Chapter 29

4K 235 28
                                    

May Doctor na laging pumupunta dito at kung kadalasan ay may mga nurse na nagdadala sa akin ng gamot at pinipilit akong inumin iyon kaya wala akong magawa kundi inumin iyon.

May mga pinapasagutan din sila sa akin gaya ng 'Who's your favorite person?' ang sagot ko lang naman doon ay sina Daddy at Aleixis, kung sino ang una kong kaibigan ay si Aleixis ang isinagot ko doon dahil totoo naman, kung sino ang gusto kong makasama sa habang buhay ay sina Daddy at Aleixis ang sagot ko doon, kung sino daw ang gusto kong manatili sa tabi ko ang sagot ko ay sina Daddy at Aleixis pero nung ang tanong ay kung sino ang gusto kong protektahan, si Aleixis ang sinagot ko dahil kaya lang naman ako nandito ay para sa kanya.

Nandito ako dahil naniniwala akong ako ang makakapagpabago ng mapait niyang hinaharap. At gagawin ko ang lahat para mag iba ang takbo ng kapalaran niya.

Nitong mga nakaraang araw ay si Aleixis ang laman ng usapan namin ng mga Doctor at sigurado akong may kinalaman ito kay Aleixis.

Hanggang ngayon din ay wala akong kaalam alam kung ano ang nangyari noong araw na iyon, noong nagkayayaan ng inuman at sa pagmulat ng mata ko ay nasa isang garahe na ako at nababalutan ng pulang pintura.

Kahit naman ngayon ay hindi ko pa din alam kung nasasaan ako o kung bakit ako nandito pero ang masasabi ko lang ay isa akong pasyente.

May mga ideyang pumapasok sa isip ko tingkol sa kung nasaan ako ngayon pero kulang pa oyon para masiguro kong nasa isa akong Psychiatric Rehabilitation Center.

Nagpatuloy ang mga araw at ganon ang naging ganong ang pang-araw araw na gawain ko.

Hindi ako lumalabas ng kwarto at hindi din naman nila ako pinipilit kaya naman para maiwasan ang boredom ay humihingi ako sa kanila ng libro kaya naman ang walang kalaman laman kong kwarto ay puno ng iba't ibang libro at nahilig din ako sa pagpipinta kaya naman mayroon din makikitang mga painting sa kwarto ko.

Sa bawat araw na nalipas wala namang nagbabago maliban nalang siguro na hindi ko ramdam ang presensya nina Daddy lalo na ni Aleixis.

Hindi ko alam kung bakit nga nila ako pinadala sa lugar na ito kung saan karamihan ay may sakit sa utak pero aalamin ko iyon sa oras na makalabas ako dito.

Ang mga araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan hanggang sa tatlong taon na ang nakalipas at ramdam ko ang lalong paghigpit ng pag oobserba nila sa akin at wala naman akong ibang ginawa kundi sumabay sa kanila dahil kung hindi, pare-parehas lang din naman kaming mahihirapan.

Sa loob ng tatlong taon masasabi kong kahit na mag-isa lang ako ay naging maayos ang mga araw na iyon lalo na at mag-isa naman talaga ako sa tunay na mundo kaya hindi na bago iyon sa akin.

Wala ding naging pagdalaw mula kina Daddy o kay Aleixis at anv pangalang Aleixis ay bihira ko nalang masambit pero kadalasan, nanggagaling sa Doctor ang pangalang iyon.

Hanggang ngayon nahihiwagaanbpa din ako kung bakit ako nandito pero mukhang may nangyayari na hindi ko alam.

Isa pa, sa loob ng tatlong taon ay wala akong emosyon na naramdaman dahil na din wala naman dito si Aleixis kaya naman pakiramdam ko ay naging si Stella ako, ang tunay na Stella na walang emosyon na pinapakita.

Sa tatlong taon ay hindi lang ang ekspresyon ko ang nagbago. Nasa legal age na ako, 18 years old na ako kaya naman mukha na akong 18 years old.

Ganap ng dalaga at naging iba na din ang hugis ng katawan ko at naging hulma nito. Lalo ding naging maputi ang balat ko lalo na at hindi ako nasinagan ng araw kahit na isang beses lang.

Hanggang sa dumating na yung araw kung saan hindi na patient gown ang suot ko kundi isang asul na bistida at handa na akong lumabas sa lugar na ito.

Handa na akong harapin ang panibagong kabanata mg buhay ko at handa na akong ipagpatuloy ang plano ko para tuluyang ilihis ang tadhanang itinakda kay Aleixis.

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon