Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast ngayon at tahimik ang buong paligid maliban nalang siguro sa babaeng nasa likod ko na walang ibang ginawa kundi magsalita ng magsalita kahit na halata namang ayaw na ni Daddy na abalahin pa siya sa pagkain pero tila manhid si Siella at patuloy pa din sa pagsasalita.
“ Ah Sir, Stella has something to tell you. ” Saad nito bigla na ikinatingin naman ng lahat sa akin.
Hindi na ako nagulat ng idamay niya ako lalo na at may sasabihin naman talaga ako kay Daddy at maaaring maging unang hakbang na ito para mapaalis ko si Siella dito.
“ Ah, S-siella is n-noisy. ” Saad ko at yumuko nalang habang mabagal na kumakain.
Narinig ko naman ang pagsinghap nito sa likudan ko at nang itaas ko ang aking ulo ay nakitang nakatingin si Daddy at Aleixis kay Siella, maging ang ibang tao na kasama namin dito sa dining.
“ Siella, can you please leave us for the time being? ” Tanong ni Daddy.
“ O-okay Sir. ” Saad nito at narinig ko ang mga papalayong yapak nito ngunit ramdam ko ang galit niya dahil sa sinabi ko lalo na at nandito si Daddy kaya siguradong nahihiya siya.
“ Eat more, Princess. ” Saad ni Daddy at nilagyan ng pagkain ang plato saka nginitian ako kaya namna ngumiti din ako pabalik.
Matapos naming kumain ay umalis na din agad si Daddy dahil may trabaho pa siya habang si Aleixis naman ay nagsabing kukuha ng makakain namin bago pumunta sa Garden at ako naman ay nagpunta dito sa kwarto upang may kuhain.
Bababa na sana ako ng hagdanan nang makarinig ng mga yapak papalapit at hindi na ako nagulat nang makitang si Siella iyon.
“ Stella! Didn’t I tell you that you have to tell your Dad that, that damn secretary is a bitch?! ” Saad nito kahit hindi pa tuluyang nakakalapit.
Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang hanggang sa tuluyan siyang makarating sa harapan ko.
Hindi na ako umiwas ng hawakan niya ang braso ko at mahigpit iyon ngunit wala naman akong nararamdaman kahit baliin pa niya ang buto ko.
“ You! Why aren’t you talking?! ” Saad niya ngunit nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa makita ko nalang na pulang-pula na siya at halatang galit na galit na siya.
“ And how dare you say that I’m noisy?! You brat! ” Saad niya at akmang sasampalin ako ng biglang may humarang sa harapan ko at narinig ko ang pag ugong ng isang tunog.
Tunog ng pagkakasampal niya kay Aleixis na ngayon ay nasa harapan ko.
Agad kong hinawakan si Aleixis at itinago sa likod ko saka sinamaan ng tingin si Siella na ngayon ay masama ding nakatingin sa amin. Dinuro niya si Aleixis bago magsalita.
“ Who are you to interfere?! You’re just a beggar! ” Saad niya at dahil sa galit ay hindi ko napigilan ang sarili at kinagat ang daliri niyang nakaturo.
Umalingawngaw ang sigaw niya at natumba naman ako sa pagkakatulak niya ngunit agad ding tumayo at hinarangan si Aleixis sa kanya.
Nanggagalaiting tumingin siya sa akin at akmang hahawakan ako ng muli na namang magpalit ang pwesto namin ni Aleixis at siya ang nahawakan ni Siella. Hindi naman nagdalawang isip si Siella at itulak palayo.
Akmang lalapitan ko si Aleixis ng maramdaman ko ang pagtapon ng sariling katawan at nang balakin kong bumangon ay dumulas ang kamay ko hanggang sa nagpagulong gulong ako pababa sa hagdanan.
Hindi ko alam kung ilang segundo ako nagpagulong gulong ngunit ang tanging sigurado ko lang ay nang makarating ako sa pinakababa ay kita ko mula sa taas ang pagdungaw ni Siella at pagbaba sa hagdanan ni Aleixis papalapit sa akin ngunit nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...