Chapter 11

5.2K 304 7
                                    

Madilim na at malalim na ang gabi, matapos sumang-ayon ni Aleixis sa plano ni Daddy ay agad kaming pina-asikaso sa mga katulong para maglinis ng katawan at kumain.

May iilan-ilan din kaming sugat na agad din namang nilapatan ng gamot. Pinaliwanag din sa amin ni Daddy na babalik na kami sa England dahil doon pala kami tunay na nakatira at naririto lang sa Pilipinas dahil binisita ang libingan ni Mommy.

Namatay ang Mommy ni Stella noong pinanganak siya at dito inilibing dahil isang purong Pilipina ang Mommy niya, napaaga ang pagbalik namin sa England hindi lang dahil sa nangyaring kidnap dahil gusto na akong ipatingin ni Daddy sa personal kong Doctor lalo na at nakakapagsalita na ako at hindi na daw laging blangko ang ekspresyon ko.

Ngayong gabi nasa sariling kwarto ako at nasa isang guest room naman si Aleixis.

Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa hinaharap pero siguradong mag iiba na ang takbo ng pangyayari lalo na at mailalayo ko na si Aleixis na bansa at ibabalik ko nalang siya sa oras na kaya na niyang harapin ang lahat dahil hindi pwedeng laging tatakbuhan lahat ng problema.

Patay na kaya ako sa tunay kong mundo? Pero paano naman ako napadpad dito sa mundong ito? Narinig kaya ng langit ang dasal ko?

Napabuntong hininga nalang ako at saka ipinikit ang mga mata. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog at naiinis na bumangon.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha at uminom ng gatas sa kusina. Pababa na dapat ako ng makarinig ng kakaibang ingay at dinala ako noon sa harap ng kwartong kinalalagyan ni Aleixis.

Sinubukan kong kumatok at tawin ang pangalan niya pero mukhang hindi niya ako naririnig kaya naman binuksan ko na ang pintuan ng kwarto niya.

Bumungad sa akin ang madilim na paligid ngunit tanaw ko pa din ang katawan ni Aleixis na nasa kama at paiba-iba ang posisyon niya.

Narinig ko siyang humihingal kaya namna nilapitan ko na siya at binuksan ang lamp na nasa gilid at doon ko nalaman na tulog pala siya ngunit pinagpapawisan siya at lukot na lukot ang mukha.

Naalarma naman ako sa itsura niya kaya agad akong sumampa sa kama at niyugyog siya upang gisingin.

“ A-aleixis… X-xis… W-wake u-up.. ” Kahit nahihirapang magsalita ay pilit ko siyang tinatawag ngunit sadyang malalaim ang tulog niya kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.

Akmang bababa ako para tumawag ng tulong ngunit agad ding napatigil ng malaman na mahigpit na nakakapit sa mga kamay ko si Aleixis at kahit anong hila ko ay hindi ako makawala kaya naman….

“ S-shh.. I-I’m h-here… D-don’t w-w-worry… ” Bulong ko habang sinusuklay ang buhok niya.

Paulit ulit ko iyon ginawa hanggang sa naging mahinahon na ang paghinga niya ngunit mahigpit pa din ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nakakaramdam na din ako ng antok kaya naman wala akong ibang magawa kundi ang humiga sa tabi niya.

Sinigurado kong may unan na nakaharang sa gitna namin at paulit ulit na sinabihan ang sarili na maagang gumising dahil baka kung anong maging reaksyon ni Aleixis pag nakita niya akong katabi bukas.

Unti unti nang bumigat ang mga mata ko at nang makahanap ng komportableng posisyon ay hinayaan ko nang tangayin ako ng antok hanggang sa tuluyang napunta ang diwa sa panaginip.

Hindi ko alam na matapos kong isara ang talukap ng mata ko ay ang siyang pagdilat ng mga mata ng katabi ko at ang paghigpit lalo ng pagkakahawak sa kamay ko bago ito muling pumikit.

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon