Chapter 18

4.8K 270 10
                                    

Nakatanaw ako sa bintana ngayon habang inaalala ang nangyari kanina.

Mag-isa lang ako ngayon dahil nga umalis si Aleixis sa di ko malamang dahilan habang may pinuntahan lang saglit si Daddy.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung bakit umalis si Aleixis kanina.

Kung tama ang ala-ala ko ay wala naman kaming hindi napagkasunduan bago mangyari ang aksidente pero bakit ganoon?

Ano na din kayang nangyari kay Siella? Ano kayang nangyari sa loob ng limang taon?

Pero bago iyon mukhang kailangan ko munang maibalik ang lakas ko pero maayos na ang pagsasalita ko kahit medyo malalim ang boses ko mula sa pagkakatulog ng limang taon.

Kung tama ay labindalawang taon na ako habang labintatlo naman si Aleixis.

Sa loob ng limang taon, mukhang marami akong kailangang habulin dahil ayaw kong mapag-iwanan.

“ Princess! ” Napatingin naman ako sa pinanggagalingan noon at nakita ang bagong dating na si Daddy at nang tumingin ako sa likudan niya ay hindi ko nakita si Aleixis.

Mukha namang napansin ni Daddy ang tinitignan ko kaya naman lumingon din siya doon at muling tumingin sa akin saka bumuntong hininga.

Mukhang alam niya kung anong iniisip ko.

“ Is it about Aleixis? ” Tanong niya at agad akong tumango.

“ Ever since you fell into a coma, he’s always here. He’s always guarding you and I can feel that he's blaming himself on what happened. ” Saad ni Daddy na ikinatungo ko.

Sabi ko na nga ba at sisisihin niya ang sarili niya. Pero hindi naman siya ang may kasalanan nang nangyari, dahil yun kay Siella.

“ Dad what happened to Siella? ” Tanong ko at kita ko kung paano mandilim ang mukha niya.

“ She’s in prison. Why didn’t you tell me that Siella was abusing you? ” Tanong nito at tumingin sa akin ng nag-aalala.

“ Y-you know? I-i just don’t want to burden you. ” Saad ko sa maliit na boses.

“ Princess you are not a burden to me. You’re my daughter and I prioritise you before anything else. ” Saad niya at niyakap ako, niyakap ko din naman siya pabalik.

Matapos ang paggising ko ay nanatili pa ako ng dalawang linggo sa Hospital ngunit ni isang beses ay hindi ko nakita miski ang anino ni Aleixis.

Hindi ko alam na ganon pala kalaki ang naging epekto kay Aleixis.

Sinabi ni Daddy na pumapasok na din sa eskwelahan si Aleixis at ayon sa kanya may mga kaibigan ni si Aleixis kaya naman natutuwa ako dahil hindi na gaya sa kwento ang kinalalagyan ni Aleixis ngayon dahil hindi na siya mag-isa.

Ngayon ay nasa sasakyan na kami, papauwi dahil na discharged na ako.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil siguradong makikita ko si Aleixis ngunit may posibilidad na iwasan niya ako gaya ng nangyari noong magising ako.

Kung mangyari iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Limang taon ang lumipas at kasabay ng mahabang panahon na iyon ay ang paglayo ng paglayo ng pagitan namin ni Aleixis at ayaw ko noon.

Gusto ko ay gaya ng dati kung saan nakasunod lang ako lagi kay Aleixis at hindi niya ako pinagbabawalan.

Gusto ko gaya ng dati na halos hindi na kami mapaghiwalay gaya ng dati kung saan ako lang ang nginingitian at nilalapitan niya.

Pero limang taon ang lumipas at hindi ko iyon maibabalik pa, hindi ko maibabalik ang mga panahon na iyon kaya wala akong ibang magagawa kundi magpatuloy.

Sa malalim na pag-iisip ko ay hindi ko napansin ang mga luhang dumadaloy mula sa mga mata ko hanggang sa kusa nalang itong natuyo

Mr. Villain, I Love You 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon