Nakatingin lang si Aleixis sa kanila at tila ba hindi nito nakikilala si Don Alejandro. Hindi ba ang sinabi sa libro ay agad na nakilala ni Aleixis ang kanyang ama?
Ngunit bakit parang baliwala lang sa kaniya ang nakikita niya?
Napabalik ang tingin ko sa malaking pintuan ng may mga pumasok ditong mga nakaitim at halatang delikado sila.
Kasunod nila ay isang lalaki at pamilyar ang mukha nito. Nagkatama ang paningin namin at kita ko ang nag-uumapaw na pag-aalala at pagmamahal sa mga mata nito.
Dali-dali itong bumaba at sa isang iglap ay buhat buhat na ako nito. Mahigpit siyang nakayakap sa akin.
Base sa ala-ala ko ay siya ang ama ng totoong may ari ng katawan na ito. Kilala siya sa larangan ng negosyo at mapagmahal na ama kay Stella lalo na at may sakit ito at nag-iisang anak.
“ Baby?! Are you okay?! Did they hurt you? Tell me! ” Saad niya at ilang beses akong pinaikot ikot ng ibaba niya ako sa sahig.
Umiling ako sa kanya at niyakap siya para sabihing ayos lang ako. Hindi naman pwedeng basta basta na lamang akong magsalita lalo na at ang alam ng lahat ay pipe ako.
Niyakap naman niya ako pabalik at binuhat, doon ko na tinignan si Aleixis at ng makitang papaalis siya ay naglikot na ako sa kamay ng Ama ko at mukhang nakuha nitong gusto kong bumaba kay naman ibinaba ako nito at nagtatakang tinignan.
Narito na ako sa libro at alam ko na ang katauhan ko kaya naman may kakayahan na akong baguhin ang buhay ni Aleixis.
Mabilis akong tumakbo na ikinagulat ng ama ko at dali-daling inutusan ang mga lalaking kasama niya na habulin ako. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa maabot ko siya.
Napatigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Wala pa ding emosyon ang mukha nito na nakatingin sa akin.
Nagtitinginan lang kami ng biglang dumating na ang mga kasama ng Ama ko at kasunod nila ang Ama ko.
“ Baby? Don’t casually run, okay? It’s dangerous here, alright? ” Saad nito na hindi ko pinansin at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ni Aleixis ng sinubukan niyang umalis.
“ What? ” Tanong nito na ikinagulat ko, malamig ang boses nito at marunong mag english?
Hindi ba ay hindi din siya nakapag-aral bago makuha nag mga masasamng tao na iyon?
“ W-what? ” Gulat na tanong ng Ama ko at nanginginig ang boses nito na hindi ko nalang pinansin.
“ C-c-come w-w-w-with m-m-m-e. ” Saad ko at nakarinig ako ng malakas na pagsinghap sa likod.
Halatang hindi nagsasalita ang dating Stella dahil na din sa pakiramdam ko sobrang tuyo ng lalamunan ko.
Bigla naman akong napaharap sa Ama ko ng pihitin niya ako paharap sa kanya.
Nanginginig niyang hinawakan ang mukha ko at kita ko ang pagdaloy ng luha niya mula sa mata.
“ B-baby.. Y-you t-talk. ” Saad niya na ikinatango ko ngunit hinila si Aleixis at nagmamakaawang tumingin sa Ama ko.
“ H-h-he c-c-come, u-us. ” Saad ko na lalo namang ikinagulat ng Ama ko at kita ko ang paglingon sa akin ni Aleixis kaya naman hinarap ko siya at ngumiti na ikinasinghap ng Ama ko.
“ S-s-stay w-with m-me. ” Saad ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.
Gagawin ko ang lahat para baguhin ang tadhana mo Aleixis, pangako.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasíaWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...