Chapter 24

4.6K 284 24
                                    

Nagdadalawang isip man ay nagpa-iwan na ako kay Mr. Torres dahil alam ko na naman ang Cafeteria.

Sigurado akong nandoon si Aleixis ngayon lalo na at may mga kaibigan siyang pipilitin siyang sumama.

Sa kanya na din nanggaling na kaibigan niya ang nga yon kaya imposibleng magalit siya sa mga yon.

Natutuwa talaga ako na may mga kaibigan na siya at sana maging kaibigan ko din sila.

Habang papuntang Cafeteria ay madami akong nakajasalubong at lahat sila ay may namamanghang tingin sa akin na hindi ko na lamang pinansin dahil sa oras na ito ay mas mahalaga na makita ko na si Aleixis.

Pandalas naman ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang pintuan ng Cafeteria.

Madaming estudyante sa loob at maingat ngunit hindi iyon ang pinapansin ko dahil abala ang mata ko para hanapin ang nag-iisang tao na dahilan kung bakit ako nandidito.

Napakunot nalang ang noo ko ng hindi mahagilap ng mga mata ko ang taong iyon at akmang papasok sa loob para hanapin siya ng mabuti ng makarinig ako ng ingay sa likudan at napatingin naman ako.

Nasabi ko na ba na kahit 13 lang si Aleixis at may angkin na siyang kagwapuhan na pwedeng kabaliwan ng mga kababaihan?

Kung hindi, napakagandang lalaki ni Aleixis lalo na at alaga ang kalusugan niya sa Mansion at idagdag mo pa ang kakaibag awra na nakapaligid sa kanya, danger yet alluring kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit madaming nagkakagusto sa kaya kahit na 1st highschool palang siya.

Kita ko kung paano punuin ng mga kababaihan ang dalawang gilid para lamang sulyapan ang apat na binata na naglalakad sa gitna nila.

Sa kanilang apat ay sa pinakalikuran nakapwesto si Aleixis ngunit hindi naman niya naapektuhan ang dating niya sa lahat.

Sa kanilang apat ay si Aleixis lang ang may malamig na emosyon sa mukha at hindi na ako nagulat doon dahil iyon naman talaga ang ugali niya simula pa sa simula.

Hindi naman pinapansin ng apat ang nangyayari sa paligid nila at mukhang hindi naman iyon issue sa mga kababaihan na nasa magkabilang gilid.

Malapit na sila sa kinatatayuan ko kaya naman inayos ko na ang sarili at sa pagtaas ng mga paningin ko ay sobra sobrang ngiti ang bumunga sa mapupula kong labi.

Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya at napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya ng magmadali itong maglakad na para bang may nakitang bagay na kailangan niyang habulin.

Nasa gitna palang siya ay sinalubong ko na siya ng yakap kasabay ang pagyakap din siya pabalik.

Natahimik ang lahat at nanatiling tahimik ang lajat kahit na mag iisang minuto na kaming magkayakap ni Aleixis.

Ngayon ay nakaupo na kami sa isang lamesa dito sa second floor at nasa akin ngayon ang tatlong pares ng mata habang pinag-gagayat naman ako ni Aleixis ng beef steak na siya mismo ang umorder para sa akin.

" I will study here from now on. " Saad ko kay Aleixis na para bang nakarinig siya ng magandang balita.

" And I'll be your classmate. " Saad ko at kita ko na ang pagdaan ng mabilisang ngiti sa mga labi niya.

" Really? " Tanong niya na ikinatango ko hanggang sa makarinig kai ng ubo na mukhang napilitang lumabas.

" You should introduce us to her Dash. " Saad ng isang lalaki na may salaming ngunit halata namang walang grado ang nga salamin niya.

" They're Oliver, Joren and Warren. '' Simpleng saad ni Aleixis na ikinangiti ko kahit papaano.

" Nice To meet you too, I'm Stella. " pakikala ko at sabay sabay namag ngumiti ang tatlong lalaki.

I'm with Aleixis na.

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon