Kinabukasan ay nagsimula na akong kumilos, hindi ko pa din alam kung nasaan sina Daddy ngayon pero hindi na problema sa akin na hanapin sila lalo na at may pera ako ngayon at kung sakaling kulangin ito ay madaming paraan para muli akong magkapera.
Lumabas ako ng Hotel at nag ikot ikot, hindi ko alam ang hinahanap ko pero hindi naman ako mapakali kung mananatili lang ako sa isang lugar.
Nagpunta ako sa isang sikat na Agency at naghire ng tatlong investigator para ipahanap sina Daddy at Aleixis.
Habang pinapahanap ko sila ay gumagawa din ako ng paraan para hanapin sila. Hindi ko alam kung nasaan sila o kung ano ang kalagayan nila pero sana ayos lang sila, nang dahil sa akin kaya sila nagkaganito at kailangan kong bumawi sa lahat.
Habang naghahanap sa kanila ay gumagawa na din ako ng pera, nag iinvest sa mga maliliit na kompanya na may potensyal na lumago.
Nag invest din ako sa mga business na nasa underground at siguradong lalaki din iyon, kailangan lang maging matiyaga sa panahon. Nagpupunta din ako sa mga casino at nananalo ako ng malaki.
Malaki ang pera na naipon ko pero hindi pa din iyon sapat, kung sakaling lugmok ang kinalalagyan ni Daddy, malaking pera ang kailangan para muling makaunlad at bumalik ang lahat lahat sa dapat nitong kalagyan.
At hindi ako magdadalawang isip na gastusin ang lahat para doon dahil hindi kami ang main character ng mundong ito at walang cheat para sa mga extra na gaya namin.
Lumipas ilang linggo ngunit wala pa din akong balita sa kanila, naghire ako ng mas maraming maghahanap pero walang nagtatagumpay sa kanika hanggang sa naglalakad lakad ako pauwi sa isang eskinita ng makakita ng isang mukha, isang mukha na muntik ko ng makalimutan, at hindi ko akalaing makakatagpo ko ngayon.
Ang babaeng bida ng librong ito si Brielle. Gaya ng sabi sa libro ay talagang maganda siya at hindi ako makapaniwala na makitang puro ang itsura niya na parang walang bahid na kasamaan ng mundo.
Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at pantalon habang may bitbit na mga plastik ng pagkain.
Bahagya siyang lumingon kaya naman napatago ako pero kita ko ang ningning ng mata niya maging ang malapad na ngiti sa labi niya.
Muli siyang tumalikod at hindi ko alam pero sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang gubat pero sinundan ko lang siya, matagal tagal at mahaba haba ang nilakad namin hanggang sa tumambad sa amin ang isang dalawang palapag na bahay.
Halatang luma pero matibay ang gusali nito, hindi mo din aakalain na may bahay palang nakatayo sa isang masukal na gubat.
Pinanood ko siyang tumayo sa harap ng pinto at inayos pa ang sarili bago kumatok sa pintuan, ilang beses niya iyong inulit at maya maya pa ay nagbukas iyon.
Hindi ko kita kung sino ang nagbukas ng pinto pero mukhang nag uusap pa sila at ayaw papasukin ng tao saloob si Brielle pero sa huli nakapasok siya at bago magsara ang pinto nakita ko ang isang pamilyar na pamilyar na mukha.
Sa loob ng tatlong taon, maraming emosyon ang naramdaman ko.
Masaya, nagulat, malungkot, pagtataka, at sakit.
Kita ko kung paano pagbuksan ni Aleixis ng pintuan si Brielle at pinasok sa bahay na iyon bago muling isara ang pintuan.
What the hell happened while I'm gone?
How? Paano sila nagkita? Paano nagtagpo ang tadhana nila?
Talaga bang malakas ang hatak ng tadhana at kahit matapos ng mga ginawa ko ay dila pa din ang magkakatuluyan?
Napahawak nalang ako sa mukha ko ng makaramdam ng mainit na tubig na dumadaloy mula sa mga mata ko.
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso ko. Para akong nasasaktan pero bakit ako masasaktan?
I'm here to save Aleixis from his fate and Brielle was one of those people who brought his tragedy by not choosing him but… now she's choosing him. It means Aleixis fate will not be sad again right?
But why do I feel like killing that girl?
Nanatili ako doon at madilim na ang lahat ng makita kong mukhang nagbukas ang pintuan at lumabas si Brielle.
Hindi gaano kadilim kaya naman kitang kita ko ang malawak na ngiti sa labi niya at nagpipigil akong burahin ang ngiting iyon salabi niya.
Umalis na siya kaya naman napabalik ang buong atensyon ko sa bahay na iyon, walang bukas na kahit na anong ilaw malibas sa isang kwarto sa taas. Naririto si Aleixis at may posibilidad na nandito din si Daddy.
Pumunta ako sa harap ng mismong bahay at nag isip kung paano ako mismo papasok hanggang sa makita ko ang isang bukas na bintana sa isang gilid at gamit ang malapit na puno ay inakyat ko iyon.
Pagkapasok ko at narinig ko agad ang isang tunog mula sa isang machine at pagharap ko at nanlamig ako ng makita ang isang pamilyar na mukha.
Gusto kong maiyak pero wala akong nararamdaman na emosyon, lunod ako sa mga iniisip ko at hindi ko namalayan na may iba na palang tao sa kwarto.
" And who are you? "
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasyWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...