Chapter 28

3.9K 191 6
                                    

" You're saying the my daughter was obsessed to Aleixis? " Hindi makapaniwalang tanong ng Ama ni Stella na siyang ikinatango naman ng Doctor.

Sino bang hindi magugulat kung malalaman mo na ang anak mo ay obsess sa isang tao, at hindi lang basta-bastang isang tao kundi ito ay ang batang kinupkop niya ayon sa kagustuhan na rin ni Stella.

Matapos tignan ng Doctor si Stella ay agad rin itong umalis dahil may aasikasuhin pa ito.

Pumasok naman ang Ama ni Stella sa kwarto ng anak at nadatnan niya si Aleixis na nakaupo sa tabi ni Stella. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya.

Pinanganak si Stella na siyang kasabay ng kamatayan ng kanyang asawa, idagdag mo pa na may karamdaman ang anak niya.

Hindi ito nakakaramdam ng sakit at emosyon, inakala rin niyang hindi ito marunong magsalita ngunit nang iligtas niya ito sa pagkakadukot sa kanya ay nagbago ito lalo na ng dahil kay Aleixis.

Nagsimula na itong magsalita at magpakita ng emosyon kahit na wala naman talaga itong nararamdaman na kahit ano.

Nang malaman niya na nalaglag sa hagdanan si Stella, halos atakihin na siya sa puso lalo na noong ma-comatose ito ngunit matapos ang limang taon, muli itong nagmulat ng mata at sa mga araw na nagdadaan kita niya ang pagiging malapit nito kay Aleixis, kay Aleixis na ito dumedepende at hindi mawala ang pag-aalala niya dahil doon.

Hanggang sa nalaman niya na nakapatay ang anak niya at hindi lamang ito normal na pagpatay lalo na at brutal na pinatay ang babae.

Hindi niya inaakala na magagawa iyon ng sariling anak hanggang sa ipinatingin na niya ito sa Doctor at lumalabas nga na obsess ang kaisa-isa niyang anak kay Aleixis.

Hindi niya alam kung dapat na ba siyang malungkot, mag-alala o maging masaya para sa kaisa-isang anak.

Malungkot dahil baka ganon kalungkot ang anak niya at kailangan pang dumepende sa iba, mag-alala dahil maaaring mas lumala pa ang magagawa ng anak sa oras na may mangyari ulit o magiging masaya dahil sa wakas may iba ng sasandalan ang anak niya bukod sa kanya.

Pero bilang isang magulang naiipit siya sa kung ano ang mas makakabuti sa anak niya. Gusto niyang maging masaya ang anak niya pero maaaring may magawa lamang itong hindi maganda.

Muli niyang pinagmasdan ang anak at iniisip ang mga bagay na maaaring mangyari sa hinaharap.

Kailangan niyang mas isipin ang ikabubuti ng anak niya at saka niya doon ibibigay ang kaligayahan nito ngunit hindi pa ngayon.

Nagtama naman ang tingin nila ni Aleixis, siguro ay magiging maayos din ang lahat sa hinaharap.

Stella's POV

Iminulat ko ang mga mata ko at puting kisame agad ang bumungad sa akin, agad akong nataranta lalo na at iba ang kulay ng kisame ng kwarto ko.

Agad akong napabangon at tinignan ang paligid saka ko napatunayan na wala ako sa kwarto ko lalo na at lahat ng gamit sa kwartong ito ay puti at walang ibang gamit kundi kama, lamesa, upuan at cabinet.

Where am I?

Napagtanto ko din na walang bintana kahit saan at nakasuot ako ng isang patient gown sa mga hospital. Napatingin nalang ako sa pintuan ng kwarto ng magbukas iyon at pumasok si Daddy.

" Daddy? Where am I? " Tanong ko at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

" I'm sorry sweety but this is all for you. " Saad niya at kita ko ang luhang dumaloy sa pisngi niya.

" What? I don't understand you Daddy. " Saad ko at kasabay nito ang pagpasok ng mga tao sa kwarto, para silang nurse dito.

Nagsimula silang lumapit sa akin at sa pagtataka ay napilitan akong humakbang palayo sa kanila, napatingin naman ako sa injection na hawak ng isang nurse at may gamot siya na inilagay dito.

" What's happening Daddy? What am I doing here? And where is Aleixis? " Tanong ko ngunit hindi ako sinagot ni Daddy at nginitian lang ng malungkot.

" I'll wait for you okay? We will wait for you. " Saad niya at tumalikod saka ako iniwan.

Hindi na ako nakapalag ng hawakan nila ang mga braso ko at kita ko kung paano nila itinurok sa akin ang injection.

Wala akong naramdaman na kahit ano ngunit ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyang nagdilim ang paligid.

Still.. where am I?

Where are you Aleixis?

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon