman kung pag-uusapan naman namin yung kami.

Nabago ko na din ng tuluyan ang tadhana niya kaya wala nang problema na kailangan pang isipin. Wala ng iba pang rason para pigilin ko ang gusto kong mangyari.

“ I will support you no matter what. ” Saad ni Daddy sa akin na lalong ikinahigpit ko ng yakap sa kanya.

AUTHORS NOTE:

Sa isang relasyon ay ano bang mas mahalaga? Kinasama mo ba siya dahil mahal mo siya o kinasama mo siya dahil kailangan mo siya?

Ano ang mas mahalaga, the NEED or LOVE??

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon