Natapos ang Party kagabi ng hindi ko masyadong namamalayan dahil halos na kay Aleixis lang ang atensyon ko, catch up na ata namin iyon sa loob ng limang taon na natutulog ako sa Hospital.
Tungkol naman kina Don Alejandro at Aristotle, hindi ko namalayan kung kailan sila umalis kagabi at buti na nga lang ay walang nangyaring gulo habang nandito sila.
Bago pa man ako matulog kagabi ay pinuntahan ako ni Daddy at nagkaroon pa kami ng madramang usapan kasabay noon ay ang regalo ni Daddy.
Ayon sa kanya ay papasok din ako sa school na pinapasukan ni Aleixis ngunit mangyayari lang iyon pag nakapagpahinga na ako ng isang linggo.
Napagkasunduan naman namin na wag sasabihin kay Aleixis iyon lalo na at gusto ko siyang sorpresahin.
Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan at kasabay namin si Aleixis dahil absent siya ngayon ang dahilan ay gusto niya daw bumawi dahil wala siya kahapon ng dumating ako galing sa Hospital.
“ Aleixis? I heard you have a friend. ” Saad ko kay Aleixis na binibigyan ako ng gulay sa plato.
“ Hmm. ” Saad niya na para bang maliit na bagay lang iyon kaya napasimangot ako at hindi na ulit siya kinibo ng marinig ko ang pagbuntong hininga niya.
“ Yes I have 3 friends. Oliver, Warren and Joren. ” Saad niya na ikinabalik ng ngiti ko.
“ Really? I’m glad that you made friends! ” Saad ko at nginitian siya ng matamis, sinuklian naman niya iyon ng maliit na ngiti na ikinakuntento ko.
Matapos ng umagahan ay umalis din agad si Daddy dahil may mahalaga pa daw siyang aasikasuhin na siyang naintindihan ko naman lalo na at halos buong maghapon ay kasa-kasama ko siya sa Hospital mula noong pagkagising ko.
Kami naman ni Aleixis ay muling nakatambay sa Garden na siyang pinagtatambayan namin dati pa.
Dito ay walang nagbago maliban nalang siguro sa mga dumagdag na halaman at ang maliit na kwarto noon ay malaki na ngayon.
“ Aleixis… ” Tawag ko sa kanya habang nakatanaw kami sa paligid.
“ Don’t ignore me again, okay? ” Saad ko sa kanya.
“ Hmmm.. ” Saad niya ngunit muli akong nagsalita.
“ You can tell me anything and I’ll give you all my best so you better stay with me. Alright? ” Saad ko na ikinatingin niya na wari ay nagtatanong kung ano ang mga pinagsasasabi ko.
“ J-just, don’t ignore me again or leave me. I-I can’t bear it. ” Saad ko at napayuko.
Saka ko lang napansin na nanginginig na pala ang kamay ko kaya naman nagtataka na din ako ngunit bigla akong nakaramdam ng mainit na yakap maging ang mahinang pagtapik ni Aleixis sa likod ko.
Nanigas ako sa kinalalagyan ko ngunit ilang saglit pa ay naging komportable ako at mas isiniksik pa sa leeg niya ang mukha ko saka pinalibot ang sarilingmga braso sa bewang niya.
“ Don’t leave me… ” Bulong ko.
“ I promise. ” Saad niya na ikinabuntong hininga ko.
Relief…
Habang dinadama ang init ng katawan ni Aleixis ay nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at muling dinamdam ang init na nagmumula sa yakap ni Aleixis.
Nangako siya na hinding hindi niya ako iiwan at sisiguraduhin kong hindi niya ako iiwan.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...