" Naniniwala ba kayo sa past life? Yung dati mong buhay, yung nauna mong buhay? "
" Teacher! Naniniwala ako! "
" Ako din Ma'am! Ako din! "
" Hindi ako naniniwala Ma'am! Gawa gawa lang yan ng Illuminati. "
" Bakit naman hindi ka naniniwala? Sabi ni Grandpa totoo yun! "" Napanood ko sa Tv, totoo daw yun! "
" Hindi pa din ako naniniwala! Book adaptation napanood mo! Wag ka! "
" Nabasa ko totoo daw yun! "
" Wattpad lang binabasa mo! "
Totoo nga ba ang past life?
Nabuhay na kaya ako noon?
Paano kaya namatay?
Naging mayaman ba ako?
Nagkaboyfriend ba ako o kaya asawa man lang?
Hindi, siguradong hindi totoo yun.
Tama! Pero may chance kaya?
" Ikaw ba Stella? Naniniwala ka ba? "
Lahat ng mga mata ay tumingin sa akin maging ang mga kaklase kong nagtatalo kanina, lahat sila ay natahimik at tila hinihintay ang sagot ko.
Naniniwala nga ba ako?
Bago pa man ako makasagot ay malakas na tumunodg ang Bell ng school na nangangahulugang tapos na ang klase at oras na ng uwian.
Narinig ko naman ang sigaw ng mga kaklase ko at dali daling inayos ang gamit nila saka umalis at naiwan nalang kami ni Ma'am dito sa loob ng room.
Napabuntong hininga nalang ako at saka inayos na din ang mga gamit ko at hindi ko namalayan ang mga panaka-nakang tingin ng Teacher namin habang mabagal na inaayos ang mga gamit niya.
Matapos kong maayos lahat ng gamit ko ay agad na din akong tumayo sa upuan ko at naglakad na palabas ngunit bago pa man ako makalabas ay bigla nalang akong tinawag ni Ma'am.
" Stella, pwede bang pakidala nito sa office ko? May kailangan lang akong daanan. " Saad niya at tumango nalang ako saka umalis dala dala ang mga gamit niya.
Sa ikalawang pagkakataon, hindi ko napansin ang pagbuntong hininga ng Teacher ko na tila may maganda siyang nagawa.
Madaming mga studyante ang nagsisilabasan sa sari-sarili nilang classroom at karamihan sa kanila ay ngumingiti tuwing nakikita ako na sinusuklian ko naman ng tango at simpleng ngiti.
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na ang office ng Teacher ko at agad naman akong pumasok ngunit hindi ko akalaing sa pagbukas ko ng pinto ay ang pag-ikot ng isang matangkad na lalaki paharap na siyang dahilan para magkatitigan kami.
Siguro nababaliw na ako pero pakiramdam ko dapat kong itali ang lalaking nasa harap ko at itago siya sa lugar na walang makakakita sa kanya.
Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng office ni Ma'am at ang lalaking kanina lang ay nakatayo sa harap ko, ngayon ay nakayakap na sa akin ng mahigpit.
Nagtataka man ay agad ko ding naramdaman ang kakaibang init sa yakap niya.
Na para bang naramdaman ko ng paulit-ulit dati pa?
Pamilyar na init, yun ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal na nakayakap sa akin ang lalaki pero sa hindi malamang dahilan, nagiging komportable na ako sa yakap niya at unti unting nakaramdam ang katawan ko ng kakaibang pagod at kaluwagan sa damdamin ko.
Dahan dahan kong iniangat ang mga kamay ko para yakapin pabalik ang lalaki at hindi man lang nagtataka kung nasaan na ang gamit na hawak hawak ko kanina.
Nang lumapat ang mga kamay ko sa likod niya ay naramdaman ko pa ang kaunting paninigas niya kasabay ang mas mahigpit pang yakap mula sa kanya.
Inihilig ko na din ang ulo ko sa dibdib niya at pinakinggan ang pamilyar na mabilis na pintig ng puso niya.
Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin ko at nagpalamon sa komportableng pakiramdam.
—
" Tsk. Hindi ko naman binalak na mag teacher pero wala akong choice! It's the only way para masubaybayan ko si Stella, para muling pagtagpuin ang landas nilang dalawa. "
" Tsk. Hindi ako guilty pero kasi, sa tingin ko naging harsh ako sa naging ending nilang dalawa? "
" Pero I just stated the fact na hindi lahat ng magkarelasyon mahal ang isa't isa! "
" Grr, kung hindi ba naman ako binubulabog ng konsensya ko, hindi na ako babalik dito! "
" Sa ngayon, wala na akong kailangan pang gawin kundi hayaan silang dalawa sa bawat isa dahil naniniwala ako na kahit sa ikatlo nilang buhay, sila ang para sa isa't isa. "
—
Unti unti ay nagising ang diwa ko at kasabay nito ang mumunting ngiting sumilay sa labi ko, pakiramdam ko ay naging masarap ang tulog ko.
Iminulat ko ang mga mata ko at hindi ko inasahang bubungad sa akin ang isa pang mata na bakas ang kasiyahan doon, wala sa sarili ko namang hinawakan ang mga matang iyon.
Nagbalik ang mga ala-alang nangyari bago ako makatulog at kahit nagtataka, kahit hindi ko kilala ang lalaking kasama ko ay hindi ako nagpanic bagkus ay pakiramdam ko safe ako sa mga bisig niya.
Pakiramdam ko, tama lang na katabi ko siya sa mga oras na ito at dapat ay nasa tabi ko lang siya kahit pa magunaw ang mundong kinalalagyan namin.
" I love you. " Saad niya gamit ang malalim niyang boses kasabay ang panunubig ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.
" Hmm. Aleixis. "
Pakiramdam ko sa buhay na ito, mararamdaman na namin ang tunay na kahulugan ng "pag-ibig".
Sa unang buhay, mapait na buhay ang meron kami.
Sa ikalawang buhay, magkasama kami ngunit kulang.
Ngayon na ikatlo at sa susunod pang mga buhay, magmamahalan kami kahit malawalan kami ng lakas ang buhay.
Sa pagkakataong ito, ikakasal kami ng may tunay na pagmamahal sa isa't isa at magkakaroon ng mga anak na pamamanahan namin ng kahulugan ng tunay na...
" Pag-ibig "
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasiaWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...