Aleixis
Sa loob ng dalawang linggo muli ko na namang nakatagpo ang itim niyang mga mata.
Walang emosyon sa mukha niya ngunit sa mata niya, nakikita ko ang galak doon, pangungulila at munting kalungkutan pero sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon, kumurba ang mga labi niya na tanging ako lang ang nakakakita.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko habang ang mga mata ay nakatutok kay Aleixis.
Sobrang saya ko, sa sobrang saya ay nararamdaman ko ang pamilyar na pakiramdam kung saan nag-iinit ang parehas kong pisngi.
Gumalaw siya at lumapit sa akin. Saka napansin na malaki na talaga ang ipinagbago niya, hindi na siya ang batang lalaki noon na sobrang payat at maliit.
Ngayon ay kahit 13 years old palang siya ay sobrang tangkad na niya sa akin, hanggang balikat niya lang ako at saktong sakto sa kanya ng formal suit na suot suot niya.
“ Aleixis… ” Tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot at inialok lang ang kamay niya na agad ko namang tinanggap.
May ngiti sa labing humarap ako sa mga taong nakatingin sa amin at gaya ng hinala ko maraming dumalo.
Lahat ng bisita ay halatang hindi basta basta lamang at sigurado akong may mga mataas na katungkulan sila.
Halata ba naman kasi na malaki ang halaga ng mga suot suot nila lalo na at para ba silang nagpapayabangan ng mga alahas na suot suot nila.
Nakita ko sa taas ng isang maliit na stage si Daddy na nakangiting nakatingin sa amin.
Sabay kaming lumakad ni Aleixis at dama ko ang pag-iingat niya sa akin kaya naman natutuwa ako, sobrang natutuwa saka ko lang naalala na lumalabas ang emosyon ko pag si Aleixis na ang usapan.
Nakarating na kami sa tabi ni Daddy at mas tanaw ko ng mabuti ang mga taong nandidito.
Lahat sila ay pumapalakpak at may ngiti sa labi ngunit alam kong hindi lahat ay masaya o may mabuting kalooban siguradong mag iilan dito na may masamang budhi o kung ano man.
Binitawan na ni Aleixis ang kamay ko at nanatili sa tabi ko habang nagsasalita si Daddy.
Pinakilala niya ako sa lahat ng tao kahit hindi ko masyadong naiintidihan. Natapos ang sinasabi ni Daddy at pinaupo ako sa upuang nasa gitna ng stage.
Malaki ito at napakalambot kaya naman hindi ako nahirapan na umupo at maging komportable dito.
Umupo naman sina Daddy at Aleixis sa isang mesa na malapit sa stage kaya naman kita ko sila.
Nagsimula ang party at napakabopring nito para sa akin lalo na kung wala akong ibang gagawin kundi tanggapin ang mga mensahe nila maging ang mga regalo.
Akala ko naman ay welcoming party ito pero dinaig pa nito ang birthday ko.
Maraming nagbigay ng regalo kaya naman deretso sa loob ng bahay yung mga regalo hanggang sa nawala lahat ng ibang iniisip ko ng makita kung sino ang lalaking ngayon ay nasa harapan ko.
Don Alejandro…
Napatingin ako kay Aleixis na nakatingin din sa akin ngunit hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero ang tanong, bakit nandito si Don Alejandro gayong dapat ay nasa Pilipinas siya?
Bakit siya dumalo gayong hindi naman namin kilala ang isa’t isa?
Naialis ko nga si Aleixis sa Pilipinas para iwasan ang ama niya at kapatid niya pero bakit parang sila na itong nalapit sa kanya?
Pero kung titignan na mabuti halata namang gusto niyang makuha ang loob ko, at ang dahilan?
Si Daddy…
Ano bang papel ni Daddy sa kwento? Bakit ba parang kulang nalang ay sambahin ni Don Alejandro at ng ibang mga bisita ang dinadaanan niya?
Pero hindi iyon ang mahalaga sa ngayon, kundi si Aleixis.
BINABASA MO ANG
Mr. Villain, I Love You 🌟
FantasiWhat if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo na kinakaayawan ng mundo? What if may pagkakataon kang manatili sa tabi niya at maging karamay niya s...