A special thanks for someone who made a new cover for my story!
Thank you!
Enjoy!🌟
---------🌟
Ngayong araw ay ang araw kung saan papasok na din ako sa eskwelahan ni Aleixis at gusto ko siyang sorpresahin lalo na at mas matagal ko siyang makakasama ngayon kesa sa bahay.
Pinauna namin siya sa pag-alis at saka kami sumunod. Excited na ako sa magiging reaksyon niya pag nakita niya ako.
Noong isang araw habang nasa school si Aleixis ay may pumunta ng school representative sa bahay para mapasagot sa akin ang mga test paper at sabi nila, dito daw malalaman kung saang section ako mapupunta at dahil mahilig din naman ako mag-aral ay mataas ang nakuha kong marka kaya naman nasa iisang section lang kami ni Aleixis.
Habang nasa daan ay hindi ako mapakali habang kinakausap si Daddy tungkol kay Aleixis at kita ko naman ang mga kakaibang tingin ni Daddy sa akin ngunit hindi ko nalang iyon pinansin pa saka tumingin sa labas.
Maya maya pa ay bumungad sa amin ang isang malaking itim na gate at ng bumukas ito ay dere-deretsong pumasok ang sasakyan na sinasakyan namin hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang building at hindi na ako nagulat ng makitang may mga taong nakatayo doon at mukhang hinihintay kami.
" Good morning Mr. Hararia and you too, Ms. Hararia. " Saad ng isang lalaki na may edad na ngunit makikita pa din ang kagandahan nito bilang lalaki.
" This is my daughter, Stella. " Pakilala ni Daddy kahit naman halatang kilala na ako ng mga taong ito.
Hindi ko alam kung anong napag usapan nila nina Daddy pero hindi ko mapigilang mapaisip kung ano iyon lalo na at nagniningning ang mga mata ng lalaking ito habang todo ngiti naman ang mga taong nasa likod niya.
Tumingin sa akin si Daddy at nginitian ako bago haplusin ang ulo ko.
" I know you're already a big girl and now you're attending school but you're always going to be my baby, okay? " Saad niya at kita ko na nagiging madrama siya na ikinangiti ko nalang.
" Yes, Daddy. " Saad ko na ikinangiti niya.
" You can do this, just call me anytime if you need anything. " Saad niya na ikinatango ko.
Sinabi ko kasi kay Daddy na iwan na niya ako matapos ihatid dahil may trabaho pa siya at kaya ko naman na mag-isa. Noong una ay ayaw pa niya pero napilit ko din naman siya.
" Are you ready Ms. Hararia? " Tanong ng lalaki at sa tingin ko ay may mataas siyang katungkulan. Tinanguan ko naman siya sa tanong niya.
" This is Mr. Torres and he'll assist you. " Saad niya na ikinatango ko nalang ulit hanggang sa inaya na ako ni Mr. Torres na umalis.
Pinapili ako ni Mr. Torres kung iiikot na ba daw niya ako sa school o deretso class na kami pero sabi ko ay iikot na niya ako dahil ayokong may iisipin pa ako sa oras na kasama ko si Aleixis.
Masasabi kong malaki at mayaman ang school na ito dahil napakalawak at madaming mga building gayon din ang mga sport things.
Sa haba ng pag iikot namin ay narinig nalang namin ang tunog ng bell at ibig sabihin noon ay breaktime na kaya imbis na malungkot ay mas maganda kung gugulatin ko siya sa harap ng maraming tao para malaman nila na malapit ako sa kanya.
Ako lang at wala ng iba pa.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...