Chapter 40

3.7K 184 21
                                    

Third Person's POV

Iling iling na lumabas si Stella at naisip ang nangyari nitong mga nakalipas na araw.

Habang nagpliligpit siya ng mga daga ay hindi niya akalaing matutunton na agad ni Aleixis ang kinalalagyan niya at nagpadaka ng mga tao.

Hindi din naman siya nagkamali na may mga sumugod din sa bahay na tinitirahan nila, mabuti nalamang at nandoon si Aleixis upang protektahan ang Daddy niya.

Nang makauwi siya ay may natamo siyang tama sa balikat at namalayan nalang niya pagkagising niya na nagsimula nang kumilos si Aleixis.

Lumipat sila sa isang tagong bahay at hindi siya hinayaan na makisali ni Aleixis, wala naman siyang magagawa kundi pumayag nalang para na din sa kalagayan ng Daddy niya.

Ngunit hindi naman siya nanatiling tahimik at bilang isang hacker ay pinasok niya ang system ng mga Quino, ang pamilya nina Oliver habang si Aleixis naman ay pumunta sa bansang iyon para harapin ng personal si Quino.

Pinagbagsak niya ang mga main businesses nito at binigyan ng tip ang mga opisyal tungkol sa mga iligal na baril nakinakarga ng pamilyang Quino.

Isang tahimik na labanan ngunit madaming buhay ang nadadamay at isa na dito si Aristotle.

Hindi naman ginusto ni Aristotle na makasali sa gulong kinasasabitan ng ama niya ngunit bilang nag-iisang anak ay madadawit at madadawit siya kaya naman para sa kaligtasan niya at ng babaeng minamahal niya ay sinubukan niyang lumapit sa isang taong alam niyang matutulungan siya, sa Prinsesa ng Hararia.

Pero hindi din pala siya nito matutulungan, bago pa man siya humingi ng tulong ay alam niyang masama ang magiging resulta lalo na at may napapansin siya nitong mga nakaraang araw ngunit pinili niyang magbakasakali  ngunit nabigo din siya.

Hindi niya akalain na ang dahilan ng pagtanggi na ito ay hindi dahil sa kanyang ama, kundi dahil sa babaeng iniibig niya, dahil kay Brielle.

Nang mga nakalipas na araw ay lagi na itong abala at nahuhuli pa niya itong may kausap sa cellphone tuwing gabi o di kaya ay pag hindi nito alam na nandoon siya.

Inakala niya na may iba na itong mahal ngunit nagbago iyon ng sundan niya ito at nakipagkita lang ito sa kanyang ama.

Hindi na niya ito inisip pa lalo na at iba na ang iniisip niya ngunit talagang hindi niya matatambuhan ang reyalidad.

Na ang babaeng mahal niya ang isang espiya ng kanyang ama.

Sa kabilang banda naman ng mundo ay nakaupo sa isang one sitter si Aleixis habang nasa harapan naman niya ang labing limang matatandang lalaki na may mga nakatutok na baril sa mga ulo nito.

Kararating lamang niya at buti na lamang ay hindi pa nagsisimula ang meeting ng mga kalaban nila na halata namang ikinagulat ang pagdating niya.

Kita niyang namumutla at namamawis ang mga ito ngunit hindi niya iyon pinansin at sumenyas sa isang guard na ikinatango naman nito.

Hindi nagtagal ay pumasok ang dalawang lalaki at akay akay nila ang isa pang tao na may sako sa ulo ngunit lalong ikinamutla ng lahat ng dugo sa katawan nito at ang mga dugong tumutulo sa dinadaanan nito.

Nagulat naman sila ng isampa ng mga lalaki ang katawan na iyon sa malaking lamesa at di sinasadyang natanggal ang sako sa ulo nito.

Sari-saring singhap ang namutawi sa kwarto at ang iba ay tila tinanggalan at naubusan ng dugo sa sobrang pamumutla.

Hindi naman makapaniwalang tumingin si Don Alejandro sa binatang kasing edad lang ng anak niyang duwag, kahit na may nararamdaman siyang pangamba at takot at humanga siya sa binatang nasa harapan niya at sana ay ito nalang ang anak niya.

Ramdam naman ni Aleixis ang titig ng isang tao sa kanya kaya naman tinitigan niya iyon at nakita ang isang pamilyar na matandang lalaki at may humahangang ekspresyon sa mukha kahit na may nangyayari ngayon na siguradong hindi nito ikakatuwa.

Nasa huli nga ika ang pagsisisi.

Habang ang lalaking nakasampa sa malaking lamesa ay duguan at hindi mo malalaman kung buhay pa ba ito o hindi ngunit maniwala kayo na kahit matapos ang pagpaparusa kay Mikael Quino ay humihinga pa siya ngunit hindi natin masasabi kung nasa tamang pag-iisip pa ba siya lalo na kung paulit ulit pinanood sa kanya kung paano gahasain sa harap niya ang nag-iisang anak na lalaki na si Oliver maging ang kanyang asawa na mukhang inenjoy pa ang panggagahasang iyon.

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon