Chapter 3

6.3K 293 27
                                    

“ Stella! Tulala ka na naman! ” Puna sa akin ni Gabriella habang naririto kami sa Plaza.

Ang pakay namin ay maggala gala dito lalo na at magsasara na ito bukas. Si Gabriella San Jose ang nag-iisang kaibigan ko at sa kasamaang palad, takas mental ang isang ito pero nagpapasalamat pa din ako na nandyan siya lagi sa tabi ko.

Ako si Stella Mae Conception, isang 19 years old na dalaga. Mag-isa na din ako sa buhay ngunit hindi naman mapait ang buhay na meron ako. Namatay ay mga magulang ko sa isang paglubog ng barko at bilang anak sa akin napunta ang mga kompanya nila na maayos ko namang napalalaki hanggang ngayon.

Sabi nila ay isa daw akong perpektong tao dahil kaya kong gawin yung mga bagay na iilan lang ang may alam sa mundo. Bata pa lamang ako ng malaman ng lahat na may mataas akong IQ at may malakas na pangangatawan kaya naman inilugar ko iyon.

Nag-aral ako ng maaga at nagtapos din ng maaga. Madaling pumapasok sa isip ko ang mga bagay bagay. Nag-aral akong makipaglaban at gumamit ng iba’t ibang uri ng armas. Stick, baril, pana, latigo maging paggamit ng espada at isinabay ko yon sa pagsasayaw ng ballet.

Kaya ko din magluto, kumanta, maglinis at kung ano-ano pa kaya naman ang sabi ng lahat ay isang akong perpektong tao ngunit hindi nila alam na may kakaiba akong sakit hindi ko kayang makadama ng sakit sa physical, hindi ako marunong matakot, hindi ako nakakramdam ng saya at lungkot.

Tinatawag na Flat Affect or Emotional Detachment, isang kondisyon na wala akong nararamdamang kahit anong emosyon at Congenital Insensitivity to Pain na isang disorder na wala ako nararamdang sakit sa katawan mula noong ipinanganak ako kaya naman ginagawa ko lahat ng pwede kung gawin kung saan mapapagod ako at masasaktan ngunit walang umeepekto.

Dahil wala akong emosyon hindi man lang ako umiyak noong kamatayan ng aking magulang at kahit ano mang gawin ko ay wala akong nararamdaman. Sabi ni Gabriella, naiinggit daw siya sa akin dahil wala akong nararamdaman ngunit mas naiinggit ako sa kanya dahil may nararamdaman siya.

Dahil sa sakit kong ito wala akong masyadong kaibigan at ang kumakausap sa akin ay naiiling ngunit hindi naman ako gaya ng ibang karakter sa libro na malamig ang ekspresyon at boses.

Lagi mo lang makikita ang kalmado kong ekspresyon at kalmadong boses pero hindi pa din mapigilan ng iba na mailang lalo na at hindi ako tumatawa at parang lagi akong seryoso sa buhay. Hindi ko naman sila masisisi.

Dahil lagi naman akong mag-isa lalo na pag wala si Gabriella ay natutunan akong ituon ang atensyon sa pagbabasa ng mga kwento sa online. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na, kahit naman wala akong nararamdaman ay nakakagawian ko ng magbasa.

Pero nagbago ang lahat ng iyon ng nabasa ko ang storyang ‘Love Me’ na ang bida ay sina Brielle at Aristotle kung saan si Brielle ay may gusto kay Aristotle kaya naman ginawa niya ang lahat upang makuha niya ang atensyon nito at ng makuha niya ang atensyon nito ay doon din pumasok sa buhay nila si Aleixis na kapatid sa ama ni Aristotle ngunit malupit ang naging buhay niya sa nasabing storya.

Doon na din ako nakaramdam ng pagbabago, kahit papaano ay nakakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang para kay Aleixis. Gusto ko siyang tulungan pero napakalabo noon kaya ang tanging magagawa ko lang ay subaybayan siya sa kwentong iyon.

Ginugugol ko ang oras ko sa pagbabasa at kahit mag update pa ng madaling araw yung author ay agad ko ding binabasa hanggang sa para bang lumalim yung paghanga ko para kay Aleixis, ngayon ko lang ito naramdaman at mukha akong nahihibang para mangarap na makasama si Aleixis na isang kontrabida sa librong ‘Love Me’.

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon