Chapter 1

8.1K 315 11
                                    

THE END.

Hindi ko mapigilang manghinayang sa kwentong dalawang taon ko ng sinusubaybayan. Hindi ako nanghihinayang dahil tapos na ang storya pero napapaiyak ako sa maging katapusan ni Aleixis, ang kontrabida ng kwento at isa din male lead ng storya.

Nakakatawa hindi ba? Dahil hindi ang mga bida ang kinahuhumalingan ko sa kwentong ito, kundi ang kontrabidang si Dashiel Aleixis Cresente. Ang kontrabidang lumaki ng mag isa at nakadepende sa paggawa ng kasamaan para lamang makuha ang gusto niya.

Dalawang taon mula ng makilala ko ang karakter niya at hanga naman talaga ako sa author ng kwento dahil detalyadong detalyado ang mga pangyayari kahit sa buhay ng kontrabidang si Aleixis.

Si Aleixis ay isang hindi inaasahang anak ni Don Alejandro na bunga ng pagsasamantala nito sa isang dalagang katulong sa Mansion nila.

Ngunit ng malaman ni Don Alejandro na nagdadalang tao ang ina ni Aleixis ay sinubukan niya itong patayin ngunit tumakas ang ina ni Aleixis.

Namuhay ito malayo sa syudad ngunit di kalaunan ay pumanaw din sa panganganak. Lumaking mag-isa si Aleixis sa tulong na din ng kaibigan ng kaniyang ina ngunit tumakas siya ng balak siya nitong ipaampon sa isang pamilya.

Tumakas siya dahil may pangarap siya, pangarap niyang hanapin ang kanyang ama. Kahit sa murang edad ay nagtataglay siya ng kakaibang talino kaya naman kahit isang paslit ay kinaya niyang mabuhay mag-isa sa mundo ngunit isang araw ay nadakip siya ng isang grupo.

Ang grupong ito ay nangunguha ng bata at pagkatapos ay ibebenta. Matalino man ay isa pa din siyang bata kaya naman wala siyang kalaban laban sa mga ito. Sa lugar na pinagdalhan sa kanila hindi niya alam na nakuha din si Aristotle na nag-iisang anak ni Don Alejandro.

Akala niya noon ay katapusan na niya ngunit biglang nagsidatingan ang mga pulis. Nasa isang sulok siya noon ng may mag-abot ng kamay sa kanya at sa pagtaas ng mga mata niya, sumalubong ang isang napaka pamilyar na mukha.

Ang mukhang nasa litrato na nakita niya sa gamit ng kanyang ina na pinaniniwalaan niyang ito ang kanyang ama. Dahil sa nararamdaman na emosyon ay napayakap siya dito ngunit hindi niya akalaing kumawala ito sa yakap niya at yumakap sa isang bata.

Matapos ng pangyayari ay sinubukan niyang kausapin ang kanyang ama at ng ipakita niya ang litrato ng kanyang ina ay bigla na lamang siya nitong ipagtatabuyan at sinabihang wag ng babalik pa ngunit naniniwala pa din siyang mahal siya ng kanyang ama kaya naman ginawa niya ang lahat upang makalapit siya dito.

Pero ganon na lamang kalupit ang mundo sa kanya ng mapagtanto niya na ang ama niya ay basura lamang ang tingin sa kanya, sa kanya na dugo at laman nito.

Ilang taon ang lumipas at madaming nagbago, hindi na siya ang Aleixis na ginagawa ang lahat upang makuha ang atensyon ng ama ngunit hindi nga ba?

Sa edad na labing dalawa natuto siyang magnakaw para may makain. Sa Edad na labing lima, natuto siyang pumatay at pumasok sa isang grupo na may kaugnayan sa Underground.

Sa edad na labing siyam mataas na ang ranggo niya sa nasabing lugar kaya naman kumilos na din siya upang hamakin si Aristotle at doon niya na rin nakilala si Brielle, ang babaeng kalaunan ay kinahumalingan niya.

Ginawa niya lahat para mapansin siya ni Brielle ngunit talagang hindi pumapayag ang tadhana na lumigaya siya dahil ang babaeng iniibig niya ay may iba ng mahal at iyon ay si Aristotle na karibal niya.

Hindi niya ito matanggap lalo na at kahit anong gawin niya ay hindi man lang nagbibigay ng tingin sa kanya si Brielle. Sa panahon na iyon ay matinding emosyon na din ang nararamdaman niya at nakagawa siya ng kasalanan, hindi niya sinasadyang patayin ang ina ni Aristotle na asawa rin ni Don Alejandro.

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon