Chapter 6

5.5K 301 3
                                    

Nagkatitigan lang kaming dalawa at hindi ko mapigilang malunod sa mga mata niya na kahit walang emosyon ay tila nahuhulog pa rin ako sa mga ito.

Naputol ang pagtititigan namin ng biglang may pumasok sa loob ng silid na kinalalagyan namin.

Pinagmasdan ko sila ng mabuti masasabi mo agad na masasamang tao sila, itsura palang ng mukha at maging ang mga suot nilang damit.

“ Madami tayong nakuha, siguradong may bonus tayo galing kay Boss. ” Saad ng isang lalaki na ikinatawa naman ng tatlong lalaki pang kasama nito.

“ Siguradong kikita tayo ng malaki lalo na at maraming babae at malulusog na bata tayong nakuha. Alam mo namang gustong-gusto ng mga customer ang mga batang babae. ” Saad ng lalaki at napatingin ito sa direksyon ko.

“ Lalo na ang batang iyon! Napakaganda at ang kinis kinis ng balat! Napakalusog din, halatang inaalaagang mabuti. ” Saad nito at napatingin naman sakin ang mga lalaki.

Lumawak ang ngiti ng mga ito na tila nanalo sa premyo lalo ang ang lalaking nagdala at nagkulong sa akin dito.

“ Ako ang nakakuha dyan! ” Pagmamalaki nito sa mga kasamahan niya at kita ko ang galak at excitement sa mukha niya.

“ Napakaganda niya! Mukha syang porener! ” Saad ng isa na lalo namang ikinatuwa ng lalaking nakakuha sa akin.

Wala naman akong naging reaksyon sa mga pinagsasabi nito mukhang pati dito ay nadala ko ang sakit kong Emotional Detachment  pero hindi ko alam kung nadala ko din ang isa ko pang sakit na hindi nakakaramdam ng pisikal na sakit.

Hindi ko nalang sila pinansin at tinitigan si Aleixis, nakatingin ito sa mga lalaki ngunit walang emosyon sa mukha niya.

Ano ba ang mga pinagdaanan niya bago siya mapunta sa ganitong sitwasyon?

Mukha namang napansin nito ang tingin ko kaya tumingin siya sa akin.

Nagakatitigan lang kami hanggang sa napansin kong lumabas na pala yung mga lalaki kanina.

Umiwas na ng tingin si Aleixis kaya naman umiwas na din ako at saka tinignan ang paligid.

Totoo ngang madaming mga batang babaeng nandidito at sinabi nilang mabenta ang mga batang babae.

Lahat ng madadaanan ng mata ko ay bigla nalang iiwas ng tingin, ang ilan sa kanila ay umiiyak pa.

Naalala ko ang nangyari sa libro, bago pa man tuluyang matapos ang auction ng mga bata ay dumating na ang mga pulis kasama ang ama ni Aristotle at doon din nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Aleixis.

Gusto ko itong pigilan pero papaano? Lalo na at miski ako ay hindi ko kilala ang sarili ko? Kung nasaang katawan ba ako.

Muli akong lumingon kay Aleixis at nakitang kong ipinikit niya ang mga mata niya at sumandal sa kulungang kinalalagyan niya. Ginaya ko nalang siya at nag-isip isip.

Napahawak nalang ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot at tila tubig na umagos sa isipan ko ang mga ala-alang nasisigurado kong hindi sa akin.

Ito ay mga ala-ala ng tunay na may-ari ng katawan, sigurado ako doon.

Base sa ala-alang nakita ko, napakaswerte nga ng lalaking nakakakuha sa akin dahil paniguradong maibebenta ako ng malaki dahil napakagandang bata ng naman ng katawang kinalalagyan ko at ang nakakatuwa parehas pa kaming dalawa ng pangalan at kapansanan pero mas malala ang kanya.

Stella Mae Hararia, 7 years old,  mayroong Emotional Detachment at Congenital Insensitivity of Pain.

Ngunit akala ng lahat ay wala siyang kakayahang makapagsalita dahil miski ang mga magulang niya ay hindi niya kinakausap.

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon